Mga Insentibo sa Paggawa sa Karagdagang Security Income

Mga Insentibo sa Paggawa sa Karagdagang Security Income
Kapag nakatanggap ka ng Supplemental Security Income (SSI), marami kang available na insentibo sa trabaho upang suportahan ang iyong mga pagsusumikap sa pagtatrabaho at tiyaking hindi mawawala ang iyong mga benepisyo nang maaga.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Mga Insentibo sa Paggawa sa Karagdagang Security Income:
Kapag nakatanggap ka ng Karagdagang Security Income (SSI, Supplemental Security Income), maraming available na insentibo para sa iyo sa trabaho, at nang masuportahan ang iyong mga pagsusumikap sa pagtatrabaho at tiyaking hindi mawawala nang wala sa panahon ang iyong mga benepisyo.
Ano ang mga benepisyo ng SSI?
Mga benepisyong nakabatay sa pangangailangan ang mga benepisyo ng SSI para sa mga indibidwal na may limitadong kita at mga mapagkukunan at nakakatugon sa kahulugan ng kapansanan, pagkabulag, o pagkaka-edad ng Pangasiwaan ng Social Security (SSA, Social Security Administration). May tatlong uri ng mga benepisyo ng SSI:
- SSI-May Kapansanan
- SSI-Pagkabulag
- SSI-Pagkaka-edad
Paano ako tinutulungan ng mga insentibo sa trabaho ng SSI?
Mababawasan ang iyong tseke sa SSI kapag may iba ka pang mapagkukunan ng pumapasok na pera, tulad ng mga kita. Nagbibigay-daan ang mga insentibo sa trabaho ng SSI para kaunti ang bilangin ng SSA sa kinikita mo, at nang ma-maximize mo ang iyong tseke sa SSI habang lumilipat ka sa trabaho. Nalalapat ang mga insentibo sa trabaho sa mga indibidwal na tumatanggap ng SSI dahil sa kapansanan o pagkabulag:
Pagbubukod ng Kita | Paglalarawan |
---|---|
Mga Pagbubukod sa Pangkalahatan at Pumasok na Kita | Mas mababa sa kalahati ng kinikita mo ang binibilang ng SSA |
Mga Gastusin sa Trabahong Kaugnay ng Pagkapinsala | Ibukod ang ginastos sa ilang partikular na item o serbisyong binili mo |
Planuhing Maisakatuparan ang Suporta sa Sarili | Mamuhunan sa iyong karera! Ibinubukod ng SSA ang iyong kita o mga mapagkukunang ginamit sa pagbili ng mga item at serbisyong kailangan para sa iyong layunin sa trabaho sa ilalim ng aprubadong plano ng PASS |
Seksyon 1619(b) | Kahit sapat na mataas ang iyong mga kita para maging $0 ang iyong tseke ng SSI, hindi ito nangangahulugang winakasan ang iyong SSI at puwedeng magpatuloy ang iyong Medi-Cal! |
Iba pang Pagbubukod sa Espesyal na Kita
Kung estudyante ka na wala pang 22 taong gulang, o kung nakatanggap ka ng SSI dahil sa pagkabulag, may mga espesyal na pagbubukod sa kita ang SSA na maaaring partikular na nalalapat sa iyo at lubhang kapaki-pakinabang.
Pinabilis na Pagpapanumbalik
5-taong haba ng panahon ang Pinabilis na Pagpapanumbalik (EXR, Expedited Reinstatement) pagkatapos ng pagwawakas ng iyong SSI dahil sa trabaho at labis na kita. Sa panahong ito, kung kailangan mong huminto o bawasan ang trabaho dahil sa iyong kapansanan sa loob ng 5 taon nang matapos ang iyong mga benepisyo, maaari mong simulan muli kaagad ang iyong mga benepisyo sa SSI sa pamamagitan ng kahilingan sa EXR.
Magiging mas mahusay ka sa pananalapi kapag nagtatrabaho ka!
Kailangan ng tulong sa impormasyong ito?
Numero ng telepono para sa pag-intake ng DRC WIPA: 888-768-7058
Helpline ng Tiket sa Trabaho: 866-968-7842
Pinondohan ang factsheet na ito sa pamamagitan ng kasunduan sa kooperatiba ng Social Security. Bagama't sinuri ng Social Security ang dokumentong ito para sa katumpakan, hindi ito kumakatawan sa opisyal na komunikasyon ng Social Security. Inilalathala namin ang factsheet na ito na ginastusan ng nagbabayad ng buwis sa U.S.