Ano ang Dapat Malaman ng mga Tumatanggap ng In-Home Supportive Services ang Tungkol sa Hindi Inanunsyong mga Pagbisita sa Bahay

Publications
#5494.08

Ano ang Dapat Malaman ng mga Tumatanggap ng In-Home Supportive Services ang Tungkol sa Hindi Inanunsyong mga Pagbisita sa Bahay

Ang IHSS ay nagbibigay ng mga serbisyo upang tulungan kang manatili sa bahay kung hindi mo mapangalagaan ang iyong sarili dahil sa iyong kapansanan. Ang county ang magpapasya kung gaano karaming oras ang makukuha mo para sa mga serbisyo. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbisita sa iyo sa bahay at pagtatasa kung ano ang kailangan mo. Pagkatapos mong makakuha ng IHSS, ang county ay maaaring gumawa ng mga di-inanounce na pagbisita sa bahay. Sinasagot ng pub na ito ang mga tanong tungkol sa mga di-inanounce na pagbisita sa bahay. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung kailangan mo ng tulong.

Ang mga pagbisita sa bahay ay palagi nang bahagi ng proseso ng pagtatasa o muling-pagtatasa para sa mga serbisyo ng IHSS.  Ginagawa ng mga social worker ng IHSS ang mga pagbisitang ito sa bahay. Noong 2009, binago ang batas ng California na inuutusang magtatag ang California Department of Social Services (CDSS) ng grupo ng stakeholder para bumuo ng mga protokol para sa mga ginagampanan ng estado at county at mga responsibilidad sa pagpapatupad ng mga hakbang sa integridad at pagpigil sa pandaraya sa programa ng IHSS.  Binuo ng grupo ng stakeholder ang Uniform Statewide Protocols para sa mga Aktibidad ng Program Integrity sa Programa ng IHSS (mga Protokol). Isa sa mga hakbang na inaaksyunan sa mga Protokol ay ang program integrity ng mga unannounced home visits (UHVs).  Tinatalakay ng publikasyon na ito ang mga UHV.

Ang mga UHV ay magkakaiba sa mga hindi naka-schedule na pagbisita ng mga county para sa mga hindi-UHV na dahilan tulad ng: pagtatasa ng mga pangangailangan, muling pagtatasa, o mga pagsuri sa kaligtasan at kapakanan.1 Ang mga hindi naka-schedule na pagbisita para sa mga layuning iyon ay hindi kailangang sumunod sa mga tuntunin ng program integrity ng UHV na ibinuod sa publikasyon na ito.2 Alamin sa iyong county tungkol sa mga pamamaraan ng mga hindi naka-schedule na pagbisita.

Ang mga UHV ay magkaiba rin sa mga pagbisita sa bahay na ginagawa ng county bilang bahagi ng programa ng katiyakan ng kalidad nito. Ang “QA home visits” ay isinasagawa ng kawani ng katiyakan ng kalidad ng county, hindi ng case worker o ng kanyang superbisor.3 Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng katiyakan ng kalidad at mga aktibidad ng UHV, tingnan ang All County Letter No. 10-39.

1. Maaari bang pumunta ang mga opisyal ng departamento ng kapakanan ng county sa aking bahay nang hindi inaanunsyo?

Oo.4

2. Kailan maaaring pumunta ang mga opisyal ng departamento ng kapakanan ng county sa aking bahay?

Hindi maaaring magsagawa ang kawani ng program integrity ng UHV ng mga sapalarang pagbisita.5 Sa isang salita, kailangan may ilang “naipapahiwatig na alalahanin sa program integrity”6 tulad ng pinaghihinalaang pandaraya. Lilikha ang CDSS ng mga listahan ng mga tatanggap na matutugunan ang pamantayan ng UHV, at ipamamahagi ang mga listahang iyon sa mga kontak ng program integrity ng county.7 Ibinabatay ang listahan ng mga tatanggap sa “ilang alalahanin tungkol sa pagtanggap o kalidad ng mga tatanggap ng mga serbisyo, mga serbisyo ng tatanggap, kapakanan ng tatanggap, o ibang alalahanin ng program integrity.”8 Maaari ring magdagdag ang mga county ng mga pangalan sa listahan ng UHV para sa parehong mga dahilan.9 Magsasagawa ang County ng mga UHV para sa tatanggap na nasa mga listahang iyon.10

3. Ano ang pandaraya sa IHSS?

Pinapakahulugan ng batas ng estado ang “pandaraya” hinggil sa programa ng IHSS bilang ang “internasyonal na pandaraya o kasinungalingang ginawa ng isang tao na may kaalaman na ang pandaraya ay maaaring magresulta sa ilang hindi awtorisadong benepisyo sa kanyang sarili o ilang ibang tao.”11 Tandaan na ang kahulugan na ito ay hindi kasama ang mga hindi sadyang kilos o pagkakamali.

