Hindi Matagumpay na Pagsubok sa Trabaho (UWA, Unsucessful Work Attempt)

Publications
8127.08

Hindi Matagumpay na Pagsubok sa Trabaho (UWA, Unsucessful Work Attempt)

Mayroong ilang mga kaso kung kailan maaaring subukan ng isang benepisyaryo na bumalik sa trabaho ngunit maaaring maging matagumpay lamang sa maikling panahon. Ang Unsuccessful Work Attempt (UWA) ay isang pagsisikap na gumawa ng malaking trabaho na huminto o nabawasan hanggang sa ibaba ng Substantial Gainful Activity (SGA) pagkatapos ng 6 na buwan o mas kaunti dahil sa kapansanan o pag-alis ng isang benepisyaryo ng mga espesyal na kundisyon.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ito?

May ilang kaso kung saan maaaring subukang bumalik sa trabaho ng benepisyaryo pero maaaring maging matagumpay sa loob lang ng maikling panahon. Isang pagsisikap ang Hindi Matagumpay na Pagsubok sa Trabaho (UWA, Unsucessful Work Attempt) na gumawa ng sapat na trabahong huminto o bumaba sa Napakahalagang Kapakipakinabang na Aktibidad (SGA, Substantial Gainful Activity) pagkatapos ng 6 na buwan o mas kaunti dahil sa pagkapinsala o pagkakaalis sa benepisyaryo ng mga espesyal na kondisyon.

Paano ito gumagana?

Hindi gustong ihinto ng Social Security ang pagbabayad sa benepisyaryo kung susubukan nilang magtrabaho sa antas ng SGA, para lang malaman na hindi nila ito kayang mapanatili sa paglipas ng panahon. Sa panahon ng Pinalawig na Panahon ng Pagiging Kwalipikado (EPE, Extended Period of Eligibility), hindi bibilangin ng Social Security ang mga kita sa panahon ng UWA. Hindi maaaring gamitin ang UWA sa Pagsubok na Panahon sa Trabaho o pagkatapos gamitin ng benepisyaryo ang Panahon ng Palugit. Hindi maaaring maging UWA ang trabaho sa antas ng SGA na tumatagal nang mahigit sa 6 na buwan, anuman ang dahilan kung bakit ito natapos o bumaba sa SGA.

Bakit ito mahalaga?

Kung huminto o bumaba ang mga kita sa SGA dahil sa pagkapinsala o pagkakaalis sa benepisyaryo ng mga espesyal na kondisyon, maaari pa ring makatanggap ang benepisyaryo ng buong tseke ng SSDI sa mga buwang iyon kung matukoy ng Social Security na naganap ang UWA. 

Kailangan ng tulong sa impormasyong ito?

Numero ng telepono para sa pag-intake ng DRC WIPA: 888-768-7058

Helpline ng Tiket sa Trabaho: 866-968-7842

Pinondohan ang factsheet na ito sa pamamagitan ng kasunduan sa kooperatiba ng Social Security. Bagama't sinuri ng Social Security ang dokumentong ito para sa katumpakan, hindi ito kumakatawan sa opisyal na komunikasyon ng Social Security. Inilalathala namin ang factsheet na ito na ginastusan ng nagbabayad ng buwis sa US.