FACT SHEET: Ang mga Pagkaltas sa Medicaid/Medi-Cal ay Mapipinsala ang mga Paaralan at Espesyal na Edukasyon

FACT SHEET: Ang mga Pagkaltas sa Medicaid/Medi-Cal ay Mapipinsala ang mga Paaralan at Espesyal na Edukasyon
Paanong Mapipinsala ng mga Pagkaltas sa Medi-Cal/Medicaid ang Espesyal na Edukasyon?
Ngayon, ang mga paaralan sa California ay gumagamit nang $180 milyon sa Medi-Cal/Medicaid para magbayad para sa mga serbisyo sa mga estudyante, lalo na sa mga estudyanteng may mga kapansanan. Higit sa $90 milyon ng perang ito ay nanggagaling sa pederal na gobyerno. Ang mga mungkahi kamakailan lang sa Kongreso ay makapagkakaltas o makapaglilimita sa mga pondo ng Medicaid ng pederal.
Kadalasang ginagamit ng mga paaralan ang mga pondo ng Medi-Cal para magbayad para sa mga serbisyo sa isang Individualized Education Plan (IEP) ng bata. Para sa mga bata na magiging karapat-dapat, tumutulong ang Medi-Cal na pondohan ang mga serbisyo ng espesyal na edukasyon tulad ng:
- occupational at physical therapy,
- pangangalaga,
- kalusugan hinggil sa pag-iisip at
- mga tulong sa silid-aralan
Nagbabayad din ang Medi-Cal para sa mga andador, wheelchair, espesyal na kagamitan sa palaruan at teknolohiyang pantulong para sa mga estudyanteng may mga kapansanan.
Ginagamit rin ng mga paaralan ang Medi-Cal para magbayad sa mga nurse at psychologist sa paaralan, at batay-sa-paaralan na pangunahin at mga pangontrang serbisyo, tulad ng pag-screen sa paningin at pandinig para sa lahat ng estudyante.
Paanong Mapipinsala ng mga Pagkaltas sa Medi-Cal/Medicaid ang Ating mga Paaralan?
Mas mababang Napagtatagumpayan ng Estudyante: Ipinapakita sa atin ng pananaliksik na ang mga estudyanteng nasasaklawan ng Medicaid o iba pang health insurance ay mas malamang na regular na papasok sa eskuwela, magtatapos sa high school, at makukumpleto ang kolehiyo kaysa sa mga estudyanteng walang access sa health care. Kumikita sila nang mas malalaking sahod at mas matagal, malusog na nabubuhay. Ang paglimita sa mga dolyares ng Medi-Cal/Medicaid ay maaaring hindi magsama sa ilang mababang-kita at may kapansanang mga bata sa programa—at mawala sa proseso para sa tagumpay.
Mas mataas na pagdami ng Pagliban at Pagdami ng Tumigil sa pag-aaral: Karamdaman ang Numero unong dahilan ng hindi pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Ang pagkaltas sa Medi-Cal/Medicaid ay mangangahulugan ng mas maraming bata ang mamamalagi sa bahay na may sakit ng hindi makontrol na hika, sakit ng ngipin, at iba pang sakit imbes na makuha ang pangangalaga na kailangan nila. Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga estudyante na matagal na hindi pumapasok ay may mas mahinang mga kasanayang panlipunan sa kindergarten, mas mahina sa pagbasa sa ikatlong grado, at mas mataas na pagdami ng tumitigil sa pag-aaral sa high school. At maaari itong makapinsala nang dalawang beses sa mga budget ng lokal na paaralan, dahil ang mas mababang dadalo ay hahantong sa mas mababang mga pormula ng pagpopondo ng estado.
Pagbaba sa Maagang Pag-screen at Paggagamot: Ang mga paaralan at organisasyon ng komunidad ay umaasa na ngayon sa inirerekumenda ng doktor na programa ng Early and Periodic Screening, Diagnosis, and Treatment (EPSDT) para matukoy at gamutin ang mga batang may mga problema sa pandinig at paningin, mga pag-antala hinggil sa paglilinang, at mga kapansanan tulad ng autism na maaaring makaapekto sa pandinig. Ang pagkaltas sa Medicaid ay maaaring magpahina sa EPSDT, na iiwanang hindi nasuri at hindi nagamot ang mga isyu sa pag-aaral at hinggil sa paglilinang; ang paghadlang sa mga inisyatibo ng maagang edukasyon na layon na maihanda ang lahat ng bata para sa kindergarten; at pagpapahina sa mga pagpupursigi para matiyak na matutunan ng bata ang pagbabasa sa katapusan ng ikatlong grado.
Mas Kaunting Mapagkukunan ng Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip: 7 sa 10 estudyante na nakakukuha ng mga serbisyo sa kalusugan hinggil sa pag-iisip ay natatanggap ang mga serbisyong ito sa paaralan. Kadalasan, ang mga serbisyo ng pagpapayo na nakabatay sa paaralan ay pinopondohan ng Medicaid EPSDT.