FACT SHEET: Ano ang Medicaid/Medi-Cal?

Publications
#F106.08

FACT SHEET: Ano ang Medicaid/Medi-Cal?

Ang programang Medicaid ng pederal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong mababa ang kita, kabilang ang mga senior, mga taong may kapansanan, at mga bata.  Pinopondohan ang Medicaid sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga dolyares ng estado at pederal. 

Ano ang Medicaid/Medi-Cal?

Ang programang Medicaid ng pederal ay nagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga taong mababa ang kita, kabilang ang mga senior, mga taong may kapansanan, at mga bata.  Pinopondohan ang Medicaid sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga dolyares ng estado at pederal.  Pinatatakbo ng mga estado ang kanilang sariling mga programa ng Medicaid at kailangang sundin ang ilang tuntunin ng pederal, ngunit mayroong ilang bumabagay sa mga serbisyo na kanilang hinahandog.

Sa California, ang Medicaid ay tinatawag na Medi-Cal. Ang Medi-Cal ay naghahandog ng malawak na sari-saring serbiyo ng pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang mga long term services and supports (LTSS) na tinutulungan ang mga taong may mga kapansanan na manatili sa kanilang sariling mga bahay o kasama ng kanilang mga pamilya. Kabilang sa mga ito ang:

  • Mga serbisyo ng Waiver ng Home and Community-Based (HCBS) , gaya ng mga pinopondohan sa pamamagitan ng mga sentrong pangrehiyon at ng Waiver ng Nursing Facility/Acute Hospital (na tinatawag na ngayong Waiver ng Home and Community Based Alternatives)
  • In Home Supportive Services (IHSS);
  • Pangangalaga sa Kalusugan ng May Sapat na Gulang sa Araw/Mga serbisyo ng May Sapat na Gulang na Batay sa Komunidad;
  • Mga serbisyo ng Program of All Inclusive Care for the Elderly (PACE)

Bilang karagdagan sa mga serbisyong ito, nagbabayad ang Medi-Cal para sa mga pagbisita ng doktor; diyagnostikong pagsusuri; mga serbisyong emergency; pag-oopera; pagpapaospital; mga gamot na inireseta; mga serbisyo hinggil sa ngipin; occupational at physical therapy; mga serbisyo ng outpatient sa pag-abuso sa droga; mga pananatili sa nursing facility; mga medikal na supply; durable medical equipment (matibay na medikal na kagamitan) tulad ng mga wheelchair at andador; at transportasyon sa mga pagbisita sa doktor.

Ang mga batang may mga kapansanan ay maaari ring makatanggap ng karagdagang mga serbisyo, tulad ng pangangalaga sa bahay at mga therapy hinggil sa pag-uugali.

Gaanong Karaming Tao ang Tumatanggap ng Medicaid/Medi-Cal?

Ang Medicaid ang pinakamalaking programa ng health insurance sa bansa, nasasaklawan ang 74 milyon, o higit sa 1 sa 5 Amerikano.

  • Kabilang ang 42% ng mga bata ng bansa
  • California - 13.5 milyon, kabilang ang KALAHATI sa mga bata ng California

Paanong Nabago ng Affordable Care Act (Obamacare) ang Medicaid/Medi-Cal?

Ang Affordable Care Act (ACA), o Obamacare, ay pinalawak ang pagkanararapat para sa mga tao na nagkaroon lang ng medyo malaking kita, o masyadong maraming pinagkukunan para maging karapat-dapat para sa regular na Medi-Cal.

Sa Estados Unidos, 20 milyon pa ng mga tao ang naging karapat-dapat at ngayon ay mayroon ng pangangalagang pangkalusugan dahil sa pagpapalawak sa Medicaid. Apat na milyon sa mga ito ay nasa California.

Ano ang maaaring gawin ng mga kamakailan lang na mungkahi para mabago ang Medicaid/Medi-Cal?

Kamakailan lang ay isinaalang-alang ng kongreso ang “pagpapawalang-bisa at pagpapalit” sa Affordable Care Act at gagawa ng malalaking pagbabago sa Medicaid/Medi-Cal.  Kailangan ang mga pagbabagong ito sa Block Grants at Per Capita Caps imbes na sa paraang gumagana ang Medicaid ngayon, kung saan ang mga estado at gobyerno ng pederal ang kailangang magbayad sa mga serbisyo na kailangan ng mga tao.

Block Grants

Ang block grant ay magiging isang set ng halaga ng dolyar, at magiging responsable ang mga estado para sa lahat ng gastos na lampas sa halaga ng dolyar na iyon.  Yayamang hindi tumataas taun-taon ang block grant para makaagapay sa pangkalahatang pagtaas ng halaga ng bilihin, o medikal na mga emergency, kakailanganing higit pang pondohan ng mga estado ang programa ng Medicaid taun-taon, at malamang na magpapataw nang maraming paghihigpit, at masisilbihan ang mas kaunting tao.  Ang mga block grant ay magreresulta sa mas kaunting pera para sa kalusugan at mga serbisyo dahil sa ilalim ng kasalukuyang batas, nagbabayad ang gobyernong pederal sa karaniwang 57% ng gastos.

Per Capita Caps

Ang per capita cap ay hindi rin maganda, dahil pahihintulutan nito ang mga estado na magkaltas na hindi nila magagawa ngayon.  Ang mga estado ay maaaring lumikha ng mga waiting list, hanggahan ang pagpapatala, at kaltasan ang mga kritikal na serbisyo sa mga batang may mga kapansanan.

Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabago na ito sa California?

Para sa Medi-Cal, ito’y mangangahulugan nang $3.2 bilyon na mas mababa sa pagpopondo ng pederal sa 2020

  • $8.7 bilyon na mas mababa sa pagpopondo ng pederal sa 2027
  • Kabuuang pagkalugi ng $35.2 bilyong dolyar sa susunod na 10 taon

Ngunit para sa lahat ng serbisyong pangangalagang pangkalusugan ng California—kabilang ang pagpapalawak ng Medi-Cal ng ACA, ang iminumungkahing Medi-Cal block grants/per capita caps, at ang pagbabawas ng cost sharing ng ACA (kung saan tinutulungan ang mga taong mababa ang kita na tumatanggap ng mga subsidiya para sa hindi pangangalagang pangkalusugan ng Medi-Cal sa merkado), ang mga bilang ay mas mataas pa: sa mga mungkahi kamakailan lang, ang epekto sa California sa pagitan ng 2020 at 2026 ay magiging $85.7 bilyon. Mula 2020 hanggang 2027, ang epekto ay magkakahalaga nang $138.8 bilyon sa mga pagkaltas ng pagpopondo ng pederal.

 

Disclaimer: This publication is legal information only and is not legal advice about your individual situation. It is current as of the date posted. We try to update our materials regularly. However, laws are regularly changing. If you want to make sure the law has not changed, contact DRC or another legal office.