Alamin ang Iyong mga Karapatan sa mga Serbisyo ng Pinahabang Taon ng Paaralan

Publications
#8088.08

Alamin ang Iyong mga Karapatan sa mga Serbisyo ng Pinahabang Taon ng Paaralan

May karapatan ka sa makahulugang komunikasyon at pagkikilahok sa proseso ng edukasyon ng iyong estudyante. 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

  1. May karapatan ka sa makahulugang komunikasyon at pagkikilahok sa proseso ng edukasyon ng iyong estudyante. 
    *hinggil sa mga pagpapalagay, serbisyo, mga suporta, IEP, 504 plans, ESY, eskuwela sa tag-araw.
  2. May karapatan kang magtanong ng kahit anong katanungan, ipaaksyunan ang anumang mga alalahanin na mayroon ka tungkol sa proseso at edukasyon ng iyong estudyante, nang maraming beses hanggat kailangang maunawaan kung ano ang nangyayari.
  3. May karapatang kang makita ang mga paaralan, patakaran ng mga distrito.
    *Humiling nang nakasulat.
  4. May karapatan magsama ng isang tao sa pagdalo sa mga pulong para sa suporta.
    *Kaibigan, Kamag-anak, Dr, Therapist, Case Worker, atbp.
  5. May karapatan kang humiling nang kasing daming mga pulong na kinakailangan para maaksyunan ang edukasyon ng iyong estudyante. *Humiling nang nakasulat.
  6. May karapatan kang magsulat at ikabit ang mga ito sa mga tala ng pulong at mga dokumento.
  7. May karapatan kang i-record ang audio ng pulong ng IEP.
    *Humiling nang nakasulat nang hindi bababa sa 24 na oras bago ang pulong.
  8. Maykarapatan kang humiling ng mga pagtatasa.
    *Humiling nang nakasulat.
  9. May karapatan kang humiling ng Independent Education Evaluation (IEE) kung hindi ka sumasang-ayon sa mga kinalabasan ng pagtatasa. *Humiling nang nakasulat.
  10. May karapatan kang pag-isipan ang mga bagay bago sa paglagda.
    * Tandaan ang mga serbisyo ay hindi mag-uumpisa hanggang malagdaan. Ngunit ang mga lumang serbisyo kung naaangkop ay magpapatuloy.
  11. May karapatan kang sumang-ayon sa ilang bahagi at hindi sumang-ayon sa iba.
    * Maging partikular hangga’t maaari sa kung ano ang iyong sinasang-ayunan at hindi.
  12. May karapatan kang maghain ng reklamong Due Process/ Pagtalima.