16 na Payo sa Pagkuha ng De-Kalidad na mga Serbisyo sa Rehiyunal na Sentro para sa Iyong Sarili o sa Iyong Anak

Publications
#5413.08

16 na Payo sa Pagkuha ng De-Kalidad na mga Serbisyo sa Rehiyunal na Sentro para sa Iyong Sarili o sa Iyong Anak

Tutulungan ka ng pub na ito na mahanap ang mga serbisyong kailangan mo mula sa Regional Center. Basahin ang 16 na tip kung paano ka makakakuha ng mas mahusay na tulong kapag gumagamit ng mga serbisyo mula sa Regional Center.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

1. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa Rehiyunal na Sentro.

Itabi ang numero ng telepono ng iyong tagapag-ayos ng serbisyo sa isang ligtas na lugar. Kung gumagamit ka ng email, hingin ang kanilang email address. Hingin ang pangalan at numero ng telepono ng kanilang superbisor. Tumawag sa pangunahing numero ng rehiyunal na sentro kung hindi mo maabot ang iyong tagapag-ayos ng serbisyo o superbisor.

2. Tulungan ang iyong tagapag-ayos ng serbisyo na makilala ka.

Kausapin ang iyong tagapag-ayos ng serbisyo para matulungan mo silang makilala ka. Sabihin sa kanila paano mo gustong makipag-usap – sa email, telepono, o text. Sabihin sa kanila ang mga bagay tungkol sa iyo, para maalala ka nila kapag panahon nang iplano ang iyong mga serbisyo.

3. Itabi nang maayos ang lahat ng iyong mga papeles ukol sa rehiyunal na sentro.

Gumawa ng folder o binder ng mga papeles ukol sa rehiyunal na sentro. Tuwing makatatanggap ka ng papeles, ilagay ito sa pinakataas. Sa ganung paraan, lahat ng ito ay maayos. Kung gumagamit ka ng mga kompyuter, itabi ang mga files ukol sa rehiyunal na sentro sa isang folder sa iyong kompyuter. Nakatutulong na maayos ang iyong mga papeles kapag nakikipag-usap sa rehiyunal na sentro o ibang tao tungkol sa iyong mga pangangailangan.

4. Isipin ang iyong mga pangangailangan.

Isipin kung ano ang kailangan mo sa iyong buhay. Isulat ito para makausap mo ang iyong tagapag-ayos ng serbisyo. Ang iyong mga pangangailangan ay makatutulong sa lahat na magpasya kung anong mga serbisyo ang makukuha mo. Maaari kang humiling ng “pagtatasa” upang tulungang makita kung ano ang iyong mga pangangailangan.

5. Planuhin kung anong mga serbisyo sa Rehiyunal na Sentro ang hihilingin mo.

Bago ka makipagpulong sa rehiyunal na sentro, alamin kung anong mga serbisyo at suporta ang gusto at kailangan mo mula sa kanila. Kausapin ang pamilya, mga kaibigan, at mga tagapagtaguyod upang tulungan ka. Gamitin ang Gabay sa Pagpaplano ng IPP upang isulat ang lahat ng ito.

6. Magpadala ng sulat na humihiling sa rehiyunal na sentro na magsagawa ng pagpupulong sa IPP.

Kapag humihiling ka sa rehiyunal na sentro ng pagpupulong sa IPP, sabihin sa kanila kung ano ang iyong hihilingin. Sa ganung paraan, magiging handa ang rehiyunal na sentro na magpasya sa pagpupulong kung ibibigay nito sa iyo ang mga serbisyo at suporta na iyong hinihiling. Gamitin ang halimbawang sulat sa Pandagdag H sa RULA upang tulungan kang humiling ng pagpupulong sa IPP. Kapag humiling ka ng pagpupulong, dapat magsagawa nito ang rehiyunal na sentro sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng iyong sulat. Kung kailangan mo ng emerhensiyang IPP, dapat isagawa ito sa loob ng 7 araw.

7. Humiling at kumpirmahin na dadalo ang isang tagapagpasya sa iyong pagpupulong.

Isinasaad ng batas na ang mga pasya tungkol sa iyong mga serbisyo at suporta ay dapat gawin sa pagpupulong ng pangkat ng pagpaplano. Nangangahulugan ito na ang isang tao mula sa rehiyunal na sentro na pinahihintulutang magsabi ng “oo” o “hindi” sa iyong mga kahilingan (isang “tagapagpasya”) ay dapat dumalo sa pagpupulong. Kadalasan, hindi dadalo ang isang tagapagpasya kung hindi mo ito hinihiling.

