Mga bagong Tuntunin para sa IHSS: Overtime at mga Kaugnay na Bayad

Mga bagong Tuntunin para sa IHSS: Overtime at mga Kaugnay na Bayad
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paanong naaapektuhan ng mga batas sa overtime ng pederal at estado ang mga provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) o ng Waiver Personal Care Services (WPCS) na nagtatrabaho nang higit sa 40 oras kada linggo.
Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paanong naaapektuhan ng mga batas sa overtime ng pederal at estado ang mga provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) o ng Waiver Personal Care Services (WPCS) na nagtatrabaho nang higit sa 40 oras kada linggo.
SINASABI NG BAGONG MGA TUNTUNIN NG PEDERAL AT MGA BATAS NG ESTADO NA ANG:
Ang mga provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) at Waiver Personal Care Services (WPCS) ay mababayaran ng overtime sa bayad na katumbas sa isa’t kalahati na imumultiplika sa regular na bayad ng orasang pasahod, kapag ang oras ng kanilang trinabaho ay lalampas sa 40 oras kada workweek (linggo ng trabaho).
- Hindi naaangkop ang pang-araw-araw na overtime
- Mababayaran na ngayon ang mga provider ng IHSS, sa ilalim ng ilang pagkakataon, para sa oras ng paghihintay na nauugnay sa pagsama sa mga medikal na appointment o alternatibong mga pook ng pinagkukunan, tulad ng mga center ng may sapat na gulang sa araw. (Manual of Policies and Procedures (“MPP”) § 30-757.15; All-County Letter 17-42 (“ACL 17-42”) Paglilinaw sa Pagpapahintulot ng Medikal na Pagsama sa Programa ng IHSS, available i-download sa http://www.cdss.ca.gov/Portals/9/ACL/2017/17-42.pdf?ver=2017-06-26-111014-097.
- Ang mga provider ng IHSS na nagtatrabaho nang higit sa isang tumatanggap sa iba’t ibang lokasyon sa parehong araw ng trabaho ay maaaring mabayaran para sa ginugol na oras sa pagbiyahe sa pagitan ng dalawang tumatanggap, hanggang sa 7 oras kada workweek.
ANO ANG OVERTIME AT PAANO ITO KINAKALKULA?
- Sa unang pagkakataon, ang pinakamataas na mga oras ng consumer ng IHSS ay kakalkulahin ayon sa linggo at buwan (gamit ang 4 na linggong kada buwan). Walang pagbabago sa kabuuang halaga ng pagpahintulot ng consumer
- Ang pinakamataas na lingguhang mga oras ay 283 ÷ 4 = 70.75
Halimbawa: Pinapahintulutan ang consumer para sa 260 oras ng IHSS kada buwan. 260 ÷ 4 = pinakamataas na 65 oras/linggo. Karapat-dapat ang provider hanggang sa 25 oras ng overtime kada linggo.
- Ang pinakamataas na lingguhang mga oras ay 283 ÷ 4 = 70.75
- Dapat ikalat ng mga consumer ang kanilang mga oras sa buong buwan, gaano man karaming mga araw sa buwan, at hindi maaaring lumampas sa kanilang buwanang pinahintulutangmga oras.
- Workweek (Linggo ng Trabaho): Ang “workweek” ng IHSS ay tinukoy sa kautusan at mag-uumpisa nang 12:00 a.m. sa Linggo, kasama ang magkakasunod na 168 oras (24 na oras x 7 araw), at magtatapos nang 11:59 p.m. sa susunod na Sabado
- Binabayaran ang overtime nang 1 ½ na imumultiplika sa regular na orasang sahod.
- Halimbawa: Kung ang sahod ng IHSS ay $10/hr: Nagtrabahong provider nang 50 oras sa isang linggo, makatatanggap siya ng $10/hr sa 40 ng mga oras na iyon, at $15/hr para sa 10 oras sa linggong iyon.
Para sa karamihan ng consumer, ang mga bagong limit na ito ay hindi magbabago kung paanong gumagana ang mga bagay ngayon.
