Coronavirus (COVID-19) - Pagdalaw sa Ospital para sa mga Pasyenteng may mga Kapansanan

Coronavirus (COVID-19) - Pagdalaw sa Ospital para sa mga Pasyenteng may mga Kapansanan
Ang ilang doktor at ospital ay may tuntuning “walang mga dalaw” dahil sa COVID-19. Nagpadala ang Estado ng California ng Sulat[1] sa mga ospital at iba pang pasilidad na pangkalusugan tungkol sa mga tuntuning ito.
Ginawa ni: Disability Rights California at Disability Rights Education and Defense Fund
Ang ilang doktor at ospital ay may tuntuning “walang mga dalaw” dahil sa COVID-19. Nagpadala ang Estado ng California ng Sulat1 sa mga ospital at iba pang pasilidad na pangkalusugan tungkol sa mga tuntuning ito. Sinasabi sa Sulat na ang mga taong may mga kapansanan ay paminsan-minsang kailangang magsama sila ng taong tagasuporta sa ospital o sa doktor. Ang kopya ng sulat na ito ay nasa hulihan ng dokumentong ito. Patuloy na magbasa para malaman ang tungkol sa iyong mga legal na karapatan.
Ang mga Pasyenteng May mga Kapansanan ay Maaaring Magsama ng Taong Tagasuporta Kapag Kinakailangan para sa Patas na Pangangalaga
- Karamihan sa pasyenteng may mga kapansanan ay kailangan ng taong tagasuporta kapag sila ay nasa ospital.
- Dapat ibigay ng mga ospital at doktor sa lahat ng taong may mga kapansanan ang “mga makatwirang pagbabago” na kanilang kailangan para makakuha ng patas na pangangalaga.
- Ang “mga makatwirang pagbabago” ay mga pagbabago na kailangan ng mga taong may kapansanan upang maging patas. Ang isang halimbawa ay payagan kang magkaroon ng kasamang taong tagasuporta sa ospital.
- Ang taong tagasuporta ay maaari kang tulungan sa iba’t ibang paraan tulad ng:
- makipag-usap o makipag-ugnayan sa iba.
- maglakad-lakad sa iyong silid at sa ospital.
- bumuti ang pakiramdam at di-gaanong mag-alala
- tulungan ka sa mga bagay tulad ng sa pagkain at manatiling malinis.
- Ang taong tagasuporta ay maaaring maging ang iyong personal na katulong sa pangangalaga, isang miyembro ng pamilya, isang kaibigan, o iba pang caregiver.
Ang Taong Tagasuporta ay Hindi Maaaring May Sakit at Dapat Nakasuot ng Mask
- Wala dapat COVID-19 ang taong tagasuporta o anumang senyales ng pagkakasakit ng COVID-19. Pinapahintulutan ang ospital o doktor na suriin ang mga taong tagasuporta para sa COVID-19.
- Dapat sundin ng iyong taong tagasuporta ang mga tuntunin tungkol sa personal protective equipment (pansariling pananggalang kagamitan). Paminsan-minsan itong tinatawag na “PPE” sa maikli.
- Ang mga mask at gloves ay mga halimbawa ng personal protective equipment. Ang iyong taong tagasuporta ay dapat magsuot ng personal protective equipment kung sasabihing gawin ang mga ito ng ospital o doktor.
- Dapat dalhin ng taong tagasuporta ang sarili nilang mask at gloves. Kung walang sarili mask at gloves ang taong tagasuporta, dapat silang manghingi sa lugar ng check-in ng dalaw.
Ang mga Pasyenteng may mga Kapansanan ay Maaaring Magkaroon ng mga Video at Teleponong Tawag, Nang May Tulong at Ekstrang Oras kung Kinakailangan
- Maaari kang magkaroon ng mga video at teleponong tawag gamit ang mga telepono o tablet o computer.
- Maaaring kailanganin mo ng tulong para gumamit ng telepono, computer, tablet o iba pang aparato. Maaaring kasama sa tulong na ito ang:
- Isang taong kawani para tulungang gumamit ng telepono, tablet, o computer.
