Mahalagang mga Pagbabagong Darating sa Medi-Cal sa Disyembre 2020 para sa Maraming Edad 65 o Mas Matanda at mga Taong May mga Kapansanan

Mahalagang mga Pagbabagong Darating sa Medi-Cal sa Disyembre 2020 para sa Maraming Edad 65 o Mas Matanda at mga Taong May mga Kapansanan
Tinutukoy ng publikasyong ito ang mga pagbabago at update na kailangang malaman ng mga tagapagtaguyod tungkol sa matanda, bulag, at may kapansanan na FPL Medi-Cal Exapansion simula Disyembre ng 2020.
Ang mapagkukunang ito ay ginawa ng Health Consumer Alliance.
Simula sa Disyembre 1, 2020, ang Medi-Cal ay mayroong mas mataas na limit ng kita para sa mga taong nasa “Aged & Disabled” na Medi-Cal Program. Nangangahulugan ito na maaari mong makuha o panatilihing libre ang Medi-Cal kapag kumita ka ng mas maraming pera. Narito ang luma at bagong mga limit ng kita:
Laki ng sambahayan | Nakaraang Limitasyon sa Buwanang Kita | Disyembre 1, 2020 Limitasyon | Pagkakaiba |
---|---|---|---|
1 | $1,294 | $1,468 | + $174 |
2 | $1,747 | $1,983 | + $236 |
Paano ito Makaaapekto sa Akin?
Kung mayroon kang share of cost na $848 o mas mababa (o $1,030 o mas mababa para sa mga mag-asawa), dapat kang maging karapat-dapat para sa libreng Medi-Cal sa Disyembre. Dapat kang awtomatikong malipat sa libreng Medi-Cal, ngunit kung hindi mangyayari iyon kontakin ang iyong county o kontakin ang iyong lokal na Health Consumer Center gamit ang numero sa ibaba.
Ang bagong buwanang limit ng kita ay basehan lang ng kita. Tataas ito nang bahagya tuwing Abril. Maaari mo pa ring ibawas ang ilang uri ng kita at mga bagay tulad ng mga premium ng health insurance at bahagi ng iyong kita sa trabaho.
Bagong Pagpapasimple ng mga Tuntunin:
At saka umpisa sa Disyembre, kung lilipat ka at lalabas sa libreng Medi-Cal batay sa kung babayaran ng estado o babayaran mo ang premium ng iyong Part B ng Medicare, mapapanatili mo ang librreng Medi-Cal. Aalisin ng estado ang nakalilitong tuntunin na ito na kinakalkula ang kita nang magkaiba batay sa kung ikaw man o estado ang magbabayad sa premium.
Tawagan ang isang Health Consumer Center sa anumang oras sa 1-888-804-3536 kung mayroon ka pang mga katanungan o kailangan ng tulong. Maaari ka rin pumunta sa www.healthconsumer.org.
Tingnan din ang aming nauugnay na mapagkukunan: Ano ang Kailangang Malaman ng Mga Tagapagtaguyod Tungkol sa Matanda, Bulag at May Kapansanan na FPL Medi-Cal Expansion Simula Disyembre 2020
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.