Pagpapasya ng Pagiging Karapat-dapat sa Ilalim ng Programa ng Medi-Cal na Aged, Blind, & Disabled Federal Poverty Level (ABD FPL)

Publications
#5450.08

Pagpapasya ng Pagiging Karapat-dapat sa Ilalim ng Programa ng Medi-Cal na Aged, Blind, & Disabled Federal Poverty Level (ABD FPL)

Ang programang ABD FPL ay isang walang kabahagi sa gastos, buong-saklaw na programang Medi-Cal para sa mga taong higit sa edad na 65, o may kapansanan.  Ito ay may mas mataas na limitasyon sa kita kaysa ibang mga programang Non-Magi Medi-Cal.

Important:
We know it can be helpful to print our resources, but we regularly update our resources. For that reason, please use the online version for the most up-to-date information.
This document was printed on:  

Access the online version using this link:  

Disclaimer:This publication is legal information only and is not legal advice about your individual situation. It is current as of the date posted. We try to update our materials regularly. However, laws are regularly changing. If you want to make sure the law has not changed, contact DRC or another legal office. Resources we link to from external sites will generally be in English.

Ang programang ABD FPL ay isang walang kabahagi sa gastos, buong-saklaw na programang Medi-Cal para sa mga taong higit sa edad na 65, o may kapansanan.  Ito ay may mas mataas na limitasyon sa kita kaysa ibang mga programang Non-Magi Medi-Cal.

Ang publikasyong ito at kalakip na mga worksheet ay magagamit upang pagpasyahan ang pagiging karapat-dapat sa ilalim ng programang ABD-FPL bilang isang indibidwal, mag-asawa, o isang indibidwal sa isang pamilya. 

Ang mga worksheet ay nasa sumusunod na hanay:

Ang mga limitasyon sa kita para sa programang ABD FPL ay: Indibidwal $1,801; Mag-asawa $2,433.1 Ang kita ay anumang natatanggap sa isang buwan na magagamit upang magkaloob ng pagkain at tirahan.  Ang kita ay nagiging yaman sa ika-1 ng susunod na buwan.  Ang Medi-Cal ay hindi bumibilang ng mga yaman kapag nagpapasya ng pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal.2 Ang mga halimbawa ng mga yaman ay mga bagay na pag-aari mo tulad ng iyong bahay, sasakyan, pera sa bangko, o account sa pagreretiro.

Tandaan: Karamihan ng mga taong kwalipikado para sa ABD FPL Medi-Cal ay maaarng karapat-dapat din para sa mga selyo para sa pagkain. Kung ikaw ay nasa mga selyo para sa pagkain – tinatawag ngayon na CalFresh – tatanggap ka ng isang plastic card upang gamitin tulad ng ATM o debit card upang bumili ng pagkain. May mga natatanging tuntunin at ekstrang mga kabawasan upang tulungan ang mga nakatatanda (60 at mas matanda) at mga taong may kapansanan na makakuha ng CalFresh.

Makokontak mo ang iyong kagawaran ng welfare ng county o manggagawa sa pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal o IHSS ng iyong County upang humingi ng karagdagang impormasyon. Maaari mo ring gustuhin na kontakin ang iyong lokal na tulong na pambatas para sa tulong. Ang Disability Rights California ay walang kadalubhasaan sa pagiging karapat-dapat sa CalFresh..

Ano ang mangyayari kung ang iyong maibibilang na kita ay napakataas upang maging kwalipikado para sa walang kabahagi sa gastos na Medi-Cal sa ilalim ng programang ABD FPL?

Ang iyong “netong maibibilang na kita” ay ang kita na natitira pagkatapos ilapat ang ipinahihintulot na hindi pagsasama at mga kabawasan, tulad ng mga kabawasan sa di-inani at inaning kita.

