Paano Maging Iyong Sariling Payee – Factsheet

Paano Maging Iyong Sariling Payee – Factsheet
Ang ilang tao ay hindi magawang pangasiwaan ang kanilang perang nakukuha mula sa Social Security Administration (SSA) sanhi sa karamdaman o kapansanan. Kung gayon, pumipili ang SSA ng kamag-anak, kaibigan o iba pang tao upang maging kinatawang payee. Kilala rin ang mga ito bilang isang “rep payee.” Higit sa 8 milyong tao ang may rep payee. Maaari ka ring magkaroon ng isa.
Ang ilang tao ay hindi magawang pangasiwaan ang kanilang perang nakukuha mula sa Social Security Administration (SSA) sanhi sa karamdaman o kapansanan. Kung gayon, pumipili ang SSA ng kamag-anak, kaibigan o iba pang tao upang maging kinatawang payee. Kilala rin ang mga ito bilang isang “rep payee.” Higit sa 8 milyong tao ang may rep payee. Maaari ka ring magkaroon ng isa. Kung nagagawa mo nang pangasiwaan ang iyong sariling pera, kailangang sabihan ng iyong rep payee ang SSA na hindi mo na kailangan ng rep payee. Maaari mo ring hilingan ang SSA na maging iyong sariling payee.
Paano Maging Sariling Payee
Kung gusto mong maging sariling payee, tatanungin ka ng SSA para makasiguro na handa ka. Maaaring magkaiba-iba ang mga katanungan depende sa iyong lokal na tanggapan ng SSA. Tatanungin nila kung kaya mong:
- Magbayad para sa iyong sariling mga buwanang bill, tulad ng upa, medikal, telepono at/o internet;
- Pangasiwaan ang iyong sariling bank account o client/credit card;
- Natutugunan ang iyong mga pangunahing pangangailangan; at
- Masuportahan ng mga kaibigan o pamilya nang nakasulat tungkol sa iyong magagandang ugali sa paggasta.
Ano ang Iyong Kakailanganin para Maging Sariling Payee
Maaaring mayroon kang rep payee dahil sa kapansanang pisikal o hinggil sa pag-iisip. Para maging sarili mong payee, dapat mong ipakita sa SSA na kaya mo nang pangasiwaan ang iyong sariling pera.
Narito ang ilang halimbawa ng ebidensya na maaaring sumoporta sa iyong kahilingan:
- Sulat mula sa isang doktor na sinasabing maaari mong pangasiwaan ang iyong pera;
- Dokumento na sinasabi na naniniwala ang korte na kaya mong pangalagaan ang iyong sarili; o
- Iba pang ebidensya na ipinapakita ang iyong kakayahang pangalagaan ang iyong sarili.
- Sertipiko ng panggagamot sa pang-aabuso sa sustansya;
- Patunay ng nabayarang mga bill; at
- Mga sulat ng suporta mula sa mga tao na lubos kang kilala.
Tandaan: Maaaring sumang-ayon ang SSA na hindi mo na kailangan ng rep payee. Kung oo, maaari din nilang tignan sa kung nananatili kang karapat-dapat para sa mga kabayaran ng kapansanan.
Pagsisimula sa Proseso
Pakiramdam mo ba’y handa ka na maging iyong sariling payee? Maaari mong bisitahin ang iyong lokal na SSA Field Office para umpisahan ang proseso. Tawagan ang numero ng telepono ng National SSA sa 1-800-772-1213 para hanapin ang iyong Field Office. Maaari mo ring bisitahin ang Social Security Office Locator
Pinopondohan ang dokumentong ito sa pamamagitan ng kasunduan ng kaloob at gastos ng taxpayer ng Social Security. Bagaman nirerepaso ng Social Security ang dokumentong ito para sa katumpakan, hindi ito naghihirang ng opisyal na komunikasyon ng Social Security.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.