ANONG TRABAHO ANG NABIBILANG TUNGO SA OVERTIME?
- Ang estado ang employer ng lahat ng provider ng IHSS para sa layunin ng pagkakalkula ng overtime. Kasama sa kabuuang lingguhang mga oras ng provider ang:
- Lahat ng oras na trinabaho para sa lahat ng consumer kung nagtatrabaho ang provider sa higit sa isang consumer.
Halimbawa: Ang provider na si Peter ay nagtatrabaho nang 25 oras kada linggo para sa Consumer na si John at 33 oras kada linggo para sa Consumer na si Sam. Ang kabuuang lingguhang mga oras ni Peter ay 58. Makakukuha siya ng 18 oras kada linggo ng overtime.
- Lahat ng oras na trinabaho para sa lahat ng consumer kung nagtatrabaho ang provider sa higit sa isang consumer.
- Ang IHSS at Waiver Personal Care Services (WPCS) ay ipinagsasama.
Halimbawa: Ang Consumer na si Sally ay tumatanggap ng IHSS at nasa Home & Community-Based Alternatives Waiver (dating kilala bilang ang Waiver ng Nursing Facility/Acute Hospital (“NF/AH”)). Ang provider na si Danielle ay nagtatrabaho para kay Sally na nagbibigay nang 30 oras kada linggo ng IHSS at 30 oras kada linggo ng WPCS. Ang kabuuang lingguhang mga oras ay 60. Si Danielle ay nakakakuha nang 20 oras kada linggo ng overtime. - Mga oras ng IHSS and Supported Living Services (SLS):
- Hindi ipinagsasama ng California Dept. of Social Services ang mga oras ng SLS at IHSS sa time shet ng IHSS o tungo sa lingguhan o buwanang pinakamataas ng IHSS. Mayroong katanungan tunkol sa kung pagsasamahin ang mga oras ng SLS at IHSS para sa kabayaran ng overtime sa hinaharap.
PAANONG NAAAPEKTUHAN NG BAGONG MGA TUNTUNIN NG MGA ORAS NG PROVIDER ANG MGA CONSUMER? 5 PARAAN
- Pagkalkula ng Overtime: Ang buwanang mga oras ay hahatiin sa 4 para malaman ang lingguhang alokasyon ng pinakamataas. Ipakikita ng mga timesheet ang mga oras na trinabaho sa bawat workweek. Walang pagbabago sa kabuuang buwanang pagpapahintulot ng mga oras. Ang tumatanggap at ang kanyang provider ay tatanggap ng Abiso ng Pinakamataas na Lingguhang mga Oras (Notice of Maximum Weekly Hours) (SOC 2271A o 2271). Ang mga dokumentong ito ay dapat gamitin para makatulong maitatag ang lingguhang schedule ng trabaho ng (mga) provider.
- Limitasyon ng Workweek para sa mga Provider Na Nagtatrabaho para sa Isang Consumer:
- Ang provider na nagtatrabaho para sa isang consumer ay hindi maaaring magtrabaho nang higit sa 70 oras at 45 minuto kada linggo para sa pinagsamang IHSS at/o WPCS. (Welf & Inst. Code § 12300.4.)
Halimbawa: Si Bernice ay pinapahintulutan sa 283 oras ng IHSS kada buwan. Ang kanyang lingguhang pamamahagi (allotment) ay 70.75 oras. Ang ina ni Bernice, si Elsie, ay ang kanyang tanging provider, at hindi nagtatrabaho si Elsie para sa sinumang ibang consumer ng IHSS. Makatatanggap si Elsie ng overtime para sa mga oras na higit sa 40 kada linggo, hanggang sa isang pinakamataas na 30.75/linggo x 4 na linggo = 123/buwan. - At saka, hindi maaaring magtrabaho si Elsie nang higit sa 283 oras kada buwan – pinakamataas ni Bernice. Dapat ikalat ni Bernice ang mga oras ni Elsie sa buong buwan, na palagi niyang ginagawa.
- Maaaring itama ni Bernice ang mga oras ni Elsie; maaaring magtrabaho si Elsie nang lampas sa 70.75 oras kada linggo hangga’t ang kanyang kabuuang overtime sa isang buwan ay hindi lalampas sa 123 oras.