4.  Ano ang Layunin ng UHV?

Ang layunin ng UHV ay para siguruhin na ang mga serbisyo na napahintulutan ka ay natutugunan ang iyong mga pangangailangan sa lebel na pinapahintulutan kang manatiing ligtas sa iyong bahay.12 Ginagamit rin ito para magberipika ng impormasyon sa iyong file.13 Sa panghuli, isa itong oporunidad para sa kawani ng UHV para paalalahanan ka sa mga tuntunin ng programa ng IHSS, mga kinakailangan, at mga kahihinatnan sa hindi pagsunod sa mga ito.14  Ang isang kahihinatnan ay maaaring mawala ang iyong IHSS.15

5. Sinu-sino ang nagsasagawa ng mga hindi inanunsyong mga pagbisitang ito?

Sinanay na kawani ng IHSS ng county ang nagsasagawa ng UHV.16 Dahil kailangang magtalaga ng mga county ng hinirang, sinanay na kawani para magsagawa ng mga UHV, posible na ang kawani ng UHV ay ang Social Worker ng IHSS ng iyo ring County.17 Maaaring humiling ang county na samahan ang kawani ng UHV ng nagpapatupad ng batas.18

6.  Mayroon ba akong anumang karapatan kapag nagpunta sa aking bahay ang mga opisyal ng departamento ng kapakanan ng county?

Oo. Dapat ipakilala ng mga opisyal ng departamento ng county ang kanilang mga sarili, magpakita ng litratong nakapagpapakilala, at magsuot ng mga palatandaan.19 Maaari kang humingi ng pagkakakilanlan at maaari kang humingi ng numero ng telepono para tawagan ang county para maberipika ang pagkakakilanlan ng kawani ng UHV. Kung hindi mabeberipika ng county o walang pagkakakilanlan ang kawani ng UHV, maaari mong tanggihan ang pagpasok at hindi ito mabibilang sa tatlong pagsubok kung saan ay karapat-dapat ka bago isagawa ang ibayong aksyon.20

Kung pahihintulutan mong pumasok ang kawani ng UHV sa iyong bahay, dapat sabihin sa iyo ng kawani ng UHV kung bakit naroon siya. Ang kawani ng UHV ay maaaring magtanong tunkol sa mga serbisyo at sa kalidad ng mga serbisyo.21 Sisiyasatin din nila ang mga tuntunin ng programa at ang mga kahihinatnan sa hindi pagsunod sa mga ito.22 Maaari silang tumingin sa “madaling makitang” mga bahagi ng iyong bahay – ibig sabihin bilang halimbawa, hindi sila maaaring tumingin sa mga aparador o mga nakasarang drawer.23

Dapat kumilos nang propesyonal ang kawani ng UHV.24 Ang hindi inanunsyong pagbisita sa bahay, mga tawag, at sulat ay dapat nasa nakadokumentong pangunahing wika ng tatanggap.25 Kung hindi, maaari kang humiling ng interpreter, nang walang bayad.26

Dapat kang tratuhin nang may pitagan at paggalang at may paggalang sa iyong mga karapatan at mga karapatan ng lahat ng taong kasangkot.  Ang pangkat (mass) o walang pinipiling (indiscriminate) mga pagbisita sa bahay ay ipinagbabaw. Ang anumang panayam sa iyo o mga posibleng saksi ay dapat maisagawa nang walang mga banta, pamimilit, pamumuwersa, maling pagpapakita ng kapangyarihan, o iba pang kasinungalingan.

Dapat isagawa ng county ang lahat ng imbestigasyon bilang pagtalima sa batas ng due process. Hindi dapat lumabag ang county sa iyong mga karapatang ayon sa konstitusyon o ang mga karapatang ayon sa konstitusyon ng sino pa man. Ang paghahanap sa iyong bahay o pagtanggal ng mga pisikal na bagay ng ebidensya ng pandaraya ay hindi pinapahintulutan nang wala ang alinman sa may bisang search warrant o pahintulot pagkatapos kang ganap na naabisuhan ng iyong mga karapatan.

