Mga Mapagkukunan sa Pabahay para sa Social Work

Publications
8131.08

Mga Mapagkukunan sa Pabahay para sa Social Work

Ang CalAIM ay isang programang binayaran sa pamamagitan ng iyong Medi-Cal provider. Kung mayroon kang insurance sa Medi-Cal, maaari kang maging karapat-dapat na makatanggap ng tulong mula sa Mga Suporta sa Komunidad ng CalAIM.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Mga Suporta sa Komunidad ng CalAIM

Ang CalAIM ay isang programang binabayaran sa pamamagitan ng iyong Medi-Cal provider. Kung may insurance ka sa Medi-Cal, maaari kang maging kwalipikadong makatanggap ng tulong mula sa Mga Suporta sa Komunidad ng CalAIM. Kasama sa ilang serbisyong inaalok nila ang:

  • Mga Serbisyo sa Paglipat sa Pabahay - Tumutulong sa iyong makahanap ng mga serbisyo para sa iyong mga pangangailangan sa pabahay. Maaaring kabilang dito ang paghahanap ng pabahay kung wala kang tirahan o nasa sitwasyong maaaring mawalan ng tirahan.
  • Mga Serbisyo sa Pag-upa at Pagpapanatili sa Pabahay - Tinutulungan kang mapanatili ang ligtas at maaasahang pabahay kapag may matutuluyan ka na. Maaaring kabilang sa mga serbisyo ang pagsasanay, edukasyon, at pagko-coach. Maaari ka ring makakuha ng suporta sa iyong mga tungkulin, karapatan, at benepisyo bilang tenant.
  • Mga Pag-aangkop sa Pag-access sa Kapaligiran (Mga Pagbabago sa Bahay) - Tumutulong sa iyong baguhin ang iyong tahanan para matiyak ang iyong kalusugan, kagalingan at kaligtasan. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring makatulong sa iyong mabuhay nang may kakayanang gumalaw nang mag-isa sa bahay.
  • Mga Deposito sa Pabahay - Nagbibigay ng deposito sa pabahay at iba pang serbisyo para matulungan kang mag-set up ng bahay.

Para makapagsimula, pakitawagan ang iyong provider ng insurance ng Medi-Cal at sabihin sa kanilang nais mong mag-enrol.

Mag-click dito para mahanap ang impormasyon sa pakikipag-ugnay para sa provider mo

CalWORKS

Tumutulong ang CalWORKS sa cash para magbayad sa upa, pabahay, pagkain, damit, mga medikal na pagbabayad, at kagamitan para sa mga pamilyang may kahit man lang isang bata sa bahay. Tumatanggap ng pera kada buwan ang mga pamilyang nag-apply at kwalipikado para sa patuloy na tulong nang makatulong sa pagbabayad sa pabahay, pagkain at iba pang kinakailangang gastos. Kasama sa mga serbisyong maaaring available sa iyo ang:

  • Tulong na pera
  • Suporta sa pabahay
  • Mga serbisyo sa trabaho
  • Pangangalaga sa bata
  • Tulong sa edukasyon
  • Mga serbisyo sa kalusugan ng isip
  • Suporta sa pagkalulong sa sangkap
  • Suporta sa pang-aabuso sa loob ng tahanan

Mag-click dito para mag-apply

May Koordinasyong Sistema ng Pagpasok (CES, Coordinated Entry System)

Tinutulungan ng koordinadong sistema ng pagpasok ang mga indibidwal na walang tirahan o nasa sitwasyong maaaring mawalan ng tirahan na makahanap ng mga pagpipilian sa pabahay tulad ng permanenteng suportang pabahay, transisyonal na pabahay, at mga shelter. Nagagawa rin ng mga itong kumonekta sa mga serbisyo tulad ng tulong sa pagtatrabaho, pag-unlad ng mga kasanayan sa buhay, at mga pangunahing pangangailangan.

Dapat kang tumawag sa 2-1-1 para makakuha ng isang referral para sa May Koordinasyong Sistema ng Pagpasok. Available ang kanilang hotline 24/7, 7 araw kada linggo.

