Paano Kang Matutulungan ng AIDS Medi-Cal Waiver na Makuha ang Pangangalaga na Kailangan Mo sa Bahay

Paano Kang Matutulungan ng AIDS Medi-Cal Waiver na Makuha ang Pangangalaga na Kailangan Mo sa Bahay
Ang publikasyong ito ay nagsasabi sa iyo tungkol sa HIV/AIDS Medi-Cal Waiver Program. Ang programa ay may mga serbisyo sa pamamahala ng kaso. Mayroon itong direktang mga serbisyo sa pangangalaga para sa mga taong may HIV/AIDS. Ang mga serbisyong ito ay sa halip na manirahan sa isang nursing home o ospital. Magagamit mo ito para tulungan kang manatili sa bahay. Magagamit mo ito para tulungan kang umuwi mula sa isang pasilidad. Ang publikasyon ay nagsasabi sa iyo kung sino ang karapat-dapat. Sinasabi nito sa iyo ang tungkol sa mga serbisyong makukuha mo.
Ano ang Programa na HIV/AIDS Medi-Cal Waiver?
Ang Programa na HIV/AIDS Medi-Cal Waiver (ang “AIDS Waiver”) ay nagkakaloob ng pangangasiwa ng kaso at direktang mga serbisyo sa mga taong namumuhay na may HIV/AIDS bilang isang alternatibo sa pangangalaga sa nursing facility o pagpapa-ospital. Maaari mong gamitin ang serbisyong ito para tulungan kang manatili sa bahay, o makauwi mula sa isang pasilidad.
Sino ang karapat-dapat?
Ang mga indibidwal na karapat-dapat ay dapat:
- Mayroong nakasulat na diyagnosis ng sakit na HIV o AIDS mula sa kanyang primary care provider; at
- May kalagayang nagiging karapat-dapat ang kalusugan para gawing angkop ang pangangalaga sa bahay; at
- Maging karapat-dapat sa Medi-Cal sa petsa ng pagpapatala at bawat buwan pagkatapos noon; at
- Mapatunayang natutugunan ang Lebel ng Pangangalaga ng Nursing Facility o mas mataas at iskor na 60 o mas mababa gamit ang kasangkapang Cognitive and Functional Ability Scale Assessment.
Anu-anong uri ng serbisyo ang nakalaan sa ilalim ng waiver na ito?
- Pangangasiwa ng kaso ng nurse at gawaing panlipunan
- Mga serbisyong pang-maybahay tulad ng paghahanda ng pagkain at palagiang ginagawang pangangalaga sa pamamahay, pamimili ng grocery, atbp.
- Pangangalaga ng tagapaglingkod
- Hindi lubhang mahalagang mga pisikal na pag-angkop sa bahay tulad ng mga rampa, barang hawakan, pagpapalapad ng mga pintuan, atbp.
- Isina-espesyal na kagamitang medikal/mga supply na pangmedikal
- Dalubhasang pangangalaga (nursing) – RN/LVN
- Psychotherapy
- Tulong hinggil sa pananalapi para sa mga bata/sanggol sa ampunan
- Pagpapayo hinggil sa nutrisyon
- Hindi emergency na transportasyong pangmedikal
- Mga pagkaing hinahatid sa iyong bahay
Karagdagang Impormasyon:
Ang mga serbisyo ng AIDS Waiver ay ipinagkakaloob nang walang gastos sa kliyente, gayunman ang mga indibidwal na may share of cost ng Medi-Cal ay dapat matugunan ang share of cost na iyon bawat buwan para maging karapat-dapat sa mga serbisyo. Mayroong $25,727 kada taong limit ng gastos na nagkabisa noong Enero 1, 2017.
Ang mga indibidwal ay MAAARING HINDI sabay-sabay na maitala o makatanggap ng mga serbisyo mula sa alinman sa mga sumusunod na programa: Medi-Cal Hospice Program; mga serbisyo ng pangangasiwa ng kaso ng State Plan; Pinupuntiryang pangangasiwa ng kaso para madagdagan ang AIDS Waiver; o iba pang Medi-Cal Home at Community-Based Services Waiver.
Ang mga indibidwal ay MAAARING sabay-sabay na maipatala sa Medicare Hospice.
