Educationally Related Mental Health Services (ERMHS)
Educationally Related Mental Health Services (ERMHS)
Educationally Related Mental Health Services (ERMHS) ay mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip para sa mga estudyante na nagiging karapat-dapat para sa special education. Sinusuportahan ng ERMHS ang panlipunang-emosyonal na mga pangangailangan ng estudyante. Makatutulong din ang mga ito para mapabuti ang mga akademiko, pag-uugali, at panlahatang pagkatao ng estudyante. Ang ERMHS ay indibidwal na inakma sa mga pangangailangan ng estudyante at sa kanilang indibidwal na mga layunin ng Education Program (“IEP”). Maaaring kasama sa ERMHS ang pagpapayo (indibidwal, grupo) at/o mga serbisyong gawaing panlipunan (pakikipagtulungan at pangangasiwa ng kaso).
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang mga Educationally Related Mental Health Services (ERMHS)?
Educationally Related Mental Health Services (ERMHS) ay mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip para sa mga estudyante na nagiging karapat-dapat para sa special education. Sinusuportahan ng ERMHS ang panlipunang-emosyonal na mga pangangailangan ng estudyante. Makatutulong din ang mga ito para mapabuti ang mga akademiko, pag-uugali, at panlahatang pagkatao ng estudyante. Ang ERMHS ay indibidwal na inakma sa mga pangangailangan ng estudyante at sa kanilang indibidwal na mga layunin ng Education Program (“IEP”). Maaaring kasama sa ERMHS ang pagpapayo (indibidwal, grupo) at/o mga serbisyong gawaing panlipunan (pakikipagtulungan at pangangasiwa ng kaso).
Paano ko idadagdag ang ERMHS sa IEP ng aking anak?
Maaari kang humiling ng pagtatasa para malaman kung magiging karapat-dapat ang iyong anak para sa ERMHS. Dapat mong gawin ang iyong kahilingan nang nakasulat. Dapat tumugon ang distrito ng paaralan sa loob nang 15 araw ng kalendaryo sa iyong kahilingan at bigyan ka ng plano ng pagtatasa. Ang distrito ng paaralan ay may 60 araw mula sa petsa nang natanggap nila ang iyong lagda para tapusin ang pagtatasa at magdaos ng pulong ng IEP para talakayin ang mga resulta. Pagkatapos ay tatalakayin ng koponan ng IEP ang mga pangangailnagan ng iyong estudyante at pagpapasyahan kung naaangkop ang isang serbisyo ng ERMHS.
Maaari kang maghanda para sa pulong ng IEP sa pamamagitan ng paghingi ng kopya ng pagsusuri nang maaga sa pulong. Dapat ibigay ng distrito ng paaralan sa mga magulang ang kopya ng mga tala ng pagsusuri ng kanilang anak sa loob nang 5 araw ng kahilingan. Ikaw at ang iyong anak ay maaari ring maghanda para sa pulong ng IEP sa paghahanda ng mga dahilan at halimbawa sa kung bakit naniniwala ka na kinakailangan ng iyong anak ang ERMHS.
Hindi kinakailangan ng iyong anak na magkaroon ng anumang partikular na diyagnosis, o maging karapat-dapat para sa special education sa ilalim ng anumang partikular na kategorya upang makatanggap ng ERMHS.
Kung hindi ka sasang-ayon sa pagtatasa ng ERMHS ng distrito ng paaralan, maaari kang magsaalang-alang ng paghiling ng Independent Educational Evaluation. Makakahanap ka pa ng impormasyon dito sa aming publikasyon: Paanong Humiling ng Independent Educational Evaluation sa Gastos ng Taong-bayan https://www.disabilityrightsca.org/publications/how-to-obtain-an-independent-educational-evaluation-at-public-expense
Ano ang mangyayari pagkatapos na matukoy na nangangailangan ng ERMHS ang estudyante.
Kung mapagpasyahan ng koponan ng IEP na kinakailangan ng ERMHS ang estudyante, dapat isama ng koponan ng IEP ang ERMHS bilang isang serbisyo sa IEP ng estudyante. Dapat din bumuo ng mga layunin ang koponan ng IEP sa mga kaugnay na larangan ng pangangailangan.
Mahalagang maghanda para sa pulong ng IEP na ito para masiguro na mayroong naaangkop na mga serbisyo at layunin ang iyong anak. Ikaw at ang iyong anak ay mahahalagang bahagi ng prosesong ito. Maaari mong isaalang-alang na makipag-usap sa iyong anak bago ang pulong para matukoy ang mga layunin at pangangailangan ng iyong anak. Bilang halimbawa, gusto ba nilang makipagkaibigan at makibagay sa kanilang mga kaklase sa paaralan? Gusto ba nilang malaman kung paanong pangasiwaan ang pagkabahala na kanilang nararanasan sa panahon ng matematika o iba pang mapaghamong paksa? Ang pagtatanong sa iyong anak para sa kanilang impormasyong ipinapasok ay makatutulong gawing mas mabisa ang mga layunin at serbisyo.
Kapag kasama ang mga serbisyo ng ERMHS sa IEP ng iyong anak, makikipagtagpo ang provider sa estudyante para ibigay anag ERMHS sa kaligiran ng paaralan. Dapat makipag-usap ang provider ng ERMHS sa iyo, iyong anak, at sa koponan ng IEP para malaman ang pinakamagandang oras at lokasyon para ibigay ang serbisyo.