Paano Mag-apply para sa Pinansyal na Tulong ng FEMA Pagkatapos ng Isang Sakuna

Paano Mag-apply para sa Pinansyal na Tulong ng FEMA Pagkatapos ng Isang Sakuna
Napinsala ng isang likas na sakuna ang iyong bahay at iniisip mo kung ano ang susunod. Ang ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa iyo pagkatapos ng isang sakuna ay ang Pederal na Ahensya sa Pamamahala sa Emergency (Federal Emergency Management Agency, FEMA). Nagiging available ang pera para sa mga indibidwal at pamilya kapag gumawa ng deklarasyon ng pangulo para sa iyong lugar. Listahan ng lahat ng Deklarasyon ng Sakuna.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
I. Pag-unawa sa Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan
Paano ako matutulungan ng FEMA pagkatapos ng isang sakuna?
Napinsala ng isang likas na sakuna ang iyong bahay at iniisip mo kung ano ang susunod. Ang ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa iyo pagkatapos ng isang sakuna ay ang Pederal na Ahensya sa Pamamahala sa Emergency (Federal Emergency Management Agency, FEMA). Nagiging available ang pera para sa mga indibidwal at pamilya kapag gumawa ng deklarasyon ng pangulo para sa iyong lugar. Listahan ng lahat ng Deklarasyon ng Sakuna.
Tumutulong ang Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan (Individuals and Households Program, IHP) sa mga nakaligtas para bumangon mula sa isang sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga direktang serbisyo at pera sa mga pagpapaayos pagkatapos ng sakuna. Gayunpaman, mahalagang maunawaan na ang tulong ng IHP ay available lamang para matugunan ang iyong mga pangunahing pangangailangan. Ang layunin ng mga pondo ng FEMA ay gawing ligtas na tirhan ang iyong bahay, hindi ang ibalik ang bahay mo sa parehong kondisyon bago ang sakuna.
Kung nakakatanggap ka ng tulong sa kita gaya ng Social Security Income (SSI/SSDI), hindi itinuturing na kita ang mga pondo ng FEMA. Hindi makakaapekto ang pagtanggap ng pinansyal na tulong ng FEMA sa iyong pagiging kwalipikado na makatanggap ng ibang pederal na tulong.
Ano ang sinasaklaw ng tulong ng IHP?
May dalawang kategorya ang tulong ng IHP: Tulong sa Pabahay at Tulong sa Iba Pang Pangangailangan.
1. Tulong sa Pabahay
Magagamit ang Tulong sa Pabahay para sa:
- Mga pagpapaayos ng bahay
- Upa, kung kailangan mong upahan ang ibang lugar dahil hindi ligtas ang iyong bahay pagkatapos ng isang sakuna
- Isang hotel o pansamantalang bahay kung hindi ligtas na manatili sa iyong bahay. Maaari ka ring bigyan ng FEMA ng pansamantalang pabahay sa isang trailer o mobile na bahay sa panahong ito.
- Pagpapalit sa iyong bahay kung nasira ito sa isang sakuna.
2. Tulong sa Iba Pang Pangangailangan
Makakatulong ang Tulong sa Iba Pang Pangangailangan (Other Needs Assistance, ONA) na saklawin ang iba pang pangangailangan na hindi pagpapaayos ng bahay. Nag-aalok ang kategoryang ito ng pleksibilidad, na nagbibigay-daan sa iyo na makakuha ng pera para tumulong na magbigay para sa mga pinansyal na tulong na higit pa sa mga gastos sa bahay pagkatapos ng isang sakuna. Ibinibigay ang ilang Iba Pang Pangangailangan bilang mga pangmatagalang loan na may mababang interes mula sa Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo (Small Business Administration). Magagamit ang mga loan na ito para sa mga gastos sa paglilipat at pag-iimbak, tulong sa transportasyon, insurance sa baha, o pagpapalit o pagsasaayos ng kinakailangang personal na pag-aari.
