Sampol na sulat para Humiling ng mga Makatwirang Kaluwagan sa Panahon ng COVID-19 Pandemic.

Publications
#7160.08

Sampol na sulat para Humiling ng mga Makatwirang Kaluwagan sa Panahon ng COVID-19 Pandemic.

Batay sa Americans with Disabilities Act, may karapatan ka sa mga makatwirang kaluwagan sa lugar ng trabaho. Kasama dito ang mga makatwirang kaluwagan na kailangan mo sa panahon ng COVID-19 pandemic para tulungan kang mapanatiling malusog at makapagtatrabaho.  Ang sampol na sulat na ito ay maaaring gamitin para hilingan ang iyong employer o inaasahang lugar ng trabaho para sa mga makatwirang kaluwagan na kailangan mo sa proseso ng pag-hire o para sa iyong trabaho.

 

[Petsa]
Minamahal na [Employer]:

Sumulat ako para humiling [a] ng (mga) makatwirang kaluwagan para sa aking (mga) kapansanan. Ako’y [isang empleyado ng/nag-a-apply para sa posisyon sa] [Public Entity]. Ako rin ay [sumasailalim sa isang kautusang stay-at-home / nasa mas mataas na peligro para sa mga kumplikasyon ng COVID-19 dahil sa aking kapansanan]. Dahil sa aking kapansanan, kailangan ko ng ekstrang pangangalaga para maprotektahan ko ang aking sarili sa COVID-19. Kailangan ko ng mga sumusunod na makatwirang kaluwagan: [ilista ang mga kaluwagan]. Ang aking [manggagamot/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist /iba pang indibidwal (ilarawan)] ay ipinapalagay na kinakailangan ang mga kaluwagan/modipikasyon na ito dahil sa aking kapansanan. Mangyaring tingnan ang kalakip na sulat mula sa [pangalan ng doktor o propesyonal]. Bilang karagdagan, mangyaring tingnan ang [pederal, estado o lokal] na kautusan na hinihilingan akong mag-shelter-in-place sa panahon ng COVID-19 pandemic. Inuutos ng batas ng pederal at estado na pagbigyan ang mga empleyado at aplikanteng may mga kapansanan. Mangyaring sumagot sa kahilingang ito sa [petsa]. Mangyaring malayang kontakin ako sa [ang numero ng iyong telepono at/o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. Salamat sa iyo.

Gumagalang,
[Ang iyong pangalan]
[Ang iyong address]

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

 

 

Click links below for a downloadable version.