Minsan, ang pangkat sa pagpaplano ay maaari lamang “magrekomenda ng pagpopondo” para sa mga serbisyo at suporta. O maaaring sabihin ng rehiyunal na sentro na ang tamang mga tao ay wala sa pagpupulong upang magpasya. O maaaring sabihin ng rehiyunal na sentro na ang “komite sa POS” nito o ibang komite ang dapat na mag-apruba ng iyong kahilingan. Ito ay labag sa batas at maaaring mangahulugan na hindi mo makukuha ang mga serbisyo at suporta na sumasang-ayon ang iyong pangkat na dapat mong makuha. Ang pagdalo ng isang tagapagpasya sa pagpupulong ay nanganghulugan na maaari mong makukuha ng panghuling pasya tungkol sa mga serbisyo at suporta na iyong hinihiling sa pagpupulong.

8. Magsama ng kaibigan, tagapagtaguyod, o isang taong kilala ka.

Maaari kang mag-anyaya ng sinuman na gusto mo sa iyong pagpupulong sa IPP. Magsama ng tao na makatutulong na itaguyod ka. Maaari kang mag-anyaya ng isang tao mula sa iyong bahay, iyong programang pang-araw, paaralan ng iyong anak, o sinumang iba pang tagapagbigay ng serbisyo. Ang ilang tao ay nagsisimula ng mga programang “kaibigan” kung saan nagkasundo ang bawat isa na pumunta sa pagpupulong sa IPP ng isa para sa suporta.

9. Tiyaking ang pagpupulong ay “nakasentro sa tao”.

Ang nakasentro sa tao ay nangangahulugan na aktibo kang lumalahok sa pagpupulong. Dapat ang iyong mga pinipili, gusto, at pangangailangan ang nangunguna sa talakayan at pagpaplano. Hindi dapat kung anong mga serbisyo ang nagkataong mayroon o ang mga “karaniwan” nilang binibigay sa mga tao. Talakayin ang iyong mga gusto at hindi gusto, pangangailangan sa suporta, at iyong mga “dapat mayroon” sa IPP. Lahat ay dapat magsalita ng mga salitang nauunawaan mo. Maaari kang magsulat ng mga tala sa malalaking piraso ng papel na nakapaskil sa mga dingding para lahat ay makasunod sa talakayan. Ang mga tao sa pagpupulong ay dapat makikipagtulungan bilang isang pangkat upang makabuo ng malikhaing mga paraan sa pagtugon ng iyong mga layunin at pangarap. Huwag mag-atubiling magtanong. Walang tanong ang napakasimple.

10. Tiyakin na nauunawaan mo kung ano ang sinasabi ng mga tao, kahit pa hindi ka nagsasalita ng Ingles.

Ang pagpupulong sa IPP ay tungkol sa iyo (o iyong anak). Napakahalaga na maunawaan mo kung ano ang sinasabi ng mga tao. Kung hindi ka gaanong nagsasalita ng Ingles, ang rehiyunal na sentro ay dapat mayroong tagapagsalin doon at magsasalin ng mahahalagang mga papeles para sa iyo.

11. Sumulat ng mga tala tungkol sa mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan.

Bago matapos ang pagpupulong, balikan ang mga bagay na inyong napagkasunduan at hindi napagkasunduan. Para hindi mo makalimutan, ikaw o ibang tao ay dapat magsulat ng mga tala. Sa pagtaapos ng pagpupulong, dapat bigyan ka ng rehiyunal na sentro ng listahan ng mga serbisyo na pareho ninyong napagkasunduan. Ang listahan ay dapat magbigay ng mga detalye tungkol sa mga serbisyong babayaran ng rehiyunal na sentro.

12. Kumpletuhin ang dokumento sa IPP.

Tiyakin na ang IPP ay nagpapakita: (1) kung anong mga serbisyo at suporta ang iyong makukuha (ang uri at halaga); (2) sino ang magbibigay ng mga serbisyo; at (3) kailan magsisimula ang mga serbisyo. Kung hindi magsisimula kaagad ang mga serbisyo, dapat isaad sa IPP kung anong mga hakbang ang gagawin, sino ang responsable na gawin ang bawat hakbang, at ang mga timeline para sa pagkumpleto ng bawat hakbang. Isinasaad ng batas na ang mga ito ay dapat nasa IPP.

