In-Home Supportive Services: Mga aktibidad ng Laban-sa-Pandaraya

Publications
#F008.08

In-Home Supportive Services: Mga aktibidad ng Laban-sa-Pandaraya

Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang mga aksyon na maaaring gawin ng kawani ng In-Home Supportive Services (IHSS) ng county para maiwasan ang pandaraya at matiyak na tanging mga karapat-dapat na tumatanggap ng IHSS ang makatatanggap ng mga serbisyo at tanging mga serbisyo kung saan sila nararapat.

I.  Background

Bilang tugon sa mga bagong kinakailangan na binalak para maiwasan ang pandaraya at mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng tumatanggap, bumuo ang CA Department of Social Services (CDSS) ng magkakaparehong pang-estadong mga protokol para sa mga unannounced home visit (hindi inanunsyong pagbisita sa bahay), na idiniderekta ang mga pagme-mail sa mga provider ng IHSS, pag-fingerprint at mga pagsuri sa background, at mga pagbabago sa mga timesheet.  (WIC Sections 12305.7(e)(2), 12305.7(h), 12305.71(c)(3), 12305.71(c)(5), 12305.82).  Ang bawat county ay bumuo ng sarili nitong mga patakaran at pamamaraan na inaaksyunan kung paano nila ipatutupad ang magkakaparehong pang-estadong mga protokol.

II.  Ano ang Pandaraya sa IHSS?

Ang pandaraya sa IHSS ay isang sadyang tangka ng ilang provider, at sa ilang kaso ay mga tumatanggap, para makatanggap ng mga hindi pinahintulutang kabayaran o benepisyo mula sa programa.  Ang pandarayang ito ay maaring maging kahit anong anyo, ngunit ang pinakakaraniwan ay kinabibilangan ng mga provider na sadyang nagbi-bill para sa mga serbisyo na hindi isinagawa o nagbi-bill para sa pangangalaga sa maraming tumatanggap kaysa sa talagang kanilang pinagsisilbihan.

III.  Mga protokol para Maiwasan ang Pandaraya sa IHSS

a.  Idinirektang Pagme-mail sa mga Provider

Ang mga nakasulat na abiso ay maaaring i-mail sa mga provider na: nagke-claim ng sobra-sobrang oras ng mga serbisyo kada buwan; nagtatrabho sa higit sa isang tumatanggap; paiba-ibang pagsusumite ng mga timesheet; labis na paghiling ng mga kapalit na timesheet; mga tumatanggap mismo ng IHSS; o ipinadadala ang mga paycheck ng kanilang IHSS sa isang address sa labas ng estado.  Ibinibigay ng mga abiso ang dahilan na natatanggap ng provider ang abiso (yan ay isa sa mga alalahanin sa integridad ng programa sa itaas), paalaman ang mga provider ng mga naaangkop na tuntunin ng IHSS at mga kinakailangan, at ipinapahiwatig ang mga kahihinatnan sa hindi pagsunod sa mga ito.  (WIC Section 12305.71)

b.  Mga Unannounced Home Visit (UHVs)

Ang UHV ay isang hindi naka-schedule na pagbisita na isinasagawa ng sinanay na kawani ng IHSS sa bahay ng ilang mataas ang panganib na mga tumatanggap ng IHSS.  Ang petsa at oras ng pagbisita ay hindi iaanunsyo sa tumatanggap o provider.  Sa pagbisita, beberipikahin ng kawani ng county ang pagtanggap at kalidad ng mga serbisyo, beberipikahin ang kapakanan ng tumatanggap, at dagliang tatalakayin ang anumang alalahanin sa mga tumatanggap.  Kung hindi magagawa, hindi available, o hindi gustong lumahok ng tumatanggap sa isang UHV, kailangang mag-follow up ang county nang kahit dalawa pang tangkang pagbisita, kahit dalawang tawag sa telepono, at isang sulat sa susunod na 45 hanggang 60 araw.  (WIC Section 12305.71(c)(3)).

