CARE Court at SB 43 sa Simpleng Wika
CARE Court at SB 43 sa Simpleng Wika
Tinatalakay ng sangguniang ito ang pinakabagong batas sa kalusugang pangkaisipan ng California na tinatawag na Care Court.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang CARE Court?
Mayroong ilang bagong mga batas ang California tungkol sa kalusugan ng isip. Isa sa bagong mga batas ang tinatawag na Korte para sa Tulong, Pagbawi, at Pagpapalakas ng Komunidad (CARE, Community Assistance, Recovery and Empowerment).
Ang CARE Court ay maraming hakbang. Kailangan mong humarap sa huwis nang maraming beses. Kailangan kang suriin ng kagawaran ng kalusugan sa pag-uugali ng iyong county kung ikaw ay may ilang kapansanan sa kalusugan ng pag-iisip.
- May form na magagamit sa pagsisimula ng proseso sa CARE Court. May ilang tao, tulad ng iyong pamilya, ang taong kasama mo sa bahay, o pulis ang maaaring magpuno ng form.
- Kapag pinadala nila ang form, susuriin ng county kung kwalipikado ka. Ilang tao lang ang maaaring magkwalipika.
- Kailangan mong magkaroon ng partikular na medikal na kondisyon upang magkwalipika: alinman sa karamdamang nasa schizophrenia spectrum, karamdamang bipolar I na may mga feature ng psychosis, o iba pang karamdamang nauugnay sa psychosis.
- Maraming hindi kwalipikado, tulad ng autism o karamdamang bipolar na walang feature ng psychosis.
- Pagpapasyahan ng huwis kung kwalipikado ka.
- Kung sa tingin ng huwis ay kwalipikado ka, may dalawang posibleng landas:
- Kasunduan sa CARE: Una, susubukan mo at ng iyong abogadong magkipagkasundo sa county at sa huwis. Ang kasunduang ito ay para sa isang taong plano sa kalusugan ng isip. Kailangang aprubahan ng huwis ang kasunduan.
- Plano sa CARE: Kung hindi sumasang-ayon ang lahat, maaaring gumawa ng plano ang korte para sa iyo.
- Maaaring kasama sa planong ito ang paggagamot, pabahay, at gamot.
- Maaaring kailangan mong mag-antay bago ka makatanggap ng pabahay o iba pang suporta.
- Maaaring hingin sa iyo ng huwis na uminom ng gamot. Kung hindi ka iinom ng gamot, hindi ka nila pipiliting inumin ito. Ngunit, kung hindi mo iinumin ang gamot, maaaring sabihin ng korteng hindi ka sumusunod sa kanilang plano.
- Kung hindi mo susundin ang plano at may pandinig ka para sa conservatorship, maaaring irekomenda ng gobyernong ilagay ka sa conservatorship. Ang conservatorship ay nangangahulugang ibang tao ang magpapasya sa paggagamot sa iyo para sa kalusugan sa isip at kung saan ka titira. Halimbawa, maaaring ipadala ka nila upang tumira sa nakakandadong pasilidad at atasan kang uminom ng gamot para sa kalusugan ng isip.
Ang CARE Court ay isang paraan para maatasan ka ng ibang tao, tulad ng huwis kung ano ang gagawin. Maaaring hindi mo ganap na mapanghawakan at mapangasiwaan ang buhay mo.
Ano ang SB 43?
Ang Panukalang Batas ng Senado (SB, Senate Bill) Blg. 43 ay isang batas tungkol sa kalusugan ng isip sa California. Binabago ng batas ang kahulugan ng “May Malubhang Kapansanan.”
Ang “May Malubhang Kapansanan” ay isa sa mga paraan para mailagay ka sa hindi boluntaryong kustodiya o conservatorship.
Ang hindi boluntaryong kustodiya ay ang 5150. Pinahihintulutan ng 5150 ang county na ilagay ka sa kustodiya nang laban sa iyong kagustuhan sa isang nakakandadong pasilidad nang hanggang 72 oras (3 araw). Matapos ang panahong iyon, ang ilang tao ay pinapalabas. Pinipili ng ilang taong manatili sa ospital. Ang ilang tao ay nasa kustodiya nang mas matagal sa ibang uri ng kustodiya.
Kung natutugunan mo ang mga kriterya para sa May Malubhang Kapansanan, maaari kang ilagay sa isang 5150 na kustodiya. Maaari kang ilagay sa kustodiya ng pulis o kinatawan ng county.
Binabago ng SB 43 ang kriterya para sa May Malubhang Kapansanan sa dalawang paraan:
- Nagdaragdag ito ng malubhang sakit sa paggamit ng sangkap. Ngayon kung may malubhang sakit ka sa paggamit ng sangkap, maaaring matugunan mo ang pamantayan sa May Malubhang Kapansanan.
- Sinasabi rin ditong kung hindi mo kayang pangasiwaan ang sariling medikal na pangangalaga o personal na kaligtasan mo, maaaring matugunan mo ang pamantayan ng May Malubhang Kapansanan.
Ang May Malubhang Kapansanan ay may dalawang bahagi:
- Dapat may sakit ka sa kalusugan ng isip o malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap.
- At dahil sa kondisyong iyon, hindi mo magagawa ang ilang bagay:
- Pangasiwaan ang iyong sariling pangangailangan sa pagkain, damit o tuluyan, o
- Pangalagaan ang iyong sariling kaligtasan at medikal na pangangalaga.
Nangangahulugan ang batas na itong mas maraming tao ang mailalagay sa hindi boluntaryong kustodiya at conservatorship. Nangangahulugan ang batas na itong mas maraming tao ang may mas kaunting pagpipilian sa kanilang mga buhay.