Mayroong iba pang uri ng Tulong sa Iba Pang Pangangailangan na hindi nakadepende sa Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo, halimbawa, mga gastos para sa mga burol, mga medikal at dental na singilin, tulong sa mga kritikal na pangangailangan (mga pangunahin at pang-araw-araw na pangangailangan ng tubig, pagkain, gamot, kagamitan para sa kalinisan), tulong sa paglilinis at/o pagtanggal, pangangalaga ng bata.
II. Pagiging Karapat-dapat
May mga partikular na kinakailangan sa pagiging kwalipikado ang Programa sa Mga Indibidwal at Sambahayan (IHP). Ang mga pangunahing kinakailangan para makakuha ng tulong ng IHP ay:
1. Katayuan ng Pagkamamamayan:
Ang mga aplikante ay dapat na mga mamamayan ng US, nasyonal na hindi mamamayan, o kwalipikadong hindi mamamayan. Kasama sa kwalipikadong hindi mamamayan ang isang legal na permanenteng residente (may “green card”), asylee, refugee, hindi mamamayan na naka-withhold ang deportasyon, o hindi mamamayan pinalaya nang may parol sa U.S. nang hindi bababa sa isang taon.
Maaaring makatanggap pa rin ang isang hindi mamamayan kung siya ang magulang o tagapag-alaga na nag-a-apply sa ngalan ng isang menor de-edad na bata na isang mamamayan ng U.S., at nakatira sa parehong sambahayan.
2. Pagpapatunay ng Pagkakakilanlan:
Dapat beripikahin ng FEMA ang pagkakakilanlan ng aplikante gamit ang may bisang Social Security Number (SSN) bago sila maaaring magbigay ng tulong. Kung nag-a-apply sa ngalan ng isang menor de-edad na bata, kakailanganin ng FEMA ng kopya ng sertipiko ng kapanganakan ng bata at kopya ng Social Security card ng bata o dokumentasyon mula sa Social Security Administration (SSA).
3. Insurance
Layon ng FEMA na tulungan ang mga walang insurance o hindi sapat ang insurance. Kung wala kang insurance ng bahay o nangungupahan, ikaw ay isang walang insurance. Kung mayroon kang ilang insurance ng bahay o nangungupahan pero hindi ka nakatanggap ng sapat mula sa iyong claim para saklawin ang mga gastos at seryosong pangangailangan na dulot ng sakuna, hindi sapat ang insurance mo. Dapat mong ipaalam sa FEMA ang lahat ng coverage sa insurance na available sa iyo at ibigay ang dokumentasyon ng iyong mga kasunduan ng insurance o pera na natanggap mo mula sa mga pagsasaayos.
4. Katibayan ng Pag-okupa – Mga May-ari at Nangungupahan
Dapat kang magpakita ng katubayan na pagmamay-ari mo o nanirahan ka sa bahay o apartment na napinsala at ito lang ang tanging bahay o apartment mo. Hindi tutulong ang FEMA sa mga bahay-bakasyunan o mga panandaliang pinapaupahang pag-aari. Hindi kailangan ang patunay na ito para sa mga taong humihiling ng tulong sa transportasyon, mga gastos sa libing, mga medikal at/o dental na gastos, pangangalaga ng bata, at tulong sa mga kritikal na pangangailangan.
Kung hindi mabeberipika ng FEMA ang iyong pagmamay-ari o pag-okupa sa bahay, maaaring mangailangan ito ng karagdagang dokumentasyon mula sa iyo.
Mga Nangungupahan: Para magpakita ng katibayan ng pag-okupa, maaaring hilingin ng FEMA ang isa sa mga sumusunod: | Mga May-ari: Para magpakita ng katibayan ng pagmamay-ari, maaaring hilingin ng FEMA ang isa sa mga sumusunod: |
---|---|
|
|
Kung hindi ka makakapagbigay sa FEMA ng alinman sa dokumentasyon sa itaas, maaaring tanggapin ng FEMA ang nakasulat na pahayag na ipinapaliwanag ang iyong sitwasyon. Dapat kasama sa pahayag ang:
- Address ng iyong bahay na napinsala sa sakuna,
- Tagal ng panahon na nanirahan ka sa bahay na napinsala ng sakuna, gaya ng iyong pangunahing tirahan, bago ang deklarasyon ng sakuna ng pangulo,
- Ang pangalan at pirma mo at ng iyong kasamang aplikante, at
- Isang pahayag tungkol sa pagsisikap nang may mabuting layunin na makakuha ng dokumentasyon at kung bakit hindi mo makuha ang mga tradisyonal na dokumento.