- Ang provider na nagtatrabaho para sa isang consumer ay hindi maaaring magtrabaho nang higit sa 70 oras at 45 minuto kada linggo para sa pinagsamang IHSS at/o WPCS. (Welf & Inst. Code § 12300.4.)
- Mga limitasyon ng Workweek para sa mga Provider ng Maramihang Consumer:
- Ang mga provider na nagtatrabaho para sa higit sa isang consumer ay hindi maaaring magtrabaho nang higit sa 66 na oras kada linggo para sa ipinagsamang IHSS at/o WPCS, maliban lang kung ang mga ito ay naaprobahan para sa Eksemsiyon 1 o 2 ng IHSS o sa eksemsiyon ng WPCS. (Welf. & Inst. Code §§ 12300.4(d)(3)(A)-(B); 14132.99(d)(1)(B)(2).
- Ang mga provider na may eksemsiyon ay maaaring lumampas sa 66-na oras na limit hanggang sa isang pinakamataas na 360 oras kada buwan. Para sa higit na impormasyon sa mga eksemsiyon ng IHSS at WPCS, tingnan ang publikasyon na #5603.08 Kamakailan Lang na mga Pagbabago sa IHSS at mga Eksemsiyon ng Workweek ng WPCS para sa mga Provider. Ang bawat provider ay dapat paalaman ang bawat consumer kung kanino siya nagtatrabaho sa dami ng mga oras na available ang provider para magtrabaho para sa consumer na iyon. (Welf. & Inst. Code § 12300.4(b)(4)(A)).
- Ang mga Consumer na may maraming provider ay dapat magsumite ng IHSS Program Recipient and Provider Workweek Agreement (SOC 2256) para makapagtatag ng schedule ng trabaho na tatalima sa pinakamataas na lingguhang mga oras ng tumatanggap. Ang isusumiteng kasunduan ay dapat malagdaan ng tumatanggap at ng bawat isa ng kanyang mga provider.
Halimbawa: Ang provider na si Paula ay nagtatrabaho para sa dalawang consumer—nagbibigay siya ng mga serbisyo sa 30 oras kada linggo para sa isang consumer, at 40 oras kada linggo para sa iba. HINDI maaaring magpatuloy magtrabaho si Paula nang 70 oras kada linggo; maaari lamang siyang magtrabaho nang 66 na oras kada linggo, na ipinagsama, maliban lang kung naaprobahan siya para sa isang eksemsiyon. Ang isa o parehong consumer ay kailangang makahanap ng iba pang provider para sa 4 na oras kada linggo na hindi maaaring trabahuhin ni Paula.
- Waiver Personal Care Services (WPCS): Ang mga provider para sa Home and Community-Based Alternatives Waiver (dating kilala bilang ang Waiver ng Nursing Facility/Acute Hospital (“NF/AH”) o mga kalahok o aplikante ng In-Home Operations Waivers ay sasailalim sa lingguhang 66-na oras na pinakamataas o 70 oras at 45 minuto, maliban lang kung sila ay pinahintulutan para sa isang eksemsiyon ng WPCS. Ipinagsasama ang WPCS sa IHSS para sa mga layunin ng pagkakalkula ng overtime
- Ang provider ng WPCS (o parehong IHSS at WPCS) na naaprobahan para sa isang eksemsiyon ay maaaring magtrabaho nang hanggang sa isang kabuuang 12 oras kada araw, at hanggang sa 360 oras kada buwan para sa ipinagsamang IHSS at WPCS. (Welf. & Inst. Code § 14132.99(d)(1)(B)(2)).
- Pagtatama ng Lingguhang mga Oras: Paminsan-minsan, maaaring kinakailangan para sa isang tumtanggap na pahintulutan ang kanyang provider na magtrabaho nang higit sa pinakamataas na lingguhang mga oras ng tumatanggap na tinukoy sa SOC 2271A.
MAAARI KO BANG ITAMA ANG MGA ORAS NG AKING TRABAHADOR?
