BOBOTO SA UNANG PAGKAKATAON? NARITO KUNG PAANO!

Publications
8110.08

BOBOTO SA UNANG PAGKAKATAON? NARITO KUNG PAANO!

Magiging 18 taong gulang ka na bago lumipas ang araw ng eleksyon sa Nobyembre 5, 2024, at nasasabik kang bumoto sa unang pagkakataon sa California! BINABATI KA NAMIN! Ngayon, mayroon kang mga tanong. Sana ay makatulong ito! Kung mayroon ka pa ring mga tanong, maaari kang tumawag sa aming Hotline sa Pagboto: 1-888-569-7755.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Magiging 18 taong gulang ka na bago lumipas ang araw ng eleksyon sa Nobyembre 5, 2024, at nasasabik kang bumoto sa unang pagkakataon sa California! BINABATI KA NAMIN! Ngayon, mayroon kang mga tanong. Sana ay makatulong ito! Kung mayroon ka pa ring mga tanong, maaari kang tumawag sa aming Hotline sa Pagboto: 1-888-569-7755.

Tanong: Saan ako magpaparehistro para bumoto?

Tanong: Kailan ang takdang petsa para magrehistro ako para makaboto sa eleksyon sa Nobyembre 2024?

  • Para sa online na pagpaparehistro, magrehistro bago lumipas ang Oktubre 21, 2024.
  • Para sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng mail, i-postmark bago lumipas ang Oktubre 21, 2024.
  • Lumampas sa takdang petsa? Maaari ka pa ring magparehistro nang may kondisyon hanggang sa Araw ng Eleksyon at bumoto sa Eleksyon sa Nobyembre sa anumang lokasyon sa pagboto sa personal. Ang ibig sabihin ng “nang may kondisyon” ay hindi nila bibilangin ang iyong boto hanggang sa masuri nilang tama ang lahat ng iyong impormasyon sa pagpaparehistro. https://www.sos.ca.gov/elections/voter-registration/same-day-reg

Tanong: Paano ko pupunan ang card sa pagpaparehistro ng botante:

Tanong: Ano ang mangyayari pagkatapos kong magparehistro para bumoto?

  • Maaari mong kumpirmahin para makita kung nakarehistro ka: https://voterstatus.sos.ca.gov/
  • Magpapadala sa iyo ng Gabay sa Impormasyon para sa Botante
  • Magpapadala sa iyo ng balota

Tanong: Paano ko malalaman kung saan ako boboto?

  • Tingnan ang Gabay sa Impormasyon para sa Botante para sa address ng iyong nakatalagang lugar para sa pagboto o pinakamalapit na sentro sa pagboto
  • Maaari mo ring tingnan online: https://www.vote.org/polling-place-locator/

Tanong: Paano ako boboto?

  • Sa pamamagitan ng mail: https://www.sos.ca.gov/elections/voter-registration/vote-mail
  • Sa personal: Pumunta sa iyong lugar sa pagboto o sentro sa pagboto at punan ang balota gamit ang papel na balota o naa-access na machine sa pagboto ng iyong county at ihulog ito sa kahon ng balota o ibigay ito sa nagtatrabaho sa lugar para sa pagboto/tauhan ng sentro sa pagboto.
  • Sa bangketa: Pumunta sa iyong lugar ng pagboto o sentro sa pagboto at gamitin ang opsyon sa pagboto sa bangketa kung saan makikipag-ugnayan ka sa isang tao sa loob ng lugar ng pagboto at maginhawa kang makakaboto mula sa iyong sasakyan. Nakakatulong na mungkahi: Magdala ng cell phone para madaling makaugnayan ang tauhan sa loob ng lugar para sa pagboto o sentro sa pagboto.
  • Malayuang Naa-access na Pagboto sa Pamamagitan ng Mail (Remote Accessible Vote-By-Mail, RAVBM): Maaari mong kumpletuhin ang iyong balota mula sa bahay gamit ang mga pantulong na kagamitan sa sarili mong computer sa bahay. Makipag-ugnayan sa opisina ng Mga Eleksyon sa County at papadalhan ka ng link para markahan ang mga pinili at kumpletuhin ang balota sa computer mo. Kapag tapos ka na, puwede mong i-print ang nakumpletong balita, pagkatapos ay isauli ito gamit ang bayad nang sobre na ipinadala ng County.

Nakumpleto mo na ito!! Congratulations sa pagboto sa unang pagkakataon!! Ngayon ay kumuha ng sticker na “Bumoto Ako” (I Voted) para sa sarili mo.

Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa: https://www.sos.ca.gov/elections/voter-registration