Kung ang iyong netong maibibilang na kita ay mas mataas kaysa limitasyon sa kita upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL, ikaw ay maaaring:

  • Maging kwalipikado para sa programang ABD FPL bilang walang-asawang indibidwal, sa pamamagitan ng pagbili ng karagdagang suplementong segurong pangkalusugan.
  • Maging kwalipikado para sa programang ABD FPL bilang mag-asawa, sa pamamagitan ng pagbili ng karagdagang suplementong segurong pangkalusugan, o
  • Mag-aplay para sa Programang 250% na Nagtatrabahong May Kapansanan.

Gayon din, ang county ay dapat magsuri ng iyong pagiging karapat-dapat para sa lahat ng programang Medi-Cal na maaari kang maging kwalipikado. Maaaring kabilang dio ang:

  • Programang Pickle,
  • Programang Disabled Adult Child (DAC), o
  • Programang Aged, Blind, and Disabled (ABD) Medically Needy (MN).

Mayroon ding ibang mga kasangkapan na magagamit ng county upang tulungan kang magtatag ng pagiging karapat-dapat para sa Medi-Cal. Ang ilan sa mga ito ay:

  • Long Term Care (LTC) Medi-Cal na may Mga Probisyon sa Asawa – Paghihirap ng Asawa sa Komunidad,
  • Long Term Care (LTC) Medi-Cal na may mga Waiver sa mga Magulang o Asawa – Home and Community Based Services (HCBS) o
  • Cafeteria Plan – Hindi nagsasaklaw ng kita para sa mga nagtatrabahong tao na may mga cafeteria plan.

Ang natitira sa publikasyong ito ay maglalarawan ng mga puntos na may bullet sa itaas mula a hanggang i nang mas detalyado.

(a) Pagkwalipika para sa programang ABDI FPLA, bilang isang walang-asawang indibidwal

Upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL, maaari kang bumili ng suplementong segurong pangkalusugan at magbayad ng buwanang hulog, tulad ng seguro sa ngipin, seguro sa panidinig, at segurong Medigap. Ang halaga ng hulog na babayaran mula sa  bulsa bawat buwan ay ibinabawas mula sa iyong maibibilang na kita bago tasahin kung ikaw ay karapat-dapat para sa programang ABD FPL.

Kalkulasyon – Walang-asawang Indibidwal

Narito ang isang halimbawa kung paano pagpasyhan kung magkano ang kakailanganin mong bayaran bawat buwan sa mga hulog sa segurong pangkalusugan upang dalhin ang iyong maibibilang na kita patungo sa may sapat na baba upang maging kwalipIkado para sa programang ABD FPL.

Sa halimbawang ito, si Mai ay mag-isang naninirahan sa isang sambahayan. Ang tanging kita ni Mai ay $2,100 mula sa Pagreretiro sa Social Security.

Hakbang 1

$2,100 (Kabuuang di-inaning kita ni Mai) – $20 (kabawasan sa di-inaning kita) – $185
(average na hulog sa 2025 Medicare Part B ) = $1,895 (maibibilang na kita).

Hakbang 2

$1,895 (maibibilang na kita) - $1,801 (2025 limitasyon ng ADB FPL sa kita ng walang-asawang indibidwal) = $94 (netong maibibilang na kita/halaga ng pera na sobra sa limitasyon sa kita si Mai).

Sa halimbawang ito, dapat gumasta si Mai ng hindi bababa sa $94 upang madala ang kanyang netong maibibilang na kita na may sapat na baba upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL.

PAYO: Para sa tulong sa paghahanap ng seguro upang tulungan kang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL, kontakin ang isang ahente ng segurong pangkalusugan o ang iyong lokal na “Health Insurance Counseling & Advocacy Programs” (HICAP) sa: https://cahealthadvocates.org/hicap/. Dapat mong sabihin sa HICAP kung magkano ang kailangan mong gastahin sa seguro bawat buwan upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL. Hindi ito gagawin ng HICAP para sa iyo.