5. Mga Mag-aaral
Maaaring kwalipikado para sa IHP ang mga mag-aaral na nakatira sa pabahay ng unibersidad na napinsala ng isang sakuna. Ang mga mag-aaral na mga dependent ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay hindi kwalipikado para sa tulong sa pabahay mula sa FEMA. Gayunpaman, ang lahat ng mag-aaral na naninirahan sa pabahay ng unibersidad na napinsala ng sakuna ay maaaring mag-apply para sa tulong sa personal na pag-aari para palitan ang mga gamit sa kanilang dorm o yunit.
6. Mga Residente ng Mga Pasilidad sa Tinutulungang Pamumuhay
Para sa mga naninirahan sa mga pasilidad sa tinutulungang pasilidad, dapat asikasuhin ng iyong pasilidad ang marami sa iyong mga pangangailangan pagkatapos ng isang sakuna (halimbawa, pansamantalang pabahay sa sakuna). Gayunpaman, para sa mga bagay na hindi sinasaklaw ng iyong pasilidad, maaari kang makakuha ng tulong mula sa FEMA. Ito ay maaaring tulong sa pagsasaayos/pagpapalit ng pabahay, pagsasaayos/pagpapalit ng personal na pag-aari, o anumang iba pang mahalagang pangangailangan na hindi inaasikaso ng iyong pasilidad.
III. Pag-unawa sa Aplikasyon
Ang takdang petsa para mag-apply para sa tulong ng FEMA ay 18 buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna ng Pangulo.
Pwede kang mag-apply para sa tulong ng FEMA sa tatlong paraan:
- Magsumite ng aplikasyon online,
- Tumawag sa at mag-apply sa pamamagitan ng ahente sa 1(800) 621-3362, o
- Hanapin at bisitahin ang isang lokal na tanggapan ng FEMA location.
Kung kailangan mo ng mga serbisyo sa pagsasalin para punan ang iyong aplikasyon, nag-aalok ang FEMA ng mga serbisyo sa pagsasalin nang libre. Kung kailangan mo ng ASL interpreter, i-text ang Linya sa Paghiling ng Sign Language Interpreter ng FEMA sa 1(202)372-7717 para sa tulong sa aplikasyon. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga interpreter o iba pang serbisyo sa wika, tumawag sa linya ng tulong sa pagrerehistro ng FEMA nang toll free sa 1(800)621-3362.
Sa loob ng dalawang linggo mula sa pag-apply para sa IHP, makikipag-ugnayan ang FEMA para mag-iskedyul ng inspeksyon para maberipika nila ang anumang pinsalang iuulat mo sa iyong aplikasyon. Sa oras ng inspeksyon, susuriin ng inspektor ng FEMA ang anumang pag-aari o istruktura na napinsala ng sakuna at kukuha siya ng mga litrato para suriin ng FEMA. Bago matapos ang inspeksyon, dapat kumpirmahin sa iyo ng inspektor na nakita nila ang lahat ng pinsalang kailangan nilang makit at ilarawan ang mga susunod na hakbang sa proseso sa iyo. Kung hindi mo kayang personal na makipagkita sa inspektor para sa pagbisita, pwede kang sumulat sa FEMA para awtorisahan ang isa pang nasa hustong gulang para dumalo sa inspeksyon sa ngalan mo.
Kapag naisumite na ang iyong aplikasyon, pwede kang makipag-ugnayan sa Linya ng Tulong ng FEMA (800-621-3362) para humiling ng impormasyon tungkol sa iyong aplikasyon, kasama dito pero hindi limitado sa mga ito ang mga update sa katayuan tungkol sa kailan mo maaasahang makuha ang desisyon ukol sa iyo, mga uri at halaga ng tulong na ibinigay sa iyo, o anumang kinakailangang dokumentasyon na kailangan ng FEMA para makumpleto ang desisyon nila.