Programa para sa Kaligtasan sa Bahay

Sinusuportahan ng Kaligtasan sa Bahay ang mga indibidwal na may edad na 60 pataas, pati na rin ang mga dependent na nasa hustong gulang, na nakakaranas ng kawalan ng tirahan o nasa sitwasyong maaring mawalan ng tirahan. Nag-aalok ang Kaligtasan sa Bahay ng hanay ng mga estratehiya para matugunan at maiwasan ang kawalan ng tirahan at suportahan ang patuloy na katatagan ng pabahay para sa mga kliyente ng Mga Serbisyo sa Pangangalaga ng mga Nasa Hustong Gulang (APS, Adult Protective Services), kabilang ang masinsinang pamamahala ng kasong nauugnay sa pabahay, tulong pampinansiyal sa pabahay, masusing paglilinis para mapanatili ang ligtas na pabahay, paghadlang sa pagpapaalis, pamamagitan sa landlord, at marami pa.

Maaari kang tumawag sa numero ng paggamit ng APS para sa iyong lokal na county para makita kung kwalipikado ka sa programa para sa Kaligtasan sa Bahay. Kapag tumatawag, tanungin ang tungkol sa “Programa para sa Kaligtasan sa Bahay” (Home Safe Program).

Mag-click dito para mahanap ang iyong Tanggapan ng Lokal na County

Kung hindi mo mahanap ang numero para sa iyong tanggapan ng APS sa county, pakitawagan ang 833-401-0832 at kapag hiniling ipasok ang iyong ZIP code.

Programa ng Pagbabaguyod sa Pabahay at Kapansanan (HDAP, Housing and Disability Advocacy Program)

Tinutulungan ng programang ito ang mga taong alinman sa nakakaranas o nasa sitwasyong maaaring mawalan ng tirahan at malamang na kwalipikado para sa mga benepisyo sa kapansanan. Nagbibigay ang mga ito ng pagtataguyod para sa mga benepisyo sa kapansanan pati na rin ng mga suporta sa pabahay. Kasama sa ilan sa mga serbisyong ibinibigay nila ang:

  • Pangangasiwa ng Kaso
  • Pagtataguyod ng benepisyo sa kapansanan
  • Tulong sa pabahay

Mag-click dito para bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HDAP, at para mahanap ang iyong Contact sa Lokal na County

Independenteng Sentro ng Pamumuhay (ILC, Independent Living Center)

Ang bawat county ay may ILC na naghahatid ng serbisyo sa mga indibidwal na may kapansanan. Naiiba-iba sila sa mga serbisyong maibibigay nila, pero ang mga halimbawa ay ang Pag-navigate sa Pabahay, Suporta sa Peer, Pagpapayo sa mga Benepisyo, Adbokasiya, Mga Kasanayan sa Independiyenteng Pamumuhay, Pagtatrabaho, at Pantulong na Teknolohiya. 

Mag-click dito para mahanap ang pinakamalapit na ILC sa iyong lugar

Tulong sa Pampublikong Pabahay (Mga Voucher sa Pagpili ng Pabahay at Seksyon 8 sa Tulong sa Pabahay)

Kung kailangan mo ng tulong sa pampublikong pabahay o nais mo ng tiyak na impormasyon tungkol sa mga programa sa pampublikong pabahay tulad ng mga voucher sa pagpili ng pabahay o Seksyon 8 sa Pabahay, pakikontak ang iyong lokal na Ahensya sa Pabahay para sa Publiko.

Mag-click dito para mahanap ang iyong Lokal na Contact

Mga Programa sa Pag-iwas sa Kawalan ng Bahay

Ang ilang county ay may Programa sa Pag-iwas sa Kawalan ng Bahay, tulad ng Los Angeles County at Santa Clara County. Ang mga programa sa pag-iwas sa kawalan ng tirahan ay maaaring makatulong sa mga serbisyo tulad ng:

  • Tulong sa pananalapi
  • Legal na suporta
  • Pangangasiwa ng kaso
  • Pagpapayo sa Adbokasiya

Maaari mong i-google ang “Programa sa Pag-iwas sa Kawalan ng Tirahan (Homeless Prevention Program) sa [iyong county]” para makita kung ano ang maaaring available malapit sa iyo.