Fact Sheet ng Diskriminasyon: Paratransit
Fact Sheet ng Diskriminasyon: Paratransit
Ang Paratransit ay isang serbisyo ng transportasyon para sa mga indibidwal na hindi kayang gumamit ng mga serbisyo ng pampublikong transportasyon. Ang mga ahensya ng pampublikong transportasyon ay inuutusan, sa ilalim ng Americans with Disabilities Act (ADA), na magbigay ng mga serbisyo ng paratransit.
Отказ от ответственности: Эта публикация представляет собой только юридическую информацию и не является юридической консультацией по поводу вашей индивидуальной ситуации. Он актуален на дату публикации. Мы стараемся регулярно обновлять наши материалы. Однако законы регулярно меняются. Если вы хотите убедиться, что закон не изменился, обратитесь в DRC или в другое юридическое бюро.
Paratransit
Ang Paratransit ay isang serbisyo ng transportasyon para sa mga indibidwal na hindi kayang gumamit ng mga serbisyo ng pampublikong transportasyon. Ang mga ahensya ng pampublikong transportasyon ay inuutusan, sa ilalim ng Americans with Disabilities Act (ADA), na magbigay ng mga serbisyo ng paratransit.
Ang ahensya ng pagbibiyahe ay dapat magkaoob ng serbisyo ng paratransit sa loob nang 3/4 ng isang milya ng isang ruta ng bus o istasyon ng tren. Dapat nakalaan ang serbisyong ito sa mga parehong araw at sa parehong mga oras bilang regular na mga serbisyo ng pagbibiyahe. Maaari kang singilin nang mataas na pamasahe para sa mga serbisyo ng paratransit, ngunit ang pamaseheng ito ay hindi hihigit sa doble sa regular na pamasahe.
Pagkanararapat para sa mga Serbisyo ng Paratransit
Karapat-dapat ka para sa serbisyo ng paratransit kung hindi mo kayang gumamit ng pampublikong pagbibiyahe dahil sa iyong kapansanan. Para malaman kung makagagamit ka ng pampublikong transportasyon, isinasaalang-alang ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang ilang dahilan. Kasama sa mga dahilan na ito ang kakayahang makapaglakad o isakay sa bagay na may gulong papunta at mula sa mga hintuan ng pagbibiyahe, kakayahan makapasok at lumabas sa istasyon, kakayahan na sumenyas para sa pagtigil, at kakayahan pangasiwaan ang mga hindi inaasahang sitwasyon. Ang Disability Rights Education & Defense Fund ay may marami pang impormasyon: https://dredf.org/ADAtg/elig.shtml#appendix1
Paghingi ng Serbisyo
Kontakin ang iyong lokal na ahensya ng pagbibiyahe para humiling ng access sa iyong lokal na serbisyo ng pagbibiyahe. Ang bawat ahensya ay responsable sa paglikha ng sarili nitong proseso ng repaso, kaya ang mga kinakailangan ay maaaring mag-iba-iba sa mga ahensya ng pagbibiyahe. Karamihan sa mga ahensya ng pagbibiyahe ay mayroong website na may form ng aplikasyon na maaari mong sagutan at isumite sa online. Maaari ka ring magsumite ng sulat sa ahensya na iyon na humihiling ng serbisyo. Kasama ang isang sampol ng sulat sa hulihan ng fact sheet na ito. Hindi ka dapat singilin ng ahensya ng pagbibiyahe sa paghiling ng mga serbisyo ng paratransit.
Maaaring hilingan ka ng ahensya ng pagbibiyahe na suportahan ang iyong kahilingan para sa mga serbisyo ng paratransit sa pamamagitan ng sulat mula sa iyong doktor. Maaari ring hilingin ka ng ahensya na dumalo ng personal na panayam o pagsusuri para mapagpasiyahan kung ikaw ay karapat-dapat.