(b) Pagkwalipika para sa programang ABDI FPLA, bilang mag-asawa

Upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL bilang mag-asawa, ikaw o ang iyong asawa ay maaaring bumili ng suplementong segurong pangkalusugan at magbayad ng buwanang hulog. Ang halaga ng hulog na babayaran mula sa  bulsa bawat buwan ay ibinabawas mula sa iyong maibibilang na kita bago tasahin kung ikaw ay karapat-dapat para sa programang ABD FPL.

Kalkulasyon - Mag-asawa

Narito ang isang halimbawa kung paano pagpasyhan kung magkano ang kakailanganin mong bayaran bawat buwan sa mga hulog sa segurong pangkalusugan upang dalhin ang iyong maibibilang na kita patungo sa may sapat na baba upang maging kwalipIkado para sa programang ABD FPL.

Si Alice at Alberto ay mag-asawa. Tumatanggap sila ng $3,000 mula sa Social Security bago bayaran ang anumang mga bawas ng Medicare. Sila ay hindi karapat-dapat para sa programang ADB-FPL dahil ang kanilang pinagsamang netong maibibilang na kita ay mas mataas sa limitasyon sa kita ng mag-asawa ng ABD FPL na $2,433. Ang kanilang kita ay mas mataas ng $177. Kung sila ay magbabayad ng hindi bababa sa $177 sa isang buwan sa mga hulog sa segurong pangkalusugan, tulad ng seguro sa ngipin, paningin, atbp., ang kanilang maibibilang na kita ay maibaba sa limitasyon sa kita ng ABD FPL para sa isang mag-asawa na $2,433.

Hakbang 1

$3,000 (Kabuuang di-inaning kita ng mag-asawa) – $20 (kabawasan sa di-inaning kita) – $370
(mga hulog ng mag-asawa sa Medicare) = $2,610.

Hakbang 2

$2,610 (maibibilang na kita) - $2,433 (2025 limitasyon ng ABD FPL sa kita ng walang-asawang indibidwal) = $177 (netong maibibilang na kita/halaga ng pera na sobra sa limitasyon sa kita ni Mai).

Sa halimbawang ito, dapat gumasta si Mai ng hindi bababa sa $177 upang madala ang kanyang netong maibibilang na kita patungo sa may sapat na baba upang maging kwalipikado para sa programang ABD FPL.

(c) Programang 250% na Nagtatrabahong May Kapansanan

Kung gusto mong subukan ang iyong kakayahang magtrabaho, maaaring gustuhin mong isaalang-alang ang Programang 250% na Nagtatrabahong May Kapansanan.  Mga karapat-dapat ng indibidwal na tumatanggap ng walang-gastos na Medi-Cal.

Sa ilalim ng Programang 250% na Nagtatrabahong May Kapansanan, ang kitang batay sa kapansanan ay hindi ibinibilang na kita.  Sa mga halimbawa ng kitang batay sa kapansanan ay kabilang ang mga bagay na tulad ng Social Security Disability Income (SSDI), mga pribadong pensiyon sa kapansanan, atbp.  Ang kahulugan ng trabaho ay malawak kaya ang iyong trabaho ay maaaring ang mga bagay na tulad ng paresaykel ng mga lata at walang pinakamababang bilang ng mga oras na dapat kang magtrabaho o mga dapat maging kita mo.

Basikong Pagiging Karapat-dapat

  • Ikaw ay dapat na nagtatrabaho (Hihingin ng  ciounty na magbigay ka ng katunayan tulad ng mga paystub, isang liham mula sa employer o mga resibo mula sa pagresaykel),
  • Dapat kang makatugon sa depinisyon ng Supplemental Security Income (SSI) sa kapansanan,
  • May netong kita ng pamilya na mas mababa sa 250% ng Federal Poverty Level (FPL),
  • Ikaw ay dapat tumanggap ng SSI pagkatapos ibawas ang mga kita at kitang batay sa kapansanan.  Ang kitang hindi batay sa kapansanan na tulad ng mga benepisyo sa pagreretiro o pensiyon ay ibibilang sa pagpapasya kung ikaw ay karapat-dapat tumanggap ng SSI.
  • Natutugunan ang lahat ng ibang mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat na hindi pinansiyal.3

PAYO: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Programang 250% na Nagtatrabahong May Kapansanan, maaari kang bumisita sa California Department of Health Care Services website o kontakin ang opisina sa welfare ng iyong county.