Mga Pagtanggi at Apela
Kung tinanggihan ang iyong aplikasyon, maaaring iapela ang mga desisyon ng FEMA. Pwede kang mag-apela sa pamamagitan ng pagsusumite ng pinirmahang sulat na ipinapaliwanag kung bakit ka naniniwalang mali ang desisyon ng FEMA at mga kopya ng anumang pansuportang dokumento. May 60 araw ka mula sa petsa na natanggap mo ang iyong sulat ng desisyon para magsumite ng apela. Kapag naisumite mo na ang iyong apela, muling susuriin ng FEMA ang iyong kaso at ipapaalam sa iyo kung kailangan nila ng anumang karagdagang pansuportang dokumento.
Mga karaniwang dahilan para sa pagtanggi ng aplikasyon:
- Mayroon kang insurance ng bahay o mga nangungupahan: Tatanggihan ang iyong aplikasyon kung mayroon kang insurance ng bahay o mga nangungupahan na sinasaklaw ang lahat ng gastos sa pagpapaayos mo. Maaari kang mag-apela kung hindi ka binigyan ng iyong kasunduan sa insurance ng sapat na pondo para matugunan ang iyong mga pangangailangan o naubusan ka ng mga karagdagang gastos sa pamumuhay na ibinigay nila.
- Kung tinanggihan ng kumpanya ng insurance ang iyong claim, maaari kang mag-apela at maaari mong ibigay ang sulat ng pagtanggi para magpakita ng patunay na kailangan mo ng tulong ng FEMA.
- Wala kang iniulat na pinsala sa bahay noong nagparehistro ka sa FEMA. Maaaring kailangan mo ng pinansyal na tulong na hindi saklaw ng IHP pero maaaring saklaw ng iba pang uri ng tulong ng FEMA.
- Ligtas na okupahan ang iyong bahay: Kung natukoy ng FEMA na ligtas na tirhan ang iyong bahay, hindi sila mag-aalok ng tulong. Kung mali ito, ipaliwanag kung bakit sa iyong apela.
- Kung may mga isyu sa pagberipika ng pagkakakilanlan o pag-okupa: Kung hindi mapapatunayan ng FEMA ang iyong pagkakakilanlan, maaaring tanggihan nila ang iyong aplikasyon. Maaari kang mag-apela at magsumite ng mas maraming dokumentasyon para makatulong na ipakita ang patunay ng iyong pagkakakilanlan o pag-okupa.
IV. Paggawa ng Balangkas ng Sulat ng Apela sa FEMA
Ang bawat pahina ng anumang sulat at dokumentong isisumite mo sa iyong apela ay dapat na may sumusunod na impormasyon sa itaas:
- Iyong buong pangalan
- Iyong numero ng aplikasyon sa FEMA at numero ng sakuna (Mahahanap mo ang numero ng iyong aplikasyon at ng sakuna sa pahina 1 ng iyong sulat ng desisyon)
- Iyong address ng tirahan na naapektuhan ng sakuna
- Iyong kasalukuyang numero ng telepono
Halimbawang Sulat ng Apela sa FEMA:
[Pangalan ng Aplikante]
[Numero ng Aplikasyon]
[Numero ng Sakuna]
[Address ng Kalye]
[Lungsod, State, Zip]
[Numero ng Telepono]
Minamahal na FEMA,
Noong Pebreo 17, 2016, nakatanggap ako ng sulat mula sa inyo na isinasaad na hindi ako kwalipikado para sa tulong dahil may insurance ako. Nais kong iapela ang inyong desisyon, dahil hindi sasaklawin ng aking kumpanya ng insurance ang mga pinsala.
Nakalakip dito ang sulat ng pagtanggi ng insurance na ipinapakita na wala akong saklaw ng insurance para sa pinsala sa aking tahanan at personal na pag-aari na matatagpuan sa 123 Main Street, Everytown, Virginia.
Mangyaring suriin ang nakalakip na impormasyon at muling isaalang-alang ang inyong desisyon.
