Pabahay ng Coronavirus (COVID-19)

Publications
#F123.08

Pabahay ng Coronavirus (COVID-19)

Maraming tao ang nagsasalita tungkol sa pagpapaalis sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Ang ilan ay nagtataka kung ano ang sinabi ng gobernador tungkol sa mga pagpapaalis. Nais malaman ng iba kung maaari silang paalisin sa ngayon. Sa fact sheet na ito, pag-uusapan natin ang mga pagpapaalis.

Alamin ang Iyong mga Legal na Karapatan

Mga proteksyo ng Pabahay Kaugnay sa COVID-19

Maraming tao ang nag-uusap tungkol sa mga pagpapalayas sa panahon ng COVID-19 pandemic. Ang ilan ay nag-iisip kung ano ang sinabi ng gobernador tungkol sa mga pagpapalayas. Ang iba ay gustong malaman kung mapapalayas na sila ngayon. Sa fact sheet na ito, pag-uusapan natin ang mga pagpapalayas.

Noong Marso 16, 2020, sinabi ni Governor Newsom na maaaring itigil ng mga lokal na gobyerno ang mga pagpapalayas kaugnay sa COVID-19. Hindi niya pinatigil ang lahat ng pagpapalayas.

Sa ngayon, ang bawat lungsod at county ay magkakaiba. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kautusang sinasabihan ang mga residente kung paanong tumatakbo ang mga pagpapalayas ngayon. Dapat mong tingnan ang kautusan ng iyong lungsod o county para malaman ang higit pa.

Ang ilang kautusan ng lungsod at county ay pinoprotektahan ang mga umuupa na mapalayas kung hindi sila makababayad ng upa dahil sa Coronavirus. Narito ang mga halimbawa ng kung saan ay itinigil ng ilang lokal na gobyerno ang mga pagpapalayas:

  1. Kung saan ay malaki-laking nabawasan ang kita ng iyong sambahayan dahil natanggal ka sa trabaho bilang resulta ng COVID-19,
  2. Kung mayroon kang malaki-laking mga out-of-pocket na gastusing medikal sanhi ng COVID-19 pandemic o
  3. Kung mayroon kang pambihirang mga pangangailangang pangangalaga sa bata dahil sa pandemic.

Nililimitahin din sa ilang lugar ang mga walang-pagkukulang na pagpapalayas sa panahon ng krisis.

Mahalaga ito: Walang blanket na moratorium sa mga pagpapalayas. Ang ilang pagpapalayas ay nangyayari pa rin. Kung may pagpapalayas ka ngayon, kailangan mong tawagan kaagad ang mga korte para malaman kung ano ang gagawin para maprotektahan ka.

Lumalabas ang mga bagong kautusan araw-araw, kaya pipilitin naming i-update ito nang regular.

Para sa higit na impormasyon, o kung naniniwala ka na pinapalayas ka para sa mga kadahilanang nauugnay sa COVID-19, mangyaring bisitahin ang mga sumusunod na link:

Ang Executive Order N-28-20 ni Governor Newsom:
https://www.gov.ca.gov/wp-content/uploads/2020/03/3.16.20-Executive-Order.pdf

Lungsod ng Alameda:
https://tinyurl.com/ujqm2ed

Lungsod ng Fresno:
https://tinyurl.com/t5ys8wn

Lungsod ng Los Angeles:
https://tinyurl.com/wu9yrrw

Lungsod ng Pasadena:
https://tinyurl.com/r2asecy

Lungsod ng Richmond:
https://tinyurl.com/rrll3de

Lungsod ng Sacramento:
https://tinyurl.com/rttkvd9

Lungsod ng San Francisco:
https://tinyurl.com/tbky88h

County ng San Luis Obispo:
https://tinyurl.com/vzsvmws

County ng Santa Monica:
https://tinyurl.com/qt3etz7

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.