(d) Programang Pickle

Ikaw ba (o ang iyong karapat-dapat na asawa) ay naging kwalipikado para sa SSI at Social Security nang magkasabay?4 Kabilang sa mga benepisyo ng Social Security ang anumang mga benepisyo ng nakadepende na natatanggap ng mga anak. Kung ganoon, ikaw (at/o ang iyong karapat-dapat na asawa) ay maaaring maging karapat-dapat sa ilalim ng programang Pickle. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat,sa programang Pickle suriin ang flyer ng National Health Law Program na may titulong, Isang Mabilis at Madaling  Paraan  ng Pagsusuri  para sa Pagiging Karapat-dapat sa Medicaid sa ilalim ng Amyenda sa Pickle: Pagsasapanahon sa 2025.

(e) Programang May Kapansanang Anak na Nasa Hustong Gulang

Ang programang Disabled Adult Child (DAC) Medi-Cal ay para sa mga tumatanggap ng DAC Social Security na nawalan ng kanilang mga benepisyo ng Supplemental Security Income (SSI) dahil sa pagtaas ng mga benepisyo sa halaga ng pamumuhay ng Social Security o dahil sila ay naging karapat-dapat para sa mga benepisyo ng Social Security. Mga karapat-dapat na indibidwal na tumatanggap ng walang-gastos na Medi-Cal.

Kung sa palagay mo ay maaari kang maging karapat-dapat para sa mga benepisyo ng DAC Medi-Cal maaari mong hilingin sa opisina ng welfare ng county na iproseso ang isang aplikasyon para sa mga benepisyo ng DAC Medi-Cal. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa DAC Medi-Cal, mangyaring suriin ang publikasyon ng Disability Rights California na may titulong  Mga Benepisyo ng Programang Nasa Hustong Gulang na Anak na May Kapansanan ng Medi-Cal.

(f) Programang Aged-Blind-Disabled (ABD) Medically Needy (MN)

Ang programang Aged-Blind-Disabled (ABD) Medically Needy (MN) ay isang Kabahagi sa Gastos (SOC) na programang Medi-Cal Ang kabahagi sa gastos ay ang maibibilang na kita binawas ang angkop na antas ng pangangailangan ng pagpapanatili (MNL) batay sa laki ng pamilya – iyon ay, $600 para sa isang tao, $750 para sa isang nasa hustong gulang at bata, $934 para sa isang mag-asawa o pamilya ng tatlong tao, atbp.5

Kalkulasyon – Mag-asawang nasa ilalim ng ABD MN

Halimbawa, Si Alice at Alberto ay mag-asawang kasal. Ang kanilang pinagsamang kabuuang kita bago ang kabawasan ng Medicare ay $3,200. Pagkatapos ibawas ang $20 na kabawasan sa di-inaning kita at $370 na mga hulog sa Medicare na mula sa kanilang kabuuang kita ang kanilang netong maibibilang na kita ay $2,810. Sila ay hindi karapat-dapat para sa programang ADB-FPL dahil ang kanilang pinagsamang netong maibibilang na kita ay mas mataas sa limitasyon sa kita ng mag-asawa ng ABD FPL na $2,433. Gayunman, sila ay maaaring karapat-dapat para sa programang ABD MN na may kabahagi sa gastos ng Medi-Cal na $1,876.

Narito kung paano pinagpapasyahan kung magkano ang magiging Medi-Cal SOC ng mag-asawa  para sa programang ABD MN.

Hakbang 1

$3,200 (kabuuang kita) - $20 (kabawasan sa di-inaning kita) - $185 (Hulog sa Medicare Part B ni Alice) - $185 (Hulog sa Medicare Part B ni Alberto) = $2,810 (maibibilang na kita ng mag-asawa).