- Mas malaking screen o isang videophone o iba pa para sa iyong kapansanan.
- Ekstrang oras sa isang computer o iba pang aparato na pagmamay-ari ng ospital at hinahayaang gumamit ang mga pasyente.
Ang mga Tuntunin tungkol sa mga Dumadalaw ay Dapat maging Pampubliko
- Dapat sabihin ng mga ospital at doktor sa iyo at sa iyong pamilya ang lahat ng kanilang tuntunin para sa mga dumadalaw. Dapat pinag-uusapan sa mga tuntunin ang tungkol sa mga taong tagasuporta para sa mga taong may mga kapansanan. Dapat ding pag-usapan sa mga tuntunin ang tungkol sa PPE tulad ng mga mask at gloves.
- Dapat maglagay ng mga karatula ang mga ospital at doktor tungkol sa mga dalaw sa gusali, sa mga parking lot, at kung saan ka pumapasok. Dapat nilang ipaskil ang kanilang mga tuntunin sa online at sa Facebook, Instagram, at iba pang lugar. Dapat nilang siguruhin na mauunawaan mo ang mga tuntuning ito.
Paano Maghain ng Reklamo kung Hindi Ka Pinahihintulutang Magdala ng Taong Suporta
- Kung kailangan mo ng taong sumusuporta at hindi ka pinapayagan ng iyong ospital o doktor na dalhin ang iyong tagasuporta, maaari kang maghain ng reklamo. Upang maghain ng reklamo, maaari kang:
- Maghain ng reklamo sa California Department of Fair Employment and Housing: https://www.dfeh.ca.gov/complaintprocess
- Maaari ka ring magsampa ng reklamo sa U.S. Department of Health & Human Services, Office for Civil Rights sa sumusunod na link: https://www.hhs.gov/ocr/complaints
- Kung ikaw ay nasa Medi-Cal, maaari ka ring magsampa ng reklamo sa Department of Health Care Services, Office of Civil Rights: https://www.dhcs.ca.gov/discrimination-grievance-procedures
NARITO KAMI PARA TUMULONG
Narito ang Disability Rights California at DREDF para tumulong. Kung ikaw o isang tao na kilala mo ay may mga problema sa pag-access sa iyong taong tagasuporta o gumagawa ng mga pagdalaw sa online o telepono, mangyaring kontakin kami.
Disability Rights California
Telepono: 1-800-776-5746
Bisitahin ang: https://www.disabilityrightsca.org/contact-us/how-to-get-help
Disability Rights Education and Defense Fund
Telepono: (510) 644-2555
Bisitahin ang: info@dredf.org
Mga Pansuportang Dokumento
- Gabay sa Patakaran sa Bisita ng CDPH
- Gabay ng DRC at DREDF para sa mga Pasilidad ng Pangangalagang Pangkalusugan
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
- 1. Department of Public Health, All Facilities Letter 20-38.1, Patnubay sa mga Limitasyon ng Dalaw (Visitor Limitations Guidance) (Mayo 2, 2020) sa https://www.cdph.ca.gov/Programs/CHCQ/LCP/Pages/AFL-20-38.aspx
Click links below for a downloadable version.
Haga clic en enlaces a continuación para una versión completa descargable.
다운로드 가능한 전체 버전은 아래 링크를 클릭 하십시오.
点击下面的链接查看完整的可下载版本。
Nhấp vào liên kết dưới đây để có phiên bản tải về đầy đủ.
សូមចុចខាងក្រោមដើម្បីទទួលបានកំណែពេញលេញ។
Нажмите на ссылку ниже для полной загружаемой версии.
Mag-click sa ibaba para sa isang buong nada-download na bersyon.
Nyem Hauv qab rau ib daim ntawv uas muaj downloadable puv nkaus.
Սեղմեք ներքեւում, ամբողջական բեռնվող տարբերակի համար
انقر أدناه للحصول على نسخة كاملة قابلة للتنزيل
ダウンロード可能なバージョンについては、以下のリンクをクリックしてください。
نسخه کامل دانلود زیر کلیک کنید.