Isang Gabay sa Hukuman ng Maliliit na Claim: Paano Ihabla ang isang Landlord para sa Pinsalang Dulot ng mga Isyu sa Pabahay
Isang Gabay sa Hukuman ng Maliliit na Claim: Paano Ihabla ang isang Landlord para sa Pinsalang Dulot ng mga Isyu sa Pabahay
Ang small claims court ay isang espesyal na hukuman kung saan mabilis na nareresolba ang mga hindi pagkakaunawaan. Ang taong nagsampa ng kaso ay ang nagsasakdal. Ang taong kinasuhan ay ang nasasakdal.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Mga Basiko
Ang mga hukuman ng maliliit na Claim ay isang espesyal na hukuman kung saan ang mga pagtatalo ay mabilis na nireresolba.
Ang taong naghahabla ay ang plaintiff. Ang taong inihahabla ay ang defendant.
Sa Anu-anong mga Isyu sa Pabahay Maaari Akong Maghabla sa Maliliit na Claim?
- Hindi ibinalik ng iyong landlord ang iyong depositong panseguriad
- Ang iyong inuupahan ay wala sa kondisyon na matitirahan (“Paglabag sa Ipinahihiwatig na Garantiya ng Pagiging Matitirahan”)
- Ginawa ng iyong landlord na imposible para sa iyo na manatili sa iyong inuupahan at dapat kang lumipat (“Konstruktibong Pagpapaalis”)
- Ginawa ng iyong landlord na imposible para sa iyo na masiyahan sa iyong inuupahan at manirahan nang mapayapa (“Paglabag sa Ipinahihiwatig na Kasunduan para sa Tahimik na Kasiyahan”)
- Ang iyong landlord ay nagdidiskrimina laban sa iyo batay sa iyong kapansanan o ibang protektadong klase
- Itinapon ng iyong landlord sa labas ang iyong ari-arian nang hindi nagbigay sa iyo ng wastong abiso
Maaari ba Akong Kumuha ng Abogado?
Hindi. Sa hukuman ng maliliit na claim, maaari kang humingi ng payo sa isang abogado bago ka pumunta sa hukuman, pero hindi ka maaaring katawanin ng abogado sa hukuman ng maliliit na claim.
Ano Ang Aking Mahihingi sa Hukuman ng Maliliit na Claim?
Maaari mong ihabla ang isang landlord para sa mga perang bayad sa pinsalang idinulot nila. Ang iyong claim ay hindi maaaring humigit sa $12,500.
Maaari ka lamang magsampa ng 2 kaso sa isang taon ng kalendaryo kapag hihingi ka ng higit sa $2500. Walang limitasyon sa bilang ng mga kaso na maaari mong isampa sa mga claim na hindi hihigit sa $2500.
May Mga Deadline Ba Para Sa Pagsasampa Ng Aksyon Sa Maliliit Na Claim Batay Sa Mga Isyu Sa Pabahay?
Oo. Kung ikaw ay naghahabla dahil ikaw ay may pabigkas na kasunduan sa renta at nilabag ng landlord ang kasunduan, ikaw ay may 2 taon mula sa araw na ang kasunduan ay nilabag upang magsampa ng aksyon sa maliliit na claim sa hukuman.
Kung ikaw ay naghahabla dahil ikaw ay may pabigkas na kasunduan sa renta at nilabag ng landlord ang kasunduan, ikaw ay may 4 na taon mula sa araw na ang kasunduan ay nilabag upang magsampa ng aksyon sa maliliit na claim sa hukuman.
Kung ikaw ay naghahabla dahil ang iyong ari-arian ay napinsala (kabilang ang isang landlord na sumira ng iyong mga personal na pag-aari nang hindi sumunod sa batas) ikaw ay may 3 taon pagkatapos mapinsala ang iyong ari-arian upang magharap ng iyong aksyon sa maliliit na claim.
Saan Ako Dapat Magharap Ng Aking Claim?
Dapat mong iharap ang claim sa tamang hukuman at lokasyon. Ang Maliliit na Claim ay inihaharap sa dibisyong sibil ng lokal na hukumang superyor. Ang lokasyon ng hukumang superyor ay maaaring alinman sa:
- Kung saan nakatira ang defendant, o lugar ng negosyo;
- Kung saan nangyari ang pinsala o
- Kung saan ang kontrata/kasunduan sa pagrenta ay pinirmahan o isinagawa.
Kokolektahin Ba Ng Hukuman Ang Hatol Para Sa Akin?
Hindi. Kung manalo ka sa iyong aksyon sa maliliit na claim, nasa iyo ang pagkolekta ng pera na dapat bayaran ng defendant (tinatawag din na “ang hatol”). Ang hukuman ay hindi kokolekta ng pera para sa iyo. I- click dito para sa sariling-tulong ng mga hukuman ng California na nagpapaliwanag kung paano kokolektahin ang hatol.
Ang Apat Na Hakbang Para Sa Paghaharap Ng Aksyon Sa Maliliit na Claim
Kakailanganin mong gumawa ng “paghingi” ng bayad, magharap ng Plaintiff’s Claim and Order (SC-100), kumuha ng maghahain sa defendant ng Claim, at pumunta sa hukuman upang ilatag ang iyong kaso.