Hakbang 2

$2,810 (maibibilang na kita ng mag-asawa sa hakbang 1) - $934 (Antas ng Pangangailangan ng Pagpapanatili ng isang mag-asawa) = $1,876 (kabahagi sa gastos sa Medi-Cal ng mag-asawa).

PAYO: Para sa programang ABD MN maaari ka ring magbawas ng mula sa bulsa na mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan na hindi saklaw ng iyong seguro upang matugunan ang iyong Medi-Cal SOC bawat buwan.6 Kung ikaw ay ipinasyang karapat-dapat para sa ABD MN Medi-Cal na may isang SOC, maaaring gustuhin mo na isaalang-alang na humingi ng Medi-Cal sa ilalim ng ibang mga programang Medi-Cal na naunang tinalakay.

(g) Mga Serbisyo sa Pangmatagalang Pangangalaga sa pamamagitan ng Medi-Cal na may Asawa – Paghihirap ng Asawa sa Komunidad

Ang Long-Term Care (LTC) Medi-Cal ay nagbabayad para sa pasilidad ng pangangalaga at Home and Community Based Services.  Kung kailangan mo ng Long-Term Care (LTC) Medi-Cal pero masyadong marami kang kita upang maging kwalipikado para sa walang-gastos na Medi-Cal at ang iyong asawa ay hindi nangangailangan ng Long-Term Care (LTC) Medi-Cal, maaari mong gamitin ang “mga proteksyon sa paghihirap ng asawa” upang ilaas ang iyong kita upang itatag ang pagiging karapat-dapat sa  Medi-Cal nang walang kabahagi sa gastos.  Maaari mong gamitin ang “mga proteksyon sa paghihirap ng asawa” upang tulungan kang maging kwalipikado para sa Medi-Cal kung ikaw ay nasa isang pasilidad ng sanay na pag-aalaga, nasa listahan ng naghihintay sa, o tumatanggap ng Home and Community Based Services.  Hindi nagbibilang ng mga yaman ang Medi-Cal kapag nagpapasya ng pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal.

Ang "mga proteksyon sa paghihirap ng asawa " ng Medi-Cal ay nagpapahintulot sa isang benepisyaryo ng Medi-Cal na nangangailangan ng LTC Medi-Cal na magbigay ng limitadong halaga ng kanilang  buwanang kita sa asawa na hindi nangangailangan ng LTC Medi-Cal. Ang limitasyong ito sa buwanang kita ay tinatawag na “Minimum Monthly Maintenance Needs Allowance” (MMMNA).  Maaari mong ilipat ang ilan o lahat ng iyong kita sa iyong asawa hanggang ang kita ng iyong asawa kasama ng ibinibigay mo sa iyong asawa ay umabot sa buwanang limitasyon sa kita ng MMMNA.  Maaari mo ring ibawas ang halagang ibinayad para sa Medicare ng ibang mga hulog sa segurong pangkalusugan kapag nagpapasya kung ang kita ng iyong asawa ay mas mababa sa limitasyon sa kita ng MMMNA.

Ang limitasyon sa kung magkano ang maaaring ilaan sa mga asawa ay tumataas bawat taon batay sa mga pagtaas sa halaga ng pamumuhay. Noong 2025, ang Maximum Monthly Maintenance Needs Allowance (limitasyon sa kita) ng asawa sa komunidad ay $3,948.7

Pagkatapos mong ilipat ang ilan o lahat ng iyong kita sa iyong asawa, hanggang sa ipinahihintulot na limitasyon sa buwanang kita na nakalista sa itaas, ang natitira sa kita ay gagamitin upang pagpasyahan ang iyong pagiging karapat-dapat para sa Medi-Cal.

