Pagbabayad ng Sentrong Pangrehiyon para sa mga Ka-bayarin sa Seguro, Ka-seguro, at mga Kabawasang Halaga

Publications
#F102.08

Pagbabayad ng Sentrong Pangrehiyon para sa mga Ka-bayarin sa Seguro, Ka-seguro, at mga Kabawasang Halaga

Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung kailan maaaring magbayad ang sentrong pangrehiyon para sa mga pagbabayad ng insurance. Sinasabi nito sa iyo ang uri ng mga pagbabayad na maaari nitong bayaran. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi magbabayad ang sentrong pangrehiyon.

Binago ng Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pagsulong (DDS, Department of Developmental Services) sa pamamagitan ng Trailer na Panukalang Batas sa Budget (TBL, Budget Trailer Bill) nito ang mga batas kaugnay sa pagpopondo ng mga ka-bayarin, ka-seguro, at mga kabawasang halaga ng mga sentrong pangrehiyon. Ang mga partikular na pagbabago ay inilarawan sa ibaba.

Maaari bang bayaran ng sentrong pangrehiyon ang aking mga ka-bayarin, ka-seguro at/o kabawasang halaga sa ilalim ng Batas na Lanterman (Lanterman Act)?

Oo.  Para sa mga menor de edad, ang sentrong pangrehiyon ay maaaring magbayad para sa ka-bayarin, ka-seguro, at/o kabawasang halaga kung ang serbisyo ay kasama sa plano sa indibidwal na programa (IPP, Individual Program Plan) ng bata o plano sa indibidwal na mga serbisyo ng pamilya (IFSP, Individual Family Services Plan) at kinakailangan upang matiyak na natatanggap ng iyong anak ang serbisyo.1 Ang sumusunod na mga pamantayan ay dapat rin matugunan:

  1. Ang bata ay sakop ng isang plano ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan o polisiya sa segurong pangkalusugan sa ilalim ng kanyang magulang/katiwala/tagapag-alaga.
  2. Ang taunang kabuuang kita ng pamilya ay nasa o mas mababa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan.
  3. Walang iba pang mga ikatlong partido na responsable para sa gastos.

Para sa mga wastong gulang na mamimili, ang sentrong pangrehiyon ay maaaring magbayad para sa ka-bayarin, ka-seguro at/o kabawasang halaga kung ang serbisyo ay kasama sa plano sa indibidwal na programa  at kinakailangan upang matiyak na ang serbisyo ay natanggap.  Ang sumusunod na mga pamantayan ay dapat ring matugunan:

  1. Ang mamimili ay may taunang kabuuang kita na 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan o mas mababa.
  2. Walang iba pang mga ikatlong partido na responsable para sa gastos.2

Paano kung ang aming pamilya ay may kita na higit sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan?

Para sa mga pamilya na may taunang kabuuang kita na higit pa sa 400 porsiyento ng pederal na antas ng kahirapan, maaaring bayaran ng sentrong pangrehiyon ang mga ka-bayarin o ka-seguro kung kinakailangan upang mapanatili ang bata sa tahanan at naaangkop ang isa o higit pa sa mga sumusunod:

  1. May naganap na hindi pangkaraniwang mga pangyayari na makaapekto sa kakayahan ng mga magulang/katiwala/tagapag-alaga na mabayaran ang ka-bayarin o ka-seguro o matugunan ang pangangalaga at pangangasiwa ng mga pangangailangan ng bata.
  2. Isang mapaminsalang kawalan (mga bagay tulad ng mga natural na kalamidad o aksidente) na pansamantalang makaapekto sa kakayahan ng mga magulang/katiwala/tagapag-alaga o nasa wastong gulang na mamimili na magbayad ng ka-bayarin o ka-seguro.
  3. Makabuluhang medikal na gastos na hindi naibabalik na kaugnay sa bata o ng isa pang anak na isang mamimili sa sentrong pangrehiyon.3

Paano nalalaman ng sentrong pangrehiyon kung ano ang aking taunang kabuuang kita?

Dapat kang magbigay sa sentrong pangrehiyon ng kopya ng W-2 Pahayag ng Kita ng Kumikita (Wage Earner Statement), pahayag ng sahod, pahayag ng buwis sa kita sa estado o ibang katibayan ng kita.4 Dapat mong abisuhan ang sentrong pangrehiyon kapag nagkaroon ng pagbabago sa iyong kita na maaaring magresulta sa pagbabago sa pagiging karapatdapat.5

Ano ang mga pederal na antas ng kahirapan para sa 2014?

 

Mga Tao
sa Pamilya
48 Magkakadikit
na Estado at Distrito ng Columbia (D.C., District of Columbia)
400% ng Antas ng Kahirapan
1 $11,670 $46,680
2 15,730 62,920
3 19,790 79,160
4 23,850 95,400
5 27,910 111,640
6 31,970 127,880
7 36,030 144,120
8 40,090 160,360
Para sa bawat karagdagang
tao, magdagdag ng
4,060  

Paano ako makakahanap ng pederal na antas ng kahirapan para sa susunod na mga taon?