Kapag Napasimulan ang Walang Overtime
Maaaring pahintulutan ng consumer ang provider na magtrabaho nang higit sa pinakamataas na lingguhang mga oras ng consumer nang hindi humihiling ng pag-aproba mula sa county hangga’t natatrabaho ang mga oras:
- Hindi magreresulta sa provider na magtatrabaho nang higit sa 40 oras sa isang workweek kapag pinapahintulutan ang consumer para sa 40 oras o mas mababa sa isang workweek; O
- Hindi magreresulta sa isang provider na tatanggap nang higit sa overtime kaysa sa karaniwan niyang trinatrabaho sa isang buwan ng kalendaryo;*
AT
- Hindi magreresulta sa isang provider, na nagtatrabaho sa maramihang consumer, na nagtatrabaho nang higit sa 66 oras kada linggo.
*Hindi sumasang-ayon ang DRC sa interpretasyon ng kautusang ito.
TANDAAN: Sa mga kaso na maraming provider ang consumer, at nagkasakit ang isa sa mga provider at hindi makapagtatrabaho, maaaring magtalaga ang consumer nang ilan o lahat ng kanyang lingguhang mga oras sa iba pang provider, kahit na makalikha ito ng overtime para sa isang trabahador na hindi karaniwang nagtatrabaho nang overtime. (All-County Letter 16-01 (“ACL 16-01”) sa ¶ 3 sa pahina 8, available para i-download sa http://www.cdss.ca.gov/lettersnotices/entres/getinfo/acl/2016/16-01.pdf.)
Kapag Napasisimulan ang Overtime
Kung kinakailangan ng tumatanggap na magtrabaho ang kanyang provider nang higit sa kanilang pinakamataas na lingguhang mga oras at hindi matutugunan ng isasagawang trabaho ang isa sa pamantayan sa itaas, dapat eksemsiyon ang tumatanggap para pahintulutan ang provider na makapagtrabaho nang overtime, o marami pang karagdagang overtime. Ang eksemsiyon ay tinutukoy bilang isang kahilingan ng isang tumatanggap ng IHSS sa isang county para pahintulutan ang tumatanggap na itama ang kanyang pinakamataas na lingguhang mga oras para pahintulutan ang kanyang provider na magtrabaho ng mga karagdagang oras sa panahon ng partikular na workweek, na maaaring magsanhi sa provider na magtrabaho at mabayaran para sa karagdagang mga oras ng overtime sa loob ng isang buwan ng kalendaryo. (Tingnan ang ACL 16-01 sa ¶ 4 sa pahina 9.) Dapat isaalang-alang ng mga county ang sumusunod na pamantayan sa pagpapasya kung aaprobahan man o hindi ang eksemsiyon:
- Ang karagdagang mga oras ay kinakailangan para matugunan ang hindi inaasahang pangangailangan;
- Ang karagdagang mga oras ay nauugnay sa isang madaliang pangangailangan na hindi maaaring ipagpaliban hanggang sa pagdating ng isang back-up na provider (gaya nang itinalaga sa SOC 827); at
- Ang karagdagang mga oras ay dapat kaugnay sa isang pangangailangan na magkakaroon ng direktang epekto sa tumatanggap ng IHSS at kakailanganin para matiyak ang kanyang kalusugan at/o kaligtasan.
Maaaring hilingin ng consumer ang eksemsiyon bago o pagkatapos mangyari ang pagbabago ng schedule. Hindi ipagkakait nang hindi makatwiran ng departamento ng kapakanan ng county ang pag-aproba ng isang kahilingan ng consumer. Ang county ay maaari ring gumawa ng pagtatama para sa isang pangangailangan na mauulit, tulad ng regular na medikal na appointment.
- Sa bawat taunang pagtatasa, maaaring sabihan ng consumer ang social worker tungkol sa anumang pangangailangan para maitama ang lingguhang mga oras. Maaari ring magpahintulot ang county ng pagtatama sa lingguhang mga oras sa ibang pagkakataon.
