Papel ng Katotohanan: Diksriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan

Publications
#F108.08

Papel ng Katotohanan: Diksriminasyon sa Pabahay Batay sa Kapansanan

Tinatalakay ng papel ng katotohanan na ito ang mga karapatan ng mga taong may mga kapansanan upang maging malaya mula sa diskriminasyon sa pabahay batay sa kapansanan sa ilalim ng batas pederal at ng California.

Panimula

Tinatalakay ng papel ng katotohanan na ito ang mga karapatan ng mga taong may mga kapansanan upang maging malaya mula sa diskriminasyon sa pabahay batay sa kapansanan sa ilalim ng batas pederal at ng California.

Ipinagbabawal ng pederal na batas sa ilalim ng Batas sa Mga Pagsususog sa Makatarungang Pabahay (Fair Housing Amendments Act) (42 Kodigo ng Estados Unidos [U.S.C., United States Code] mga Seksyon 3601-3631) at Seksyon 504 ng pederal na Batas sa Rehabilitasyon (Rehabilitation Act) ng 1973 (para sa pabahay na tumatanggap ng pagpopondo mula sa  Kagawaran ng Pabahay at Pag-unlad ng Lunsod ng U.S. [U.S. Department of Housing and Urban Development] o iba pang pederal na pinansyal na tulong), at ng batas ng California sa ilalim ng Batas sa Makatarungang Trabaho at Pabahay (Fair Employment and Housing Act) (Kodigo ng Pamahalaan [Government Code] mga Seksyon 12955-12956.2) at ng Batas sa Mga Taong May Kapansanan (Disabled Persons Act) (Kodigo Sibil [Civil Code] mga Seksyon 54.1 at 54.2) ang diskriminasyon sa pabahay laban sa mga nangungupahan at mga aplikanteng may mga kapansanan.  Ang mga batas na ito ay sumasaklaw sa mga tagapagbigay ng pabahay, kabilang ang: mga maylupa, samahan ng mga may-ari ng bahay, realtor, nagpapautang para sa pabahay at mga nagmamay-ari at mga nangangasiwa ng ari-arian ng pangmatagalang pabahay kasama ang mga tahanan ng paninirahan at pangangalaga, pang-grupong tahanan, panuluyan ng mga walang tahanan at, sa ilang kaso, mga pasilidad ng pangangalaga.

Ang diskriminasyon sa pabahay ay makikita sa maraming mga anyo. Kasama rito ang hindi pantay na pagtrato, mga hadlang sa access, panliligalig, paghihiganti, mga pahayag na nagdidiskrimina, at kabiguang magbigay ng mga makatwirang kaluwagan at pagbabago. Ang mga kaluwagan ay mga eksepsyon sa mga patakaran o pamamalakad, at ang mga pagbabago ay mga pisikal na pagbabago sa mga gusali, yunit, o paligid. Ang mga kaluwagan at pagbabago ay makatwiran kung ang mga ito ay kinakailangan upang bigyan ang taong may kapansanan ng pantay na pagkakataon na magamit at matamasa ang pabahay, hindi makabuluhang binabago ang uri ng pabahay o ibang mga serbisyong ibinibigay, at hindi nagpapataw ng hindi nararapat na pasanin sa tagapagbigay ng pabahay.

Ang mga sumusunod na lathala ay naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa diskriminasyon sa pabahay batay sa kapansanan, at kung paano humiling ng mga makatwirang kaluwagan at pagbabago bilang isang nangungupahan o aplikante para sa pabahay:

http://www.disabilityrightsca.org/pubs/541801.pdf

Mga Pagdaing at Paghabla

Kung ang isang maylupa, samahan ng kondominyum o iba pang tagapagbigay ng pabahay ay tumangging magbigay ng makatwirang kaluwagan o pagbabago o kung hindi man ay nagdidiskrimina laban sa isang taong may kapansanan, maaari kang magsampa ng paghabla o administratibong pagdaing. 

Maaari kang magsampa ng administratibong pagdaing sa Kagawaran ng Makatarungang Trabaho at Pabahay sa California (DFEH, Department of Fair Employment and Housing) sa loob ng isang taon ng pinakahuling petsa ng diskriminasyon. Maaaring makita ang impormasyon tungkol sa kung paano magsampa ng pagdaing sa DFEH sa https://www.dfeh.ca.gov/filing-a-complaint-online/, o sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 884-1684 (boses) o (800) 700-2320 Teletype (TTY, Teletype).  Maaari mong i-apela ang pasya ng DFEH sa Direktor ng DFEH sa loob ng 10 araw ng pasya. Tingnan ang 2 Kodigo ng mga Regulasyon ng California (C.C.R., California Code of Regulations) Seksyon 10065.