7.  Paano kung hindi ko magagawa, hindi available, o hindi gustong lumahok sa isang UHV?

Magpa-follow-up ang kawani ng UHV nang kahit dalawa pang pagbisita, kahit dalawang tawag sa telepono, at magpapadala ng sulat sa susunod na 45-60 araw.27 Ang liham, kung saan ay maaaring i-mail o iwanan sa isang kitang-kitang lokasyon kung saan malamang na makikita mo ang sulat,28 ay dapat ipaliwanag ang mga dahilan para sa pagbisita ng UHV at pagkawala ng mga serbisyo kung mapatutunayan nila ang pandarayan.29 Dapat ding isaad sa sulat na isinagawa ang mga hindi matagumpay na pagsubok para kontakin ka sa pamamagitan ng telepono o sa bahay.30 Maaari ring magpasya ang kawani ng UHV para kontakin ka sa ibang paraan.31 Kung, pagkatapos ng lahat ng ito, hindi makapagsasagawa ng UHV ang kawani ng UHV, makatatanggap ka ng NOA na tinatapos ang iyong IHSS dahil hindi mo nagawang tumalima sa mga kinakailangan ng programa.32 Maaari kang mag-apela sa aid paid pending.33

8.  Ano ang magagawa ng county kung naghihinala ang county ng pandaraya?

Kailangang sundin ng county ang mga partikular na pamamaraan kaugnay sa mga imbestigasyon ng pandaraya.34 Una, dapat magsumite ang county ng ulat na nirepaso ng nakatalagang kawani ng county.35 Ang nakatalagang kawani ng county ay alinman sa isasangguni ito sa Department of Health Care Services para sa ibayong imbestigasyon kung ang pinaghihinalaang pandaraya ay higit sa $500.00, o ibabalik ito sa pinanggalingang ahensya ng county para sa posibleng administratibong aksyon.36 Ang ahensyang nag-i-imbestiga (alinman sa DHCS o sa lokal na ahensya ng county) ay maaaring ipasa ang nakumpletong imbestigasyon para sa paghahabla, o ipasa ito sa pinanggalingang ahensya ng county para sa posibleng administratibong aksyon.37 Tingnan ang website ng iyong county para sa higit na impormasyon tungkol sa kanilang proseso sa pag-uulat ng pandarayan.38

9.  Saan ako maaaring maghain ng reklamo kung malalabag ang aking mga karapatan?

Maaari kang maghain ng reklamo sa county. Maaari ka ring maghain ng reklamo sa mga karapatang sibil sa CDSS.39

10. Anu-anong mapaghihingan ng tulong ang nakalaan sa akin kung mayroon akong karagdagang mga tanong?

Nagkakaloob ang Disability Rights California ng libreng legal na mga serbisyo, tulad ng pagpapayo at pangangaral sa telepono, para sa mga taong may mga kapansanan. Tumawag sa 1-800-776-5746. Maaari ka ring matulungan ng ng unyon ng provider ng iyong IHSS.

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

  • 1. All County Letter 13-83, p.3.
  • 2. Id.
  • 3. Tingnan ang Cal. Dep’t of Soc. Serv. Adult Programs Div., In-Home Support Services (IHSS) Quality Assurance/Quality Improvement (QA/QI) Policy Manual, 6 (2013); ang MPP seksyon 30-702 ay idinagdag para ipatupad ang California Welfare and Institutions Code seksyon 12305.71.
  • 4. WELF. & INST. § 12305.71(c)(3)(B). Tandaan: maaari pa ring magsagawa ang mga county ng mga hindi naka-schedule na pagbisita sa bahay para magsagawa ng pagtatasa ng mga pangangailangan, muling pagtatasa, pagsuri sa kaligtasan at kapakanan o anumang ibang layunin na hindi isang UHV.
  • 5. ACL 13-83, p.4
  • 6. Cal. Dep’t of Soc. Serv. Adult Programs Div., In-Home Support Services (IHSS) Uniform Statewide Protocols, ii (2013), http://www.cdss.ca.gov/lettersnotices/EntRes/getinfo/acin/2013/I-13_13…
  • 7. ACL 13-38, p. 4.
  • 8. Id.
  • 9. Id.
  • 10. Id.
  • 11. Welf. & Inst. § 12