c.  Pinabuti, Pang-estadong Koordinasyon sa Pagtuklas at Pagpigil sa Pandaraya

Ang CDSS, ang Department of Health Care Services (DHCS), ang Department of Justice (DOJ), mga departamento ng kapakanan ng county, mga tanggapan ng abogado ng distrito ng county, at anumang ahensyang kasama sa programa ng IHSS at/o pagtuklas o pagpigil sa pandaraya at magtutulungan sa mga referral ng pandaraya at mga imbestigasyon.  Kung matukoy ang insidente ng pinanghihinalaang pandaraya, dapat magsumite ang kawani ng county ng form ng Complaint of Suspected Fraud (SOC 2248) sa itinalagang kawani para repasuhin ang reklamo at pagpasyahan kung ito ay nagiging isang referral ng pandaraya o hindi.  Ang mga referral ng pandaraya ay ipinapadala sa isang ahensya ng nagpapatupad na batas para sa imbestigasyon ng pandaraya.  (WIC Section 12305.82)

d.  Pag-fingerprint at Pagsisiyasat ng Kriminal na Karanasan para sa mga Provider

Ang lahat ng provider ay kailangang makuhanan ng fingerprint at dumaan sa proseso sa pagsisiyasat ng kriminal na background. 

e.  IHSS Provider Enrollment Agreement (Kasunduan ng Pagpapatala ng Provider ng IHSS)

Ang mga provider ay kailangang magsumite ng Provider Enrollment Agreement (SOC 846) na tinatanggap na napaalaman na sila sa mga kahihinatnan ng paggawa ng pandaraya sa IHSS.  Ipinapahiwatig din ng kasunduan na ang provider na napatunayang madayang nag-uulat ng impormasyon sa kanilang timesheet ay mahaharap sa pagbabayad ng anumang sobrang natanggap na bayad, kabilang ang sibil na parusang $500 hanggang $1000 para sa bawat pandarayang gawain.

IV.  Ano Ang Gagawin Ko?

Kung naniniwala ka na ang mga pagbabagong ito sa batas ay hindi wastong nagagamit, o sa isang paraang nakapagdidiskrimina, maaari kang humiling ng patas na pagdinig sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga tagubilin na nasa likuran ng iyong Notice of Action (Abiso ng Aksyon).  Maaari ka ring magsumite ng form ng Complaint of Discrimination sa CDSS sa pamamagitan ng e-mail, pagsulat, o pagtawag:

California Department of Social Services - Civil Rights
744 P Street, M.S. 8-16-70
Sacramento, CA 95814
Telepono: (916) 654-2107
E-mail: crb@dss.ca.gov
Fax: (916) 653-9332

Ang form ng reklamo ng diskriminasyon ay nakalaan sa http://www.cdss.ca.gov/Reporting/File-a-Complaint/Discrimination-Complaints.  Ang form ay hindi maaaring isumite nang online.  Mangyaring i-print ang form, punan, at isumite sa CDSS sa pamamagitan ng e-mail, mail, o fax.

V.  Kinokontra ba ng Disability Rights California Ang Mga Pagbabagong Ito?

Oo, kinokontra ng Disability Rights California ang mga pagbabagong ito.  Ang mga ito ay ipinasa sa kabila ng aming mga pagtutol, at ng pagtutol ng karamihan sa ibang tagapagtaguyod.  Kinokontra namin ang mga pagbabagong ito para sa mga sumusunod na dahilan:

  • Ang mga pagbabagong ito ay hindi makatarungan sa mga tumatanggap ng IHSS at mga provider.  Nagdagdag sila ng karagdagang mga pasakit sa mga tumatanggap at provider nang hindi nagbibigay ng anumang mahalagang benepisyo sa estado.  Ang mga bagong pamamaraan ay mahal at nakauubos ng panahon at kung kaya ay gagawin itong mas mahirap kaysa dati para sa mga tumatanggap ng IHSS para makahanap ng mga karapat-dapat na provider.
  • Ang mga ulat ng pandaraya sa IHSS ay naging napakaeksaherado, kaya ang mga pagbabago na ipatutupad, bilang karagdagan sa pagiging isang administratibong pasakit para sa mga county, ay hindi ibinabatay sa makatwirang dahilan.
  • Ang mga pagbabagong ito ay magiging mahal at mahirap ipatupad sa panahon nang nagkakaltas ang California ng kinakailangang mga programa ng pangangalaga sa posibleng kahirapan.
  • Ang mga pagbabagong ito ay hindi magreresulta sa anumang katipiran sa gastos, maliban lang sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga kahirapang burokratiko na pinupuwersa ang mga taong nagiging-karapat-dapat para sa IHSS na tumigil sa pagkuha ng mga serbisyong kailangan nila.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.