Maaari ka ring magsampa ng administratibong pagdaing sa Kagawaran ng Pabahay at Pag-unlad ng Lunsod (HUD, Housing and Urban Development) sa ilalim ng Batas sa Mga Pagsususog sa Makatarungang Pabahay sa loob ng isang taon pagkatapos ng diskriminasyon. Makakakuha ng impormasyon tungkol sa pagsampa ng pagdaing sa HUD sa 1-800-669-9777 o sa:

https://portal.hud.gov/hudportal/HUD?src=/topics/housing_discrimination.

Ang mga paglabag sa mga batas na ito ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong paghahabla. Mangyaring malaman na itinakda ng mga kautusan sa mga limitasyon ang takdang panahon ng pagsampa ng kaso at maaari kang mawalan ng paghahabol kung hindi ka kikilos sa loob ng takdang panahaon na iyon. Ang mga huling araw na ito ay maaaring kasing-ikli ng dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon.  Kung interesado ka na ituloy ang kaso, dapat kang kumonsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon.

Kung ikaw ay naghahangad ng mas mababa sa $10,000 na halaga ng danyos, maaari kang magsampa ng kaso ng diskriminasyon sa Korte ng Maliliit na Paghahabol (Small Claims Court). Ang mga kautusan sa mga limitasyon na itinalakay sa itaas ay naaangkop. Hindi ka maaaring gumamit ng abogado kung ikaw ay pupunta sa korte ng maliliit na paghahabol. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Disability Rights California, Gabay para sa Korte ng Maliliit na Paghahabol: Paano Maghabla kung ang Negosyo o Maylupa ay Nagdiskrimina Laban sa Iyo Dahil sa Iyong Kapansanan, sa: http://www.disabilityrightsca.org/pubs/520601.pdf.

Halimbawang Sulat sa Tagapagbigay ng Pabahay Upang Humiling ng Makatwirang Kaluwagan o Pagbabago

[Petsa]

Minamahal na [Maylupa, Awtoridad ng Pabahay, Samahan ng mga May-ari ng Bahay]

Sumusulat ako upang humiling ng mga makatwirang kaluwagan/pagbabago para sa aking kapansanan/mga kapansanan.

Ako ay nakatira sa/nag-a-apply na umupa sa iyong ari-arian sa [address]  Dahil sa aking kapansanan, kailangan ko ang sumusunod na mga kaluwagan: [ilista ang mga kaluwagan/pagbabago].

Ang aking doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/manggagawang panlipunan/occupational therapist /ibang indibidwal [ilarawan] ay itinuring ang mga kaluwagan/pagbabagong ito na kinakailangan dahil sa aking kapansanan.  Mangyaring tingnan ang nakalakip na sulat mula kay [pangalan ng doktor o propesyunal].

Inaatas ng pederal at pang-estadong batas na bigyan ng mga tagapagbigay ng pabahay ang mga nangungupahan/nakatira at mga aplikante na may mga kapansanan ng mga makatwirang kaluwagan. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito bago ang [petsa]. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa akin sa [iyong numero ng telepono at/o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. 

Nagpapasalamat.

Taos-puso,

[Iyong pangalan]

[Iyong address]

Halimbawang Sulat ng Pagpapatunay

[Petsa]

Para kay [Maylupa, Awtoridad ng Pabahay, at Samahan ng mga May-ari ng Bahay]:

Ako ang doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/manggagawang panlipunan/occupational therapist para kay [Iyong pangalan], at pamilyar ako sa kanyang kondisyon.  Siya ay may kapansanan na nagsasanhi ng ilang mga limitasyon sa paggana.  Kabilang sa mga limitasyong ito ang [ilista ang mga limitasyon sa paggana na nangangailangan ng hinihiling na kaluwagan].

[Ang hinihiling na kaluwagan] ay kinakailangan para kay ____ upang mamuhay sa komunidad at magamit at matamasa ang kanyang tirahan sa pamamagitan ng [ilarawan kung paano matutulungan o susuportahan ng kaluwagan ang indibidwal.].

Maraming salamat sa pagbigay ng makatwirang kaluwagang ito para kay [Pangalan].

Taos-puso,

[Pangalan at Posisyon]

 

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

 

Click links below for a downloadable version.