PAYO: Kung ang programang Medi-Cal ay batay sa edad o kapansanan, ang kita sa IHSS ay hindi maaaring ilagay sa asawa para sa mga layunin ng pagpapasya ng pagiging karapat-dapat ng may kapansanang asawa sa Medi-Cal.8

Kalkulasyon – Mag-asawang gumagamit ng mga proteksyon sa kahirapan ng asawa

Halimbawa, si Alice at Alberto ay mag-asawang kasal.  Si Alberto ay pansamantalang nasa isang pasilidad ng rehabilitasyon.  Kailangan niya ng Long-Term Care Medi-Cal upang makauwi na may In-Home Supportive Services at Home and Community Based Services.  Si Alice ay may batay sa employer na segurong pangkalusugan at nagbabayad ng $100 kada buwan para sa segurong pangkalusugan.  Hindi kailangan ni Alice ng Medi-Cal.  Kukunin ni Alberto ang kanyang asawa upang maging kanyang tagabigay ng pag-aalaga ng IHSS.  Si Alberto ay tumatanggap ng pensiyon na $3,200 kada buwan.  Si Alice ay tumatanggap ng pensiyon na $700 kada buwan.  Wala silang ibang kita.

Kalkulasyon para sa Kita

Narito kung paano pagpasyahan kung magkano ang kitang maibibigay ni Alberto kay Alice.  Ang natitirang kita ni Alberto ay gagamitin upang itatag ang kanyang pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal.  Ang kinikita ni Alice bilang tagapagkaloob ay hindi ibibilang, gaya ng nakasaad sa itaas.

Hakbang 1

Tandaan: Ang 2025 Maximum Monthly Maintenance Needs Allowance (limitasyon sa kita) ay $3,948.7  Ang kita ni Alice ay isang $700 na pensiyon. Gayunman, ang $100 na hulog ni Alice sa segurong pangkalusugan ay nagbabawas ng kanyang buwanang kita sa $600 kada buwan.

$3,948 (pinakamataas na buwanang limitasyon sa kita para kay Alice) - $600 (kita ni Alice) = $3,348 (ang halaga ng pera na maaaring ibigay ni Alberto kay Alice).  Si Alberto ay maaaring maglaaan ng pinakamataas na $3,348 kay Alice.

Hakbang 2

Pinananatili ni Alice ang kanyang $700 na pensiyon at nagbibigay si Alberto kay Alice ng lahat ng kanyang kita ($3,200) bawat buwan.  Ngayon ay may $3,900 si Alice bawat buwan para mabuhay.

Hakbang 3

Si Alberto ay may $0 na kita dahil inilalaan niya ang lahat ng kanyang kita ($3,200) kay Alice.  Si Alberto ay makakakuha ng walang-gastos na Medi-Cal sa ilalim ng programang ABD FPL dahil ang kanyang maibibilang na kita ay mas mababa sa limitasyon sa buwanang kita ng ABD FPL na $1,801 para sa isang sambahayan ng 1.  Makakapili na si Alice na huwag kumuha ng Medi-Cal o magtatag ng pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal sa ilalim ng ibang programang Medi-Cal.

(h) Access sa Medi-Cal sa pamamagitan ng mga Waiver sa Home and Community-Based Services

Kung ang isang indiibidwal ay hindi karapat-dapat para sa mga serbisyo ng LTC Medi-Cal dahil ang kita ng kanilang asawa o magulang at./mga pinagkukunan ay masyadong mataas, ang taong nangangailangan ng LTC Medi-Cal ay maaaring maging kwalipikado para sa Medi-Cal sa pamamaitan ng isa ng mga waiver ng ng Home and Community-Based Services ng Medi-Cal. Ang mga proteksiyon sa kita na tulad ng institutional deeming at paghihirap ng asawa ay inilalapat sa mga tumatanggap ng mga Waiver at makakatulong sa mga indibidwal na maging kwalipikado para sa Medi-Cal. Narito ang lugar kung saan matatagpuan ang isang listahan ng mga waiver na Medi-Cal ng California.

(i) Cafeteria Plan – Hindi Saklaw ng Kita

Kung ikaw ay may inaning kita, tingnan kung ang iyong pinagtatrabahuhan ay may isang cafeteria plan upang magbayad para sa hindi naibalik na mga gastos na medikal. Ang perang inilalagay sa cafeteria plan ay hindi ibinibilang na kita sa ilalim ng mga tiuntunin ng Social Security at Medi-Cal dahil ang mga pondong ito ay hindi saklaw na mga withholding tax ng Social Security (FICA).