Dapat tumugon ang ahensya ng pagbibiyahe sa iyong aplikasyon sa loob nang 21 araw. Kung hindi tutugon ang ahensya sa oras, dapat nitong simulan ang mga serbisyo ng paratransit. Maaaring tumigil ang mga serbisyo kung ang iyong aplikasyon ay matatanggihan sa huli. Dapat kang bigyan ng ahensya ng paratransit ng partikular na mga dahilan sa pagtanggi sa iyong aplikasyon.
Kung maaprobahan ang iyong aplikasyon, dapat kang bigyan ng ahensya ng pagbibiyahe ng nakasulat na abiso na kasama ang kahit sa sumusunod:
- ang iyong pangalan;
- ang pangalan ng provider ng pagbibiyahe;
- ang numero ng telepono para sa coordinator ng paratransit;
- ang petsa ng expiration para sa pagkanararapat (kadalasang isa-hanggang-tatlong taon, at maaari kang mag-apply para ipagpatuloy ang iyong serbisyo pagkatapos noon); at
- anumang kundisyon o limitasyon sa iyong pagkanararapat. Bilang halimbawa, maaaring karapat-dapat ka para sa paratransit para sa isang ruta ngunit hindi para sa ibang ruta.
Pag-schedule ng mga Serbisyo
Sa sandaling maaprobahan, maaari kang mag-schedule ng mga biyahe sa pamamagitan ng pagsunod sa proseso ng pag-i-schedule ng ahensya ng iyong pagbibiyahe. Ang mga ahensya ng pagbibiyahe ay inuutusang maghandog ng serbisyo sa susunod na araw, at dapat sumang-ayon na susunduin ka sa loob nang isang oras na iyong hiniling.
Dapat pahintulutan ka ng mga ahensya ng pagbibiyahe na bumiyahe kasama ng isang personal na katulong. Ang personal na katulong ay isang tao na tutulong sa iyo sa mga gawain alinman sa panahon ng iyong biyahe o sa iyong pupuntahan. Maaaring hindi ka singilin ng pamasahe ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang iyong katulong. Kung kailangan mo ng katulong o naniniwalang paminsan-minsan ay kailangan mo ng katulong, kung gayon ay dapat mong isama ang impormasyong iyon sa iyong aplikasyon.
Dapat ka ring pahintulutan ng mga ahensya ng pagbibiyahe na magkaroon ng kahit isang kasama. Ang isang kasama ay isang tao na bibiyahe kasama mo para samahan ka o bilang isang kaibigan. Hindi nabibilang na isang kasama ang iyong katulong. May karapatan ang ahensya ng pagbibiyahe na singilin ng pamasahe ang iyong kasama, ngunit ang pamasahe na iyon ay hindi maaaring maging higit sa doble ng pamasahe ng regular na serbisyo.
Mga pagtanggi at Kawalan ng Serbisyo
Maaari kang mag-apela ng pagtanggi ng serbisyo ng paratransit. Dapat matanggap ang mga apela nang hanggang sa 60 araw pagkatapos ng iyong pagtanggi. Ang ilang ahensya ay maaaring bigyan ka nang higit pang panahon para mag-apela. Maaari kang mag-apela nang personal o nang nakasulat.
Mayroong 30 araw ang ahensya ng pagbibiyahe para tumugon sa iyong apela. Dapat nakasulat ang mga tugon. Kung hindi tutugon sa oras ang ahensya, dapat itong magbigay ng serbisyo maliban lang at hanggang sa tanggihan nito ang apela.
Maaaring itigil o suspindehin ng ahensya ng pagbibiyahe ang iyong mga serbisyo kung masasangkot ka sa marahas, malubhang nakakaantala, o ilegal na asal, o kung mayroon kang nakagawian ng hindi nakararating sa mga naka-schedule na biyahe. Ang mga aksidente o minsanang insidente ay hindi isang nakagawian. Tanging sinasadya, paulit-ulit, o regular na mga pagkilos ay dapat ituring na nakagawiang mga hindi nakararating sa mga biyahe.
