Mga Insentibo sa Trabaho ng Social Security Disability Insurance (SSDI)
Mga Insentibo sa Trabaho ng Social Security Disability Insurance (SSDI)
Kapag nakatanggap ka ng Insurance sa Panlipunang Seguridad ng may Kapansanan (SSDI, Social Security Disability Insurance) o iba pang benepisyong Titulo II, marami kang available na insentibo para sa iyo sa trabaho para suportahan ang iyong mga pagsusumikap sa pagtatrabaho at tiyaking hindi mawawala nang wala sa panahon ang iyong mga benepisyo.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Kapag nakatanggap ka ng Insurance sa Panlipunang Seguridad ng may Kapansanan (SSDI, Social Security Disability Insurance) o iba pang benepisyong Titulo II, marami kang available na insentibo para sa iyo sa trabaho para suportahan ang iyong mga pagsusumikap sa pagtatrabaho at tiyaking hindi mawawala nang wala sa panahon ang iyong mga benepisyo.
Ano ang mga benepisyo ng SSDI?
Ang mga benepisyong SSDI ay para sa mga indibidwal na may sapat na kwalipikadong kasaysayan sa trabaho na nakamit ang depinisyon ng Pangangasiwa sa Seguridad na Panlipunan (SSA, Social Security Administration) ng kapansanan o pagkabulag. Maaaring malapat sa iyo ang mga insentibo sa trabaho ng SSDI kung matanggap mo ang alinman sa mga sumusunod na mga benepisyo ng Titulo II:
- SSDI
- Mga Benepisyo sa Kapansanan ng Bata (CDB, Childhood Disability Benefits)
- Mga Benepisyo ng may Kapansanang Balo (DWB, Disabled Widow(er)’s Benefits)
Paano ako tinutulungan ng mga insentibo sa trabaho ng SSDI?
Dumarating sa mga yugto ang mga insentibo sa trabaho ng mga benepisyo ng SSDI. Naa-activate ang mga yugtong ito kapag umabot sa ilang antas ang mga kita mo, at nangyayari ang mga ito sa tiyak na pagkakasunod-sunod.
- SSI-May Kapansanan
- SSI-Pagkabulag
- SSI-Pagkaka-edad
| Panahon ng Pagsubok sa Trabaho (TWP) → |
Pinalawig na Panahon ng Pagiging Kwalipikado (EPE) → |
Pinabilis na Pagpapanumbalik (EXR) |
|---|---|---|
| 9 na buwan sa loob ng umuulit na 5-taong yugto | 3 taon | 5 taon |
1. Panahon ng Pagsubok sa Trabaho (TWP)
Ang Panahon ng Pagsubok sa Trabaho (TWP, Trial Work Period) ang unang available na yugto. Kapag umabot ang mga kita mo sa antas ng TWP, sisimulan mo nang gamitin ang mga buwan ng TWP mo. Nagpapatuloy ang TWP hanggang maipon ang 9 na buwan ng TWP sa loob ng 60-buwang umuulit na yugto ng panahon (5 taon).
Sa panahon ng TWP, matatanggap mo ang BUONG buwanang tseke ng SSDI! Napakainam na paraang subukin ang kakayanan mong magtrabaho! Wala nang iba pang insentibo sa trabaho ang nalalapat sa panahon ng TWP. May isang TWP ka lang na magagamit.
2. Pinalawig na Panahon ng Pagiging Kwalipikado (EPE)
Ang Pinalawig na Panahon ng Pagiging Kwalipikado (EPE, Extended Period of Eligibility) ay ang 3-taong yugto ng panahon na nagsisimula sa buwan pagkatapos ng TWP mo. Kapag lumampas ang nabibilang na mga kita mo sa Makabuluhang Kita sa Aktibidad (SGA, Substantial Gainful Activity), hindi ka kwalipikado sa tsekeng SSDI. Kapag mas mababa ang kita sa SGA, kwalipikado ka sa tsekeng SSDI.
SGA $1,620 noong 2025
Ang SGA ay ang antas ng buwanang kitang pinagpapasyahan ng SSA. Karaniwang nagbabago ang antas na ito kada taon. Mahalagang maunawaang ang SGA ay hindi isang limitasyon. Ang programang SSDI ay may mga insentibo sa trabaho na nagpapahintulot sa SSA na bilangin ang mas mababa sa kinitang income. Ibig sabihin nito’y puwede kang kumita ng mas mataas sa SGA at matanggap pa rin ang SSDI mo!
Panahon ng Palugit
Pagkatapos ng TWP, sa loob ng unang 3 buwan na mas mataas ang nabibilang na mga kita sa SGA, puwede mo pa ring matanggap ang tsekeng SSDI mo! Tinatawag itong Panahon ng Palugit.
3. Pinabilis na Pagpapanumbalik (EXR)
Ang Pinabilis na Pagpapanumbalik (EXR, Expedited Reinstatement) ay 5-taong yugto ng panahon pagkatapos ng pagwawakas ng iyong SSDI dahil sa trabaho at kita. Sa panahong ito, kung kailangan mong ihinto o bawasan ang trabaho nang mas mababa sa SGA dahil sa iyong kapansanan, puwede mong mapanumbalik ang mga benepisyong Titulo II nang hindi kinakailangang muling mag-apply!
Ano ang Suma Tutal?
Hinahayaan ka ng mga insentibo sa trabaho ng SSDI na subukang magsumikap sa mahabang panahon at matanggap pa rin ang buong tseke ng SSDI. Sa pamamagitan nito, nananatili kang kwalipikado para sa SSDI kahit na mas mataas ang nabibilang mong kita sa SGA! Ibig sabihin, kung kailangan mong ihinto o bawasan ang mga pagsusumikap mo sa trabaho, naririyan ang SSDI para sa iyo.
Kailangan ng tulong sa impormasyong ito?
Numero ng telepono para sa pag-intake ng DRC WIPA: 888-768-7058
Helpline ng Tiket sa Trabaho: 866-968-7842
Pinondohan ang factsheet na ito sa pamamagitan ng kasunduan sa kooperatiba ng Social Security. Bagama't sinuri ng Social Security ang dokumentong ito para sa katumpakan, hindi ito kumakatawan sa opisyal na komunikasyon ng Social Security. Inilalathala namin ang factsheet na ito na ginastusan ng nagbabayad ng buwis sa US.


