Coronavirus (COVID-19) Mga karapatan ng mga Taong may Intellectual and Developmental Disabilities (Mga kapansanang Pangkaisipan at Hinggil sa Paglilinang) Na Sariling Nabubuhay o Kasama ng Pamilya

Publications
#F127.08

Coronavirus (COVID-19) Mga karapatan ng mga Taong may Intellectual and Developmental Disabilities (Mga kapansanang Pangkaisipan at Hinggil sa Paglilinang) Na Sariling Nabubuhay o Kasama ng Pamilya

Ito ay para sa mga taong may kapansanan sa intelektwal at pag-unlad na nakatira sa kanilang sarili o kasama ng pamilya at tumatanggap ng mga serbisyo mula sa "mga sentrong pangrehiyon."

Anu-ano Ang Sentrong Pangrehiyon?

Ang sentrong pangrehiyon ay ang iyong pangunahing punto ng kontak sa pagkuha ng mga serbisyo at suporta.  Makahahanap ka ng impormasyon ng kontak para sa mga sentrong pangrehiyon sa link na ito: https://www.dds.ca.gov/rc/listings/

Paano Akong Matutulungang maghanda ng mga Sentrong Pangrehiyon para sa COVID-19?

Ngayon ang magandang panahon para magplano para sa mga emergency tulad ng COVID-19. Kontakin ang tagapagkoordina ng serbisyo ng iyong sentrong pangrehiyon. Hilingan silang tulungan kang bumuo ng plano sakaling hindi ka na matutulungan ng iyong mga caregiver dahil sa COVID-19. Maaari mong tanungin kung ano ang mangyayari kung kumadalo ka sa isang programa sa panahon na sinasabi sa iyo na dapat itong magsara.

IHSS at iba pang Caregiver: Ano ang Aking Plan at Ano ang Magagawa ng Pangrehiyon?

Kung aasa ka sa IHSS o iba pang caregiver mula sa mga programa na hindi binabayaran ng sentrong pangrehiyon, hilingan ang iyong mga caregiver na tulungan ka sa isang plan kung hindi ka na nila matutulungan.

Maaari mo ring hilingan ang tagapagkoordina ng serbisyo ng iyong sentrong pangrehiyon na tulungan ka sa isang plan.  Ito’y dahil makapagbabayad and sentrong pangrehiyon para sa iba’t ibang serbisyo kung hindi na available ang caregiver ng iyong IHSS. Kasama sa mga serbisyong ito ang:

  • Mga serbisyo ng Personal Attendant (Personal na Katulong) o Homemaker: Ang mga serbisyo na ito ay halos tulad ng IHSS. Binabayaran ito ng mga sentrong pangrehiyon, hindi ng county.
  • Pahinga: Tinutulungan ng serbisyong ito ang caregiver na suportahan ka sa pamamagitan ng pagsiguro na makapagpapahinga sila.
  • Independent Living Skills (Mga kasanayang Malayang Pamumuhay) o Supported Living Services (Mga serbisyo ng Sinusuportahang Pamumuhay): Tinutulungan ng mga serbisyong ito ang mga tao na mabuhay nang kasing malaya hangga’t maaari sa kanilang sariling mga bahay na may suporta na kailangan nila.

Tanungin ang iyong sentrong pangrehiyon tungkol sa mga opsyon na ito at iba pang opsyon na maaaring nakalaan. Ang ilan sa mga serbisyong ito ay maaaring ibigay ng mga miyembro ng pamilya o kasama sa kuwarto na naninirahan kasama mo.

Ano ang Ginagampanan ng Department of Developmental Services?

Ang Department of Developmental Services ay ang ahensya ng estado na nangangasiwa sa lahat ng 21 sentrong pangrehiyon. Ang ahensyang ito ay paminsan-minsang tinatawag na DDS.

Ang DDS ay may kakayahang sabihan ang mga sentrong pangrehiyon kung ano ang gagawin. Dahil sa COVID-19, sinabihan ng DDS ang mga sentrong pangrehiyon na siguraduhin na malusog at ligtas ang mga taong tumatanggap ng mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon. Bilang halimbawa:

  • Sinabihan ng DDS ang mga sentrong pangrehiyon na mabuting hindi makipagtagpo sa mga tao nang harapan. Sa  halip, maaaring gumamit ang mga sentrong pangrehiyon ng teknolohiya tulad ng mga telepono, video conference, Skyppe, at FaceTime. Maaari kang makipag-usap sa sentrong pangrehiyon tungkol sa mga opsyon na ito at kung papanong gumagana ang mga ito.
  • Binigyan ng DDS ang mga sentrong pangrehiyon ng kapangyarihan na bayaran ang mga provider nang mas maraming pera para panatilihing malusog at ligtas ang mga tao dahil sa COVID-19. Ito ay tinatawag bilang isang “Health and Safety Waiver Exemption.” Tanungin ang iyong sentrong pangrehiyon kung maaari itong maging isang opsyon para sa iyo.

Paano Akong Makakukuha ng Marami Pang Impormasyon Tungkol sa Aking mga Karapatan?

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iyong mga legal na karapatan o kung hindi ka tinutulungang maghanda ng sentrong pangrehiyon para sa COVID-19:

  • Tawagan ang intake line ng DRC sa: 1-800-776-5746.
  • Twagan ang Office of Clients’ Rights Advocacy (OCRA) ng DRC sa:
    • Northern California 1-800-390-7032 (TTY 877-669-6023)
    • Southern California 1-866-833-6712 (TTY 877-669-6023)
 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

 

 

Click links below for a downloadable version.