1. Gumawa ng isang Di-pormal na Paghingi ng Bayad:
Ang isang “paghingi” ay ang hinihiling mo na gawin ng landlord o tagapagkaloob ng pabahay at bakit. Ito ay dapat mangyari bago simulan ang proseso ng hukuman, ginagawa itong “di-pormal.” Dapat kang gumawa ng di-pormal na paghingi para sa pagbabayad. Bagaman ito ay maaarng pabigkas, iminumungkahi na isulat mo ito. Kung hindi ginawa ng kabilang partido ang hiningi mo (halimbawa, hiningi mong ibalik ang iyong ari-arian pero ito ay tinanggihan) maaari kang maghabla sa maliliit na claim. Tiyakin na magpanatili ng kopya ng liham at anumang ebidensiya na inilakip mo sa liham sa Plaintiff’s Claim and Order.
May isang sampol na liham na magagamit mo sa dulo ng gabay na ito.
Impormasyon na dapat isama sa iyong Liham ng Paghingi:
- Ang mga perang bayad-pinsala ay dapat hingin.
- Ilagay ang kabuuan ng iyong hinihingi. Pinakamabuti rin na ipadala ang liham sa pamamagitan ng isang sertipikadong koreo at kakailanganin mong magpanatili ng isang kopya ng liham at mga kalakip. Ang mga kalakip sa liham ay dapat kasama ang mga resibo at anumang ibang ebidensiya upang ipakita kung bakit ang defendant ay dapat magbayad sa iyo at kung magkano.
- Sa bahagi ng sampol na liham ng paghingi pagkalampas ng salitang “dahil”, isulat ang pagkakasunod-sunod ng nangyari. Ito ay maaaring umabot ng dalawang pahina.
- Ilagay ang kabuuan ng iyong hinihingi. Pinakamabuti rin na ipadala ang liham sa pamamagitan ng isang sertipikadong koreo at kakailanganin mong magpanatili ng isang kopya ng liham at mga kalakip. Ang mga kalakip sa liham ay dapat kasama ang mga resibo at anumang ibang ebidensiya upang ipakita kung bakit ang defendant ay dapat magbayad sa iyo at kung magkano.
- Bigyan ang "defendant" debtor ng hindi bababa sa 10 araw upang tumugon sa iyong paghingi. Kung hindi sila tumugon o kung hindi kayo magkasundo, ipagbigay-alam sa kanila na ang susunod na hakbang ay paghaharap ng Plaintiff's Claim and Order sa Hukuman.
Itong liham ng paghingi at mga kalakip ay kailangang isama sa aktuwal na reklamo na ihaharap mo sa Hukuman (Ang Plaintiff's Claim and Order).
Ang liham ng Paghingi (at mga kalakip) ay mahalaga sa 2 dahilan: una - ito ay nagpapakita sa hukom na ikaw ay nasisiyahan sa iniaatas na paggawa ng paghiling bago ang paghaharap ng claim at ikalawa ito ay nagsasabi sa hukom ng mga detalyadong fact ng kaso at kung bakit ang "defendant" ay dapat magbayad sa iyo ng pera.
2. Iharap ang Plaintiff's Claim and Order:
Upang simulan ang proseso ng hukuman, kakailanganin mong kumpletuhin ang Plaintiff’s Claim and Order at iharap ito sa klerk ng hukuman.
SC-100 Plaintiff's Claim at UTOS na Pumunta sa Hukuman ng Maliliit na Claim
Sa sandaling makumpleto mo ang pagpuno at pagpirma sa Claim at nakapaglakip ng lahat ng iyong ebidensiya, gumawa ng 2 kopya ng lahat ng dokumento. Isang kopya para sa hukuman, isa para itago mo, at ang ika-2 ay para sa taong inihahabla mo.
Dalhin ang orihinal at 2 kopya sa hukuman ng county. Kakailanganin mong magbayad ng isang fee para sa paghaharap (gaya ng mga sumusunod: $30 kung ang iyong habla ay humihingi ng mas mababa sa $1500; $50 na fee para sa $1500--5000; $75 na fee para sa $5001-12,500) maliban kung kwalipikado ka para sa isang waiver.
Maaari kang magharap ng kahilingan para sa fee waiver at ng Order kasama ng iyong Claim:
FW-001 Paghiling na Talikdan ang mga Fee sa Hukuman
FW-003 Utos sa Pagtalikdan sa Fee sa Hukuman (Hukumang Superyor)
Pananatilihin ng klerk ng hukuman ang orihinal na kopya at ibabalik sa iyo ang 2 kopya na may nakatatak na "filed' sa mga ito. Tingnan ang unang pahina ng Claim dahil ito ay nagsasabi sa iyo kung kailan nakatakda ang petsa ng pagdinig.
- Ang isang kopya ay para itago mo at ang isang kopya ay para ihain mo sa defendant.