Ang mga ahensya ng AIDS Waiver ay maaaring magkaloob ng karagdagang impormasyon hinggil sa pagkanararapat at mga serbisyo ng programa, pagpapatala, at ang direktang probisyon ng mga serbisyo ng pangangasiwa ng kaso ng isang nurse at social worker. Kung hindi ka karapat-dapat para sa AIDS Waiver, maaari kang maging karapat-dapat sa ibang programa sa loob ng parehong ahensya o sa pinagmulang ahensya nito. Para sa isang listahan ng mga ahensya ayon sa county tingnan sa ibaba. Para sa ibang mapagkukunan tingnan ang https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DOA/Pages/OA_care_mcwp.aspx.
Para sa impormasyon tungkol sa pagkuha ng mga Serbisyo ng AIDS Waiver, maaari mong tawagan ang ahensya ng iyong county, na nakalista sa ibaba. Kung kailangan mo ng impormasyon tungkol sa pag-a-apply para sa Medi-Cal, maaari kang pumunta sa http://www.dhcs.ca.gov/services/medi-cal/Pages/ApplyforMedi-Cal.aspx
MGA PROVIDER NG AIDS WAIVER
California Department of Public Health
Office of AIDS, HIV Care Branch
Mga Pinagsisilbihang County | Pangalan ng Ahensya | Address ng Ahensya | Telepono ng Ahensya |
---|---|---|---|
Alameda | AIDS Project of the East Bay | 8400 Enterprise Way Oakland, CA 94621 |
(510) 663-7979 |
Amador, Calaveras, Tuolumne | Sierra HOPE | 1168 Booster Way Angels Camp, CA 95222 |
(209) 736-6792 |
Butte, Colusa, Glenn, Shasta, Sutter, Tehama, Trinity, Yuba | Home and Health Care Management | 1398 Ridgewood Drive Chico, CA 95973 |
(530) 343-0727 |
Contra Costa | Contra Costa County Health Services Department | 597 Center Avenue Martinez, CA 94553 |
(925) 313-6740 |
El Dorado, Nevada, Placer | Sierra Foothills AIDS Foundation | 12183 Locksley Lane Auburn, CA 95602 |
(530) 889-2437 |
Lake, Mendocino, Sonoma | Community Care Management Corporation | 301 South State Street Ukiah, CA 95481 |
(707) 468-9347 |
Los Angeles | AIDS Healthcare Foundation | 1001 North Martel Avenue Los Angeles, CA 90046 |
(323) 436-5000 |
Los Angeles | AIDS Project Los Angeles | 611 South Kingsley Drive Los Angeles, CA 90005 |
(213) 201-1600 |
Los Angeles | AltaMed Health Services Corporation | 5427 E. Whittier Boulevard Los Angeles, CA 90022 |
(877) 462-2582 |
Los Angeles | Minority AIDS Project | 5149 West Jefferson Boulevard Los Angeles, CA 90016 |
(323) 936-4949 |
Los Angeles | St. Mary Medical Center | 1045 Atlantic Avenue Long Beach, CA 90813 |
(888) 509-2187 |
Los Angeles | Tarzana Treatment Centers | 7101 Baird Avenue Reseda, CA 91335 |
(888) 777-8565 |
Orange | AIDS Services Foundation | 17982 Sky Park Circle Irvine, CA 94621 |
(949) 809-5700 |
Riverside, San Bernardino | Desert AIDS Project | 1695 North Sunrise Way Palm Springs, CA 92262 |
(760) 323-4197 |
Sacramento, Yolo | Rx Staffing and Homecare, Inc. | 4640 Marconi Avenue Sacramento, CA 95821 |
(916) 485-8200 |
San Luis Obispo | Access Support Network | 130 Nipomo Street San Luis Obispo, CA 93401 |
(805) 781-3660 |
San Francisco | Westside Community Services | 1153 Oak Street San Francisco, CA 94117 |
(415) 431-9000 |
Santa Cruz | Santa Cruz County Health Services Agency | 1060 Emeline Avenue Santa Cruz, CA 95060 |
(831) 454-4313 |
Stanislaus | Stanislaus County Health Services Agency | 830 Scenic Drive Modesto, CA 95350 |
(209) 558-7000 |
Ventura | Ventura County Public Health Department | 3147 Loma Vista Road Ventura, CA 93003 |
(805) 652-6267 |
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.