Dapat kang abisuhan ng ahensya ng pagbibiyahe nang nakasulat kung pinaplano nitong itigil o suspendihin ang mga serbisyo. Dapat ipahiwatig ng abiso ang partikular na mga serbisyo na kanilang sususpendihin at magbigay ng mga dahilan para sa pagsususpendi. Dapat ding ibigay ng abiso ang petsa ng pagpapatuloy ng serbisyo. Dapat kang bigyan ng ahensya ng pagbibiyahe ng pagkakataon na iapela ang pagsususpendi. Dapat magpatuloy ang mga serbisyo sa panahon ng proseso ng apela.
Maaaring hingin ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang muling pagsesertipika ng pagkanararapat ng paratransit. Maaaring mawala sa iyo ang mga serbisyo ng paratransit kung mapagpapasyahan ng ahensya na hindi ka na karapat-dapat.
Mga karagdagang Mapagkukunan
Makahahanap ka ng higit pang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng paratransit, pamantayan ng pagkanararapat, at pag-a-apply para sa mga serbisyo dito:
- Website ng Federal Transit Administration:
- FTA Circular sa mga Alituntunin ng ADA para sa mga Ahensya ng Pagbibiyahe: https://www.transit.dot.gov/sites/fta.dot.gov/files/docs/Final_FTA_ADA_Circular_C_4710.1.pdf
- Websitte ng Disability Rights Education & Defense Fund:
- Publikasyon ng ADA Paratransit Eligibility: https://dredf.org/news/publications/ada-paratransit-eligibility/
- Mga gabay sa Paksa ng Paratransit ng ADA: https://dredf.org/ADAtg/elig.shtml
Mga administratibong Reklamo
Ang Federal Transit Administration (FTA) Office of Civil Rights ay responsable sa pamamahala ng mga regulasyon ng paratransit ng pederal. Kung naniniwala ka na hindi sinunod ng ahensya ng iyong pagbibiyahe ang mga regulasyon na ito, hindi wastong tinanggihan ang iyong serbisyo, o hindi ka hinandugan ng pagkakataon para iapela ang desisyon nito, maaari kang maghain ng reklamo sa FTA. Iimbestigahan ng FTA ang mga reklamo at maghahanap para sa anumang paglabag ng ADA ng ahensya ng pagbibiyahe. Pagkatapos ay aabisuhan ng FTA ang ahensya ng pagbibiyahe sa mga paglabag na ito at magtatakda ng deadline para aksyunan ng ahensya.
Mga reklamo ng FTA:
Federal Transit Administration
Office of Civil Rights
Attention: Complaint Team
East Building, 5th Floor – TCR
1200 New Jersey Avenue, SE
Washington, DC 20590
Form ng reklamo:
Telepono: 1-888-446-4511
Ipinapatupad ng Department of Fair Employment and Housing (DFEH) ang mga batas ng pangmamayang karapatan ng estado. Anumang paglabag ng ADA ay isa ring paglabag sa batas ng estado. Kung naniniwala kang nadiskrimina ka ng ahensya ng pagbibiyahe laban sa iyo, maaari ka rin maghain ng reklamo sa DFEH. Dapat maihain ang mga reklamo ng DFEH sa loob nang isang taon ng may pinapanigang asal. Maaari kang mag-apela ng desisyon ng DFEH sa Direktor ng DFEH sa loob nang 10 araw ng desisyon. Tingnan ang 2 C.C.R. Seksyon 10033.
Mga reklamo ng DFEH:
Online na Paghahain: https://www.dfeh.ca.gov/filing-a-complaint-online/
Telepono: (800) 884-1684
TTY: (800) 700-2320
Mail: Tawagan ang (800) 884-1684 at hilingin ang naaangkop na form ng reklamo para i-print at ibalik Mangyaring magpahintulot ng karagdagang panahon para sa mail at pagpoproseso.