Maaari kang pumunta sa website na ito para sa impormasyon tungkol sa mga pederal na antas ng kahirapan: http://aspe.hhs.gov/poverty/index.cfm. Ang 400% ng pederal na antas ng kahirapan ay ang pederal na antas ng kahirapan na minultiplika sa 4.

Maaari bang tumulong ang sentrong pangrehiyon sa pagbayad ng aking mga kabawasang halaga sa ilalim ng Batas na Lanterman?

Oo, simula noong Hunyo 20, 2014, ang batas ay binago upang payagan ang mga sentrong pangrehiyon na magbayad para sa kabawasang halaga na nakabalangkas sa itaas.6

Nakasulat na Abiso ng Aksyon na Kinakailangang Ibigay ng Sentrong pangrehiyon

Kung humihiling ka ng serbisyo o suporta, tulad ng pagpopondo ng ka-bayarin, ang sentrong pangrehiyon ay may 15 araw upang magpasya kung i-aawtorisa o hindi ang serbisyo o suporta.7  Ang sentrong pangrehiyon pagkatapos ay may 5 araw upang ipadala ang abiso ng aksyon kung tatanggihan nila ang iyong kahilingan.8  Kung ikaw at iyong sentrong pangrehiyon ay hindi magkasundo sa pagbabago sa iyong kasalukuyang mga serbisyo, ang sentrong pangrehiyon ay dapat magbigay sa iyo ng abiso 30 araw bago ang magsimula ang pagbabago.9  Dapat magbigay sa iyo ang abiso ng sumusunod na impormasyon: 

  • ang aksyon na gagawin ng sentrong pangrehiyon;
  • ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa kung bakit ang senter ay gumagawa ng pasya nito;
  • ang dahilan para sa aksyon;
  • ang petsa ng pagkabisa; at
  • ang partikular na batas, regulasyon o patakaran na sumusuporta sa aksyon.10

Pagsampa para sa Pagdinig

Kung ikaw ay tumatanggap na ng serbisyo at ikaw ay hindi sumasang-ayon sa pasya ng sentrong pangrehiyon at gustong patuloy na matanggap ang serbisyo, dapat kang humilng ng makatarungang pagdinig sa loob ng 10 araw ng pagtanggap ng abiso.11  Kung hindi man, ang kahilingan ay dapat magawa sa loob ng 30 araw.12  

Iyong mga Karapatan sa Panahon ng Proseso ng Pagdinig

May karapatan ka na:

  • Makita ang iyong mga talaan sa sentrong pangrehiyon;
  • Dumalo at magbigay ng katibayan sa pamamagitan ng pagsabi o pagsulat.
  • Padaluhin ang iyong sariling pamilya, mga kaibigan, terapruta o doktor at magsalita para sa iyo.
  • Padaluhin ang isang abogado o tagapagtaguyod.
  • Magkaroon ng tagasalin ng wika kung ang iyong pangunahing wika ay maliban sa Ingles.

Maghanda para sa Iyong Pagdinig

  • Magtipon ng impormasyon na nagpapakita na kailangan mo ng mga serbisyo na gustong baguhin ng sentrong pangrehiyon.  Tiyakin na ang impormasyon na iyong ginagamit ay wasto at detalyadong nagpapaliwanag ng iyong pangangailangan.  Dagdag pa, maghanap ng mga taong handang pumunta sa iyong pagdinig at magsabi sa hukom kung bakit kailangan mo ng mga serbisyo.  Tiyakin na alam ng mga taong ito ang iyong mga pangangailangan.
  • Sa pagdinig, maaari kang mangatwiran na may karapatan ka na matugunan ang iyong mga pangangailangan upang matupad ang mga layunin at tunguhin ng iyong IPP at IFSP o ipaliwanag kung bakit natutugan mo ang eksepsyon o eksempsyon sa batas.

Para sa karagdagang mahalagang impormasyon sa kung paano mag-apela sa pasya ng sentrong pangrehiyon, basahin ang aming paglalathala na Pakete ng Pagdinig sa Sentrong pangrehiyon (Regional Center Hearing Packet) sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/F548401.pdf

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

  • 1. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon (Welfare ang Institutions Code) Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 2. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 3. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 4. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 5. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 6. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Sek. 4659.1(c) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 7. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4646(f) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 8. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4710(b) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 9. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4710 “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 10. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4701.  Ang impormasyon ay dapat ring nasa wikang naiintindihan mo. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 11. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4715. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
  • 12. Kodigo sa Kapakanan at mga Institusyon Seksyon 4710.5 (a) “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

 

 

Click links below for a downloadable version.