Karagdagang mga Tagatulong ng Medi-Cal

Maaari mong bisitahin ang aming pahina sa web ng Medi-Cal Self Advocacy Resources para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Medi-Cal. Para sa tulong sa pagpapasya ng iyong pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal maaari mong kontakin ang https://healthconsumer.org/.

Para sa Tulong na Pambatas Tumawag

  • Tawagan ang intake line ng DRC at: 1-800-776-5746.
  • Tawagan ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA) ng DRC sa:
    • Northern California 1-800-390-7032 (TTY 877-669-6023)
    • Southern California 1-866-833-6712 (TTY 877-669-6023)

Maaari mo ring kumpletuhin ang isang Get Help Form.

  • 1. Department of Health Care Services (DHCS), All County Welfare Directors Letter (ACWDL) 25-01. Ang limitasyon sa kita ng ABD FPL ay batay sa mas malaki sa halaga ng bayad ng SSI o 138% ng Pederal na Antas ng Kahirapan. Para sa mga indibidwal na tumatanggap ng Social Security (Tituto II), ang kanilang taunang cost of living (COLA) ay dapat balewalain (iyon ay. Mula Enero hanggang Marso), hanggang ang bagong mga limitasyon ng FPL ay magkabisa sa Abril. Sa panahong iyon ang mga hangganan ng ABD FPL ay itataas, at ang kasalukuyang kita ng indibidwal ay gagamitin upang pagpasyahan ang pagiging karapat-dapat. Bilang karagdagan, ang pagbalewala sa hulog sa Medicare Part B ay inilalapat para sa mga indibidwal sa programa na karapat-dapat para sa Medicare Part B. Ang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa DHCS, ACWDL 20-18. Matatagpuan mo rin ang mga limitasyon sa mga kita ng programang ABD FPL para sa mga sambahayan ng higit sa 2 tao sa Health Consumer Alliance website
  • 2. DHCS, ACWDL 22-25
  • 3. DHCS, Medi-Cal Eligibility Division Information Letter No I 25-10
  • 4. Kabilang doon ang SSI na natanggap para sa ika-5 buwan ng panahon ng paghihintay bago magsimula ang mga benepisyo ng SSDI o ang buwan bago ka unang naging kwalipikado para sa mga benepisyo ng Nasa Hustong Gulang na Anak na May Kapansanan o nang una kang naging kwalipikado para sa mga benepsyo ng Pagreretiro ng Social Security. Ito ay dahil tatanggap ka ng Titutlo II na mga benepisyo ng Social Security para sa isang buwan, sa susunod na buwan. Kaya, kung tumatanggap ka ng mga benepisyo ng SSI sa Marso at karapat-dapat din sa Titulo II na mga benepisyo sa Marso na hindi mo matatanggap hanggang Abril, ikaw ay karapat-dapat para sa at tumanggap ng pareho ng SSI at Titulo II na mga benepisyo ng Social Security sa iisang buwan.
  • 5. DHCS, ACWDL 24-10
  • 6. Sa ilalim ng programang ABD MN ibinabawas mo ang ibinabayad mo o ikaw ay ubligadong magbayad para sa kailangang mga gastos na medikal upang matugunan ang iyong Medi-Cal SOC. Mas mabuting magsimula sa mga bagay na hindi saklaw ng Medi-Cal tulad ng incontinence supplies, therapy, pangangalaga ng ngipin o paningin o mga hulog sa seguro. Para sa karagdagang impormasyon, maaari mong suriin ang DRC’s Health Care publication, Paano Ko Magagamit ang Aking Kabahagi sa Gastos Upang Makakuha ng mga Karagdagang Serbisyo na Kailangan Ko?
  • 7. DHCS, ACWDL 24-14
  • 8. 20 C.F.R. §416.1161(a)(16)