Maraming salamat,
[Pangalan ng Aplikante]
[Lagda]
Maaari mong isumite ang apela sa 4 na magkakaibang paraan:
- Ipadala ang sulat at mga nakalakip na dokumento sa:
FEMA National Processing Service Center
P.O. Box 10055
Hyattsville, MD
20782-7055 -
I-fax ang sulat ng apela at mga nakalakip na dokumento sa 800-827-7055.
-
Pwede mong i-upload ang iyong apela online.
-
Bisitahin ang isang drive-thru na Sentro sa Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) ng FEMA. Hanapin ang sentro na pinakamalapit sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng tulong ng FEMA sa 800-621-3362 o TTY 800-462-7585, o sa pamamagitan ng pagtingin online.
Maaaring humiling ang mga aplikante ng live na pagdinig bilang bahagi ng kanilang apela kapag may isyu sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan, kredibilidad, pagiging totoo, o kung natuklasan ng FEMA na hindi sila makakapagpasya kung aaprubahan o tatanggihan ang iyong aplikasyon sa pamamagitan lang ng pagsusuri ng iyong mga dokumento. Kung tatanggihan ng FEMA ang iyong kahilingan para sa live na pagdinig, pinal ang kanilang desisyon at hindi mo ito maaaring iapela. Susuriin pa rin nila ang iyong kaso gamit ang iyong mga dokumento at nakasulat na liham.
Magbibigay ang FEMA ng pinal na desisyon sa iyong apela sa loob ng 90 araw mula nang natanggap ang iyong nakasulat na apela o sa loob ng 45 araw kung mayroon kang live na pagdinig.
V. Pagkatapos Matanggap ang Iyong Tulong
Kapag naaprubahan na ang iyong aplikasyon, dapat mong matanggap ang mga pondo mo sa loob ng dalawang linggo. Kung magse-set up ka ng direktang deposito sa iyong online na profile sa FEMA, dapat pumasok ang mga pondo sa iyong account sa loob ng 10 araw. Kung pipiliin mong makatanggap ng papel na tseke, maaaring abutin ito nang hanggang dalawang linggo.
Sa iyong sulat ng desisyon, magkakaroon ng gabay sa kung paano mo dapat gastusin ang iyong mga pondo ng IHP. Hindi dapat gamitin ang mga gawad sa sakuna para sa paglalakbay, libangan, mga regular na gastos sa pamumuhay, o anumang gastos na hindi nauugnay sa sakuna. Kung matutuklasan ng FEMA na maling ginamit ang gawad na pera, maaaring kailangan mong muling bayaran ang FEMA at maaari kang mawalan ng kwalipikasyon para sa higit pang pederal na tulong sa hinaharap. Para protektahan ang iyong sarili, panatilihin ang mga resibo sa loob ng tatlong taon para ipakita kung paano mo ginastos ang tulong ng FEMA sa iyo.
Kung tumatanggap ka ng direktang tulong sa pabahay mula sa FEMA, pagtuunan ng atensyon kung kailan mawawalan ng bisa ang tulong. Pagkatapos mong makatanggap ng pansamantalang pabahay, kung kailangan mong palawigin ang iyong pananatili sa pansamantalang pabahay, pwede kang mag-apply para ipagpatuloy/palawigin ang iyong tulong sa pansamantalang pabahay. Para mag-apply para sa Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay, kumpletuhin ang “Form FF-104-FY-21-115 ng FEMA: Aplikasyon para sa Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay” at ibalik ito sa FEMA kasama ang anumang pansuportang dokumentasyon.
VI. Mga Mapagkukunan
- Website ng FEMA:
https://www.disasterassistance.gov/ - Mga Lokasyon ng FEMA:
https://www.fema.gov/locations - Aplikasyon para sa Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay
Form FF-104-FY-21-115 ng FEMA: Aplikasyon para sa Ipinagpatuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay - Mga Serbisyo para sa Tulong at Pagbangon sa Sakuna ng Red Cross
https://www.redcross.org/get-help/disaster-relief-and-recovery-services.html