13. Pirmahan ang IPP (o listahan ng mga sebrisyong napagkasunduan) sa pagpupulong.

Ang IPP na iyong pinirmahan ay dapat ilista ang partikular na mga layunin at serbisyo na makukuha mo. Huwag pumirma sa isang papel na nagsasaad lamang na sumasang-ayon ka sa isang “ipinanukalang plano”. Maaaring hindi isulat ng rehiyunal na sentro ang kabuuan ng IPP sa pagpupulong. Ngunit dapat ibigay nila sa iyo ang listahan ng mga napagkasunduang mga serbisyo. Pagkatapos ay maaaring i-type ng rehiyunal na sentro ang IPP sa form na ginagamit nito at ipadala ito sa iyo. Tandaan, maaari kang sumang-ayon sa mga bahagi ng IPP at isulat na hindi ka sumang-ayon sa ibang bahagi. Maaari kang sumang-ayon sa ilang mga serbisyo at isulat na hindi ka sumang-ayon na hindi makuha ang ibang mga serbisyo na hiniling mo na maisama sa IPP.

Kung ikaw at ang rehiyunal na sentro ay hindi makarating sa huling pasya sa alinmang isyu, maaari kang magkaroon ng pangalawang pagpupulong sa IPP sa loob ng 15 araw. Sa pangalawang pagpupulong, hindi ka dapat maghintay para sa isang komite o superbisor upang makakuha ng pasya. Dapat makausap mo nang direkta ang isang tagapagpasya sa pangalawang pagpupulong. Kung ang sagot sa unang pagpupulong ay “hindi”, pagkatapos hindi mo kailangang pumunta sa pangalawang pagpupulong, ngunit maaari kang humiling ng nakasulat na abiso at kung paano umapela.

14. Kumuha ng nakasulat na abiso ng anumang pangtanggi.

Kung sasabihin ng rehiyunal na sentro na “hindi” sa alinman sa bagong serbisyo na hinihiling mo, dapat bigyan ka nila ng sulat (nakasulat na abiso) ng pagtanggi sa loob ng 5 araw. Kung sinasabi ng rehiyunal na sentro na gusto nitong baguhin o ihinto ang isang serbisyo na nakukuha mo na, dapat bigyan ka nila ng nakasulat na abiso 30 araw bago ang pagbabago o cut-off.

Kung sa tingin ng rehiyunal na sentro na mayroong “pagsang-ayon ng isa’t isa” kapag sila ay nagtanggi ng bagong serbisyo o nagbago, nagbawas, o naghinto ng isang serbisyo na nakukuha mo na, maaaring hindi sila magpadala ng sulat. Ang “pagsang-ayon ng isa’t isa” ay nangangahulugan na sumulat o pumirma ka ng isang bagay na nagsasabing sumasang-ayon ka. Kung hindi ka sumulat o pumirma ng anuman na nagsasabi na sumasang-ayon ka, dapat magpadala sa iyo ang rehiyunal na sentro ng sulat na nagsasabi na naniwala sila nang may magandang loob na sumasang-ayon ka. Dapat isaad sa sulat kung bakit naniniwala ang rehiyunal na sentro na sumasang-ayon ka, anong aksyon ang kanilang ginagawa at bakit, at kung paano ka maaaring hindi sumang-ayon at umapela.

15. Umapela kung hindi umayos ang mga bagay.

Kung hindi ka sumang-ayon, kaagad na maghain ng apela kung gusto mong hamunin ang pasya ng rehiyunal na sentro. Dapat kang maghain ng apela sa loob ng 30 araw kung gusto mong manatiling pareho ang mga serbisyo na nakukuha mo na sa panahon ng apela. Tinatawag itong “bayad na tulong habang naghihintay ng pasya”. Kung ito ay isang pagtanggi ng bagong serbisyo o hindi mo kailangan ng bayad na tulong habang naghihintay ng pasya, mayroon kang 60 araw na umapela. Kung inaantala ng rehiyunal na sentro ang pagpapasya, pilitin silang magpasya o ituring ang kanilang pag-antala bilang isang pagtanggi at maghain ng apela.

16. Maghain ng reklamo kung hindi umayos ang mga bagay.

Kung hindi ka nakatanggap ng abiso o sulat ng pagtanggi, makipag-ugnayan sa iyong tagapag-ayos ng serbisyo. Kung hindi ka pa rin nakatanggap nito, maghain ng administratibong reklamo (tinatawag na “reklamo na 4731”) para sa hindi pagtanggap ng isang abiso o sulat. Kung hindi ibibigay ng rehiyunal na sentro ang napagkasunduang mga serbisyo, maghain ng reklamo na “4731”.

Magbasa nang higit pa tungkol sa Mga Apela at Reklamo sa Kapitulo 10 ng Mga Karapatan sa Ilalim ng Batas na Lanterman