Your November 2024 Ballot: Understanding What’s Going on with the US Senate Races

Your November 2024 Ballot: Understanding What’s Going on with the US Senate Races
Ipinapaliwanag ng publikasyong ito kung ano ang hinihiling sa mga botante ng California na iboto sa US. Ang mga karera sa Senado sa Primary na halalan ngayong taon. Inilalarawan ng publikasyong ito kung paano lalabas ang mga paligsahan na ito sa Marso 5, 2024 sa buong estadong balota at kung ano ang ibig sabihin ng iyong mga opsyon.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang mapapansin mo sa iyong balota
Bilang karagdagan sa ibang mga labanan sa iyong balota, ang mga botante ng California sa pangkalahatang halalan ng Nobyembre 5, 2024 ay magkakaroon ng dalawang pagkakataon upang bumoto sa magkaparehong puwesto sa Senado ng U.S. na may magkaparehong dalawang kandidado, Adam Schiff at Steve Garvey.
Ang unang labanan para sa Senado ng U.S. ay nagtatanong kung alin sa dalawang kandidato ang gusto mong maging senador ng U.S. para sa susunod na buong termino ng katungkulan. Ang buong termino ng katungkulan para sa senador ng U.S. ay anim na taon. Ang susunod na buong termino ng katungkulan ay mula Enero 3, 2025, hanggang Enero 3, 2031.
Ang ikalawang labanan para sa puwesto sa Senado ng U.S. ay isang espesyal na halalan na nagtatanong kung sinong tao ang gusto mong maging senador ng U.S. para sa natitira ng kasalukuyang termino ng katungkulan. Ang kasalukuyang termino ng katungkulan ay matatapos sa Enero 3, 2025, kung kailan ang nanalo sa unang labanan ay magsisimula ng kanyang anim-na-taong termino. Gaya ng inilarawan nang mas detalyado sa ibaba, ang puwestong ito sa Senado ng U.S. ay kasalukuyang pansamantalang hinahawakan ng isang hinirang ng Gobernador hanggang sa pangkalahatang halalan ng Nobyembre 2024.
Iyong mga opsyon para sa pagboto sa dalawang labanan sa Senado ng U.S.
Ang mga resulta ng Marso 2024 na primaryang halalan ay nagpasya kung sinong mga kandidato ang susulong sa Nobyembre 2024 na pangkalahatang halalan. Sa pareho ng dalawang labanan noong Marso, sina Schiff at Garvey ang nakakuha ng pinakamaraming boto, kaya ang mga botante ay pipili sa pagitan nilang dalawa sa parehong labanan sa Nobyembre.
Maaari kang bumoto sa alinman o pareho ng dalawang labanang ito sa Senado ng U.S. Maaari kang bumoto para sa kaparehong tao sa parehong labanan, o maaari kang bumoto para sa ibang tao sa bawat isa ng mga labanan. Tulad sa anumang halalan, maaari kang pumili na huwag bumoto sa alinman o lahat ng labanan.
Ang kasalukuyang humahawak ng katungkulan, si Pansamantalang Senador Laphonza Butler, ay nagpahayag na hindi siya tatakbo para sa buong termino. Hindi siya lilitaw sa balota at ang kanyang termino ay matatapos pagkaraan ng Nobyembre 2024 na pangkalahatang halalan.
Bakit ang labanan para sa natitira ng kasalukuyang termino sa Senado ng U.S. ay nasa balota
Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa kung bakit ang labanan para sa natitira ng kasalukuyang termino sa Senado ng U.S. ay nasa balota upang ipatala ang iyong boto pero ipagpatuloy ang pagbabasa kung interesado kang malaman ang pinagdaanan.
Si Senador Dianne Feinstein ang dating humahawak ng katungkulang ito, simula noong Enero 1992. Nang mamatay siya noong Setyembre 2023, may dapat tumapos ng huling taon ng kanyang termino sa Senado ng U.S. Hinirang ni Gobernador Gavin Newsom si Senador Laphonza Butler upang maglingkod sa tungkuling iyon hanggang Nobyembre 2024 na pangkalahatang halalan.
Ang Panukalang-batas ng Asembleya ng California (AB) 1495, nagkabisa noong Enero 1, 2022, ay nagpapahintulot sa gobernador na maghirang ng isang tao upang pansamanatalang punuan ang pagkabakante sa isang puwesto sa Senado ng U.S., pero ang paghirang ay pansamantala, sa karamihan ng mga sitwasyon, hanggang magkaroon ng isang pambuong-estadong halalan upang piliin ang taong hahawak ng katungkulan para sa natitira ng patuloy na termino. Bilang resulta ng AB 1495, ang labanan para sa natitira ng termino para sa Senado ng U.S. na kasalukuyang hinahawakan ni Senador Butler ay lumitaw sa balota para sa primaryang halalan noong Marso 5, 2024, at lilitaw sa balota para sa pangkalahatang halalan sa Nobyembre 5, 2024.