Halimbawa: Ang Consumer na si Rita ay may trangkaso at kailangan magtrabaho ang kanyang trabahador nang ekstra sa ikalawang linggo ng buwan. Ang kanyang trabahador ay kadalasang nagtatrabaho nang 38 oras kada linggo, ngunit sa linggo nang may sakit si Rita, ang kanyang trabahador ay nagtatrabaho nang 44 na oras. Maaaring tawagan ni Rita ang county (habang o pagkatapos trabahuhin ang mga oras) at humingi ng pag-aproba ng overtime. Dapat itama ni Rita ang mga oras ng kanyang trabahador para hindi siya magtatrabaho nang marami pang buwanang mga oras kung saan ay pinapahintulutan siya.
Halimbawa: Ang Consumer na si Andrew ay may 138.5 oras kada buwan, o 34.6 lingguhang mga oras ng IHSS. Gusto ni Andrew na magtrabaho ang provider nang 38 oras sa unang linggo ng buwan at 26 na oras sa susunod na linggo. Hindi kailangan ni Andrew na kumuha ng pahintulot para ilipat ang mga oras sa sarili niyang schedule dahil hindi magdudulot ng overtime ang pagbabago.
Halimbawa: Ang parehong Consumer na si Andrew na nakakukuha nang 138.5 oras kada buean, o 34.6 na lingguhang mga oras ng IHSS, ay gustong pagtrabahuhin ang kanyang provider nang 42 oras sa unang Linggo at 22 sa pangalawang Linggo. Kailangan niyang hilingan ang county para sa isang eksemsiyon dahil ang kanyang kahilingan ay magdudulot sa kanyang provider na magtrabaho nang 2 oras ng overtime sa unang Linggo.
Halimbawa: Ang Consumer na si Carla ay nakakukuha nang 186 na oras kada buwan, o 46.5 oras kada linggo ng IHSS. Karaniwang nakakukuha ang kanyang povider nang 26 na oras kada buwan ng overtime. Maaari niyang baluktutin ang kanyang lingguhang mga oras para makapagtatrabaho ang kanyang provider nang higit sa 46 na oras sa ilang linggo at mas kaunti sa iba, hangga’t ang netong overtime ay hindi hihigit sa 26 na oras kada buwan.
Tandaan: Sa mga halimbawa sa itaas, kung magtatrabaho ang provider sa ibang consumer, hindi maaaring pahintulutan ng consumer ang provider na magtrabaho nang higit sa 66 na oras kada linggo sa kabuuan (o 90 oras kada linggo na may eksemsiyon).
ANONG MANGYAYARI SA KLIYENTE NG SENTRONG PANGREHIYON KUNG MAGDUDULOT ANG OVERTIME NG PAGKAWALA NG MGA SERBISYO?:
Ang mga consumer ng Sentrong Pangrehiyon ay dapat pumunta sa isang pulong ng Individualized Program Plan (“IPP”) kung ang kabayaran ng overtime ay mangangahulugan na mawawala sa kanila ang supported living services (“SLS”) o mga provider.
Posisyon ng DRC na dapat palaging may paraan para makakuha ng isinaindibiduwal na eksemsiyon mula sa Sentrong Pangrehiyon para magbayad ng overtime kung kinakailangan dahil, bilang halimbawa:
- May mga kaugnayan ang consumer sa mga provider na ang pagkawala ay makasasama sa consumer;
- Mayroong 24-na oras na mga pangangailangan ang consumer at/o pangangailangan para sa mas kakaunting pag-iiba sa mga kawani, atbp.
- Kahit na hindi makatanggap ang consumer ng SLS, maaaring pumunta ang consumer sa Sentrong Pangrehiyon para sa karagdagang tagapaglingkod ng pangangalaga, pamamahinga, o iba pang serbisyo para pumuno sa nawalang mga serbisyo sanhi sa overtime (hal., kung hindi pa rin sapat ang eksemsiyon ng workweek para matugunan ang mga pangangailangan).