3. Paghahain ng Claim ng Plaintiff
Ikaw, ang Plaintiff, ay hindi pinahihintulutang maghain ng Claim; kakailanganin mo ng isang higit sa edad na 18 upang maghain nito o hayaan ang sheriff o isang rehistradong tagahain ng proseso ang maghain nito. Ang sheriff ay maghahain ng mga papel nang libre kung ikaw ay ginawaran ng isang Fee Waiver.
SC-104 Katunayan ng Paghahain (Malilit na Claim)
Ang defendant ay dapat hainan nang hindi bababa sa 15 araw bago ang pagdinig. Kung ito ay hindi posible, maaari kang humingi ng pagpapaliban ng pagdinig upang bigyan ka ng karagdagang panahon na maghain. Sa sandaling mahainan ang defendant, siguruhin na ang taong naghain nito ay nagkumpleto ng form ng “Katunayan ng Paghahain”. Dapat mong iharap sa hukuman ang katunayan ng paghahain. Kung ang hukom ay walang katunayan ng paghahain sa harap niya sa pagdinig, hindi niya didinggin ang kaso (walang hurisdiksyon sa defendant) at ito ay ibabasura.
Kung hindi nagawang ihain ang Claim sa tamang panahon, dapat kang humiling ng isang pagpapaliban ng pagdinig upang mabigyan ang sarili ng karagdagang panahon upang maghain.
SC-150 Paghiling na Ipagpaliban ang Paglilitis
4 Pumunta sa Pagdinig at Iharap ang Iyong Kaso.
Ang huling hakbang ay ang dumalo sa pagdinig at iharap ang iyong kaso. Sana, ang lahat ng iyong ebidensiya ay kalakip sa Liham ng Paghingi at ang Liham ng Paghingi ay kalakip sa Claim upang hindi mo na kailangang magsumite ng karagdagang ebidensiya.
Kung kailangan mong magsumite ng karagdagang ebidensiya, maaari mong dalhin ito sa pagdinig. Siguruhin na ikaw ay may hindi bababa sa 2 kopya – 1 para sa hukom at 1 para sa taong inihahabla mo.
Ang ilang hukuman ay nagpapahintulot sa iyo na humarap sa pagdinig sa Zoom. Kailangan mong magtanong sa iyong hukuman para sa pamamaraan.
Mangyaring tandaan na kung ang iyong pagdinig ay virtual at ikaw ay may mga karagdagang dokumento na gustong patingnan sa hukom, kakailanganin mong siguruhin na ang mga ito ay iniharap sa klerk ng hukuman at inihain sa kabilang partido; nang hindi bababa sa 10 araw bago ang pagdinig. Maaari mong ipahain ang mga ito sa pamamagitan ng koreo.
SAMPOL NA LIHAM NG PAGHINGI
PETSA
Sa Pamamagitan ng Priority Mail na may Kumpirmasyon ng Paghahatid
PANGALAN AT TIRAHAN NG TAONG HINIHINGAN MO NG BAYAD
Tungkol sa: Paghinngi ng Bayad
Mahal na:
Ipinagbibigay-alam namin na dapat kang magbayad ng halagang $HALAGA NG DOLYAR [hindi maaaring humigit sa $12,000] dahil [ipasok ang mga may kaugnayang mga fact dito, halimbawa: Nagbayad ako ng $X sa PETSA para sa aking depositong panseguridad. Sa kabila ng pag-alis sa apartment sa kondisyon nito nang lumipat, hindi ninyo ibinalik ang aking deposito at hindi ako binigyan ng isang itemisadong pahayag pagsapit ng PETSA. Y.]
Tatatanggap ako ng isang buong pagbabayad o isang plano sa pagbabayad.
Mangyaring kontakin ako sa o bago ang PETSA [magbigay ng hindi bababa sa 10 araw para sa pag-aayos ng bagay na ito. Ako ay maaaring makontak sa tirahan at numero ng telepono na nasa ibaba. Ito ang tanging pagkakataon mo na ayusin ang bagay bago ako magharap ng habla laban sa iyo sa Hukuman ng Maliliit na Claim.
Kung hindi ako makarinig mula sa iyo sa o bago ang PETSA, ako ay maghaharap ng habla laban sa iyo nang walang higit pang abiso. Makakabuti sa iyo na ayusin ang bagay na ito bago iharap ang isang habla. Kung ang isang hatol ay makuha laban sa iyo, ito ay negatibong makakapekto sa iyong kakayahan na makakuha ng kredito, uutusan kang bayaran ang mga gastos sa hukuman, at magtatamo ka ng interes sa antas na 10% kada taon.
Batay sa nauna, inaasahan ko ang bayad sa halaga ng $DOLYAR NG HALAGA na ibayad sa akin, 123 XYZ, Davis CA, 95616 nang hindi mas huli sa PETSA. Ako ay makokontak sa: 555-555-5555. Kung ipasya mong balewalain ang paghinging ito ng bayad, pagsisikapan ko ang lahat ng remedyong pambatas na magagamit ko nang walang higit pang abiso sa iyo. Ang liham na ito ay nagsisilbing ebidensiya na ako ay nagtangkang resolbahin ang bagay na ito sa paraang di-pormal.
Matapat,
Jane Doe
123 XYZ
City CA, 95616
555-555-5555


