COVID-19 (Coronavirus) – Pagkuha ng mga Gamot kung makakuha ka ng Medi-Cal

Publications
#F121.08

COVID-19 (Coronavirus) – Pagkuha ng mga Gamot kung makakuha ka ng Medi-Cal

Ito ay para sa mga tao sa Medi-Cal na hindi sigurado kung paano nila kukunin ang kanilang mga gamot.

*Ang publikasyon na ito ay up-to-date simula sa Marso 20, 2020.  Available dito ang higit pang impormasyon sa COVID-19: https://www.disabilityrightsca.org/post/announcement-coronavirus-and-how-disability-rights-california-can-help-you at dito https://www.covid19.ca.gov/healthcare/

 

Ito ay para sa mga taong nasa Medi-Cal na hindi sigurado kung paano nila makukuha ang kanilang mga gamot.

Sa fact sheet na ito, matututunan mo ang tungkol sa:

  • Kung paano kunin ang iyong mga gamot
  • Pag-stock ng mga gamot
  • Iba pang katanungan

Pagkuha ng mga Gamot

Maaari mong maipa-deliver ang iyong gamot. May mga serbisyo ng pagde-deliver ng gamot sa online.  Kontakin ang iyong health plan para makakuha ng impormasyon tungkol sa pagde-deliver ng iyong gamot.

Matatagpuan mo ang iyong managed care plan dito -  https://www.dhcs.ca.gov/individuals/Pages/MMCDHealthPlanDir.aspx

Kung mayroon kang Fee for Service Medi-Cal, hanapin kung aling lokal na parmasya ang tumatanggap ng Medi-Cal at nagde-deliver sa pamamagitan ng mail.

Kung kailangan mong i-pick up ang iyong gamot, maghanap ng mga parmasya na may mga drive-through window o mga curbside pick-up. Maaaring hilingan mo ang isang miyembro ng pamilya, kaibigan, o kapit-bahay para matulungan dito.

Pag-stock ng mga Gamot

Pinapahintulutan ng Medi-Cal ang mga parmasya na magbigay nang hanggang 100-araw na supply ng karamihan ng gamot.1 At saka, kung ang 75% ng mga araw sa pagitan nang unang pinunan ang reseta ay lumipas, maaari kang makakuha ng refill sa karamihan ng gamot.2  Masisiguro mo na mayroon kang sapat na gamot para malampasan mo ang mangilan-ngilang buwan.

Dapat mag-supply ng mga gamot ang mga parmasya sa isang emergency. Dapat magbigay ang mga parmasya ng mga gamot pang-emergency para sa mga pasyenteng apektado ng COVID-19. Para sa higit pang impormasyon - http://files.medical.ca.gov/pubsdoco/newsroom/newsroom_30366.asp

Iba pang Katanungan

Para sa karaniwang mga katanungan ng mga benepisyo ng parmasya ng Medi-Cal - https://www.dhcs.ca.gov/provgovpart/pharmacy/Pages/PharmFAQ.aspx

Para sa karagdagang impormasyon ng parmasya, kontakin ang Medi-Cal Member at Provider Helpline sa (800) 541-5555.

Kung may mga katanungan ka tungkol sa iyong mga legal na karapatan, tawagan ang intake line ng DRC sa (800) 776-5746.

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.