MGA EKSEMSIYON NG IHSS AT WPCS
Ang mga taong magiging karapat-dapat para sa eksemsiyon ay maaaring magtrabaho nang hanggang 90 oras kada linggo at 360 oras kada buwan. Para sa malalim na pagpapaliwanag ng mga eksemsiyon na ito, tingnan ang publikasyon #5603.08 Mga pagbabago Kamakailan Lang sa mga Eksemsiyon sa Workweek para sa mga Provider ng In-Home Supportive Services (IHSS) at Waiver Personal Care Services (WPCS), ay available para i-download.
Eksemsiyon 1 ng IHSS (dating Eksemsiyon ng Pamilya):
Ang Eksemsiyon 1 ay available para sa mga provider na natutugunan ang LAHAT ng sumusunod na mga kundisyon sa o bago sa Enero 31, 2016:
- Magbigay ng mga serbisyo ng IHSS sa dalawa o higit pang tumatanggap ng IHSS; at
- Manirahan sa parehong bahay gaya nang lahat ng tumatanggap ng IHSS kung saan sila nagbibigay ng mga serbisyo; at
- Ay mga may kaugnayan sa mga tumatanggap ng IHSS kung kanino sila nagbibigay ng mga serbisyo bilang kanyang magulang, biyenan, magulang na umampon, lolo’t lola, legal na tagapag-alaga, o tagapag-ingat. (Welf. & Inst. Code § 12300.4(d)(3)(A)(i)-(iii)).
Eksemsiyon 2 ng IHSS (dating Eksemsiyon ng Pambihirang mga Pagkakataon):
Ang mga provider na nagbibigay ng mga serbisyo sa dalawa o higit pang tumatanggap ng IHSS ay karapat-dapat para sa Eksemsiyon 2 kung ang bawat tumatanggap ay mayroong kahit ISA sa sumusunod na mga pagkakataon na inilalagay ang tumatanggap sa malalang panganib ng pagpapalagay sa pangangalaga sa labas ng bahay kung hindi maibibigay ng provider ang mga serbisyo:
- May masalimuot na medikal at/o hinggil sa pag-uugaling mga pangangailangan na dapat matugunan ng isang provider na naninirahan sa parehong bahay bilang tumatanggap; O
- Naninirahan sa isang panlalawigan o malayong lugar kung saan limitado ang mga provider, at bilang isang resulta, hindi makaupa ang tumatanggap ng isa pang provider; O
- Hindi kayang umupa ng isa pang provider na hindi nakapagsasalita sa parehong wika gaya nang sa tumatanggap, at bilang isang resulta, hindi mapamahalaan ng tumatanggap ang sarili niyang pangangalaga. (Welf. & Inst. Code § 12300.4(d)(3)(B)(i)-(iii)).
Mga Eksemsiyon ng Waiver Personal Care Services:
Ang mga provider para sa Waiver ng Home and Community Based Services (HCBS) (dating kilala bilang ang Waiver ng Nursing Facility/Acute Hospital (NF/AH)) o waiver ng mga kalahok o aplikante ng In-Home Operations (IHO), na mga nakatala sa alinman sa waiver noon o bago sa Enero 31, 2016, at kung saan ay ang mga medikal o hinggil sa pag-iisip na pangangailangan ay kailangang maibigay ang mga serbisyong iyon ng humihiling na provider, ay mga karapat-dapat para sa eksemsiyon ng WPCS kung ang ALINMAN sa mga sumusunod na pagkakataon ay umiiral:
- Naninirahan ang provider sa parehong bahay gaya ng sa aplikante o kalahok ng waiver, kahit na hindi miyembro ng pamilya ang provider; O
- Kasaluluyang nagbibigay ng pangangalaga ang provider sa kalahok ng waiver, at ginagawa na sa dalawa o higit pang mga taon nang tuluy-tuloy; O
- Hindi kayang humanap ng lokal na caregiver ang aplikante o kalahok ng waiver ng nakapagsasalita ng parehong wika gaya nang sa aplikante o kalahok, at bilang isang resulta, hindi nila kayang pamahalaan ang sarili niyang pangangalaga. (Welf. & Inst. Code § 14132.99(d)(1)(A)).