Paglilitis
Ang mga paglabag sa batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong demanda. Mangyaring maging may kamalayan na ang mga kautusan ng limitasyon ay pinipigilan ang mga takdang panahon para sa paghahain ng paglilitis at maaaring potensyal na matalo ang iyong mga claim kung hindi ka kikilos sa loob nang naaangkop na mga batas ng limitasyon. Ang mga deadline na ito ay maaaring maging kasing ikli nang dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon. Kung interesado kang ipagpatuloy ang paglilitis, dapat kang komunsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon.
Kung naghahangad ka nang mababa sa $10,000 sa mga danyos sa pera, ang isa pang opsyon ay maghain ng kasong diskriminasyon sa Small Claims Court. Ang mga kautusan ng mga limitasyon na tinalakay sa itaas ay lalapat. Hindi ka maaaring gumamit ng abogado kung pupunta ka sa small claims court. Narito ang link sa isang publikasyon ng Disability Rights California na ipinapaliwanag ang proseso ng paggamit ng Small Claims para sa mga kaso ng diskriminasyon: https://www.disabilityrightsca.org/publications/a-guide-to-small-claims-court-how-to-sue-if-a-business-or-landlord-discriminates
Sampol na Sulat para Humiling ng mga Serbisyo ng Paratransit
[Petsa]
Minamahal na [Ahensya ng Pagbibiyahe]:
Sumusulat ako para humiling ng mga serbisyo ng paratransit sanhi sa aking [kapansanan/mga kapansanan]/ hindi ko magamit ang nakapirming sistema ng ruta dahil [ilarawan ang mga balakid sa paggamit ng pampublikong transportasyon hal. hindi napupundtahan ang hintuan].
Ang aking [manggagamot / psychiatrist / psychologist / therapist / social worker /occupational therapist / iba pang indibidwal (ilarawan)] ay ipinapalagay na kinakailangan ang mga serbisyo ng paratransit dahil sa aking kapansanan. Mangyaring tingnan ang kalakip na sulat mula sa [pangalan ng doktor o propesyonal].
Gusto kong gamitin ang mga serbisyo ng paratransit para sa mga sumusunod na biyahe sa isang regular na batayan: [Ilista ang mga araw/oras ng biyahe, pagsundo at mga lokasyon ng bababaan].
[Kakailanganin ko ng tulong ng isang katulong sa (ilan/lahat) ng biyahe para tulungan ako (sa panahon ng biyahe/sa aking pupuntahan). (Ilarawan ang pangangailangan ng katulong).]
Inuutos ng batas ng pederal at estado na magkaloob ang mga ahensya ng pagbibiyahe ng serbisyo ng paratransit sa mga taong may mga kapansanan na hindi kayang gamitin ang nakapirming sistema ng ruta. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito sa loob nang 21 araw, gaya nang inuutos ng batas. Mangyaring malayang kontakin ako sa [ang numero ng iyong telepono at / o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. Salamat sa iyo.
Gumagalang,
[Ang iyong pangalan]
[Ang iyong address]
Sampol ng Sulat ng Suporta
[Petsa]
Minamahal na [Negosyo]:
Ako ang [manggagamot / psychiatrist / psychologist / therapist / social worker / occupational therapist / iba pa] para kay [Pangalan], at pamilyar ako sa [kanyang] kundisyon. Mayroon [siyang] kapansanan na nagdudulot ng ilang limitasyon sa pagganap. Kasama sa mga limitasyon na ito ang [ilista ang mga limitasyon sa pagganap na kinakailangan sa hinihiling na serbisyo ng paratransit].
Hindi magamit ni [pangalan] ang nakapirming sistema ng ruta. [Ilarawan ang mga balakid na nakapipigil sa pagagamit ng pampublikong transportasyon. Kung kinakailangan ng katulong mangyaring ilarawan ang pangangailangan ng katulong].
Salamat sa iyong pagkakaloob sa serbisyo ng paratransit para kay [Pangalan].
Gumagalang,
[Pangalan at Titulo]