Mangyaring tandaan na ang provider ng IHSS o WPCS (o pareho) na ginagawaran ng eksemsiyon ay maaaring magtrabaho nang hanggang sa isang kabuuan na 12 oras kada araw, at hanggang sa 360 oras kada buwan na ipinagsama para sa IHSS at WPCS na kanyang ibinibigay, na hindi lalampas sa bawat buwanang pinapahintulutang mga oras ng mga kalahok ng waiver.
MAGKAKAROON BA NG PARUSA KUNG HINDI SUSUNDIN NG AKING PROVIDER ANG BAGONG MGA TUNTUNIN?
- Ang mga paglabag na natamo ng isang provider sa pagsusumite ng mga timesheet na inuulat ang mga oras na lumampas sa mga limit ng workweek sa panahon ng proseso ng referral at pagsusuri ng Eksemsiyon 2 ay ipawawalang-bisa nang walang pagtatangi kung naaprobahan man o hindi ang provider o natuklasang hindi karapat-dapat para sa eksemsiyon. (All-County Letter 17-13 (“ACL 17-13”) available sa http://www.cdss.ca.gov/Portals/9/ACL/2017/17-13.pdf?ver=2017-04-07-144620-147, sa ¶ 1 sa pahina 9.
- Tinatasa ang mga paglabag sa isang APAT NA YUGTONG PROSESO:
- Unang paglabag: makatatanggap ang consumer at provider ng nakasulat na babala
- Pangalawang paglabag: makatatanggap ang consumer at provider ng nakasulat na babalang abiso Makatatanggap ang provider ng mga materyales hinggil sa tagubilin at maaaring maiwasan ang paglabag sa pamamagitan ng paglagda ng abiso na tinatanggap na nabasa niya at naunawaan ang materyales.
- Ikatlong paglabag: 3-buwang suspensyon para sa provider
- Ikaapat na paglabag: isang taong suspensyon para sa provider
- Pagtatapos: Maaaring tapusin ng State Department of Social Services o ng county ang isang provider sa pagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng programa ng IHSS kung patuloy na lalabagin ng provider ang mga limitasyon ng mga tuntunin sa maraming okasyon.
ANO PA ANG KAILANGAN KONG MALAMAN TUNGKOL SA BAGONG MGA TUNTUNIN?
- Oras ng biyahe: Mababayaran ang mga trabahador para sa oras ng biyahe sa pagitan ng mga consumer sa parehong araw. Hindi maaaring mabayaran ang mga trabahador para sa biyaheng higit sa 7 oras kada linggo. Ang oras ng biyahe ay hindi maibabawas sa mga oras ng serbisyo ng consumer. Para sa higit na impormasyon sa oras ng biyahe, tingnan ang publikasyon #5607.08 IHSS Mga oras sa Paghihintay at Biyahe ng Provider.
- Oras ng paghihintay: Maaaring mabayaran ang trabahador sa pagsama sa consumer sa isang medikal na appointment kung “naka-duty” ang trabahador – hal. Kailangang manatili ng trabahador dahil sa anumang sandali dapat tulungan ng provider ang consumer na makabalik sa bahay. Idadagdag ang mga oras sa pagtatasa para masaklawan ito ngunit ang 283 oras na pinakamataas ay mananatili. Para sa higit na impormasyon sa oras ng biyahe, tingnan ang publikasyon #5607.08 IHSS Mga oras sa Paghihintay at Biyahe ng Provider.
ANO NA NGAYON?
- Ang sumusunod na All-County Letters ay maaaring makatulong sa iyo:
- Sinasaklawan ng ACL 16-01 ang bagong mga tuntunin at form, kabilang ang pagpapatupad ng overtime, oras ng paghihintay, kabayaran sa oras ng biyahe, sa http://www.cdss.ca.gov/lettersnotices/entres/getinfo/acl/2016/16-01.pdf.
- Nililinaw ng ACL 17-42 ang mga patakaran at pamamaraang nauugnay sa pagpapahintulot sa oras ng paghihintay para sa pagsama sa mga medikal na appointment, sa http://www.cdss.ca.gov/Portals/9/ACL/2017/17-42.pdf?ver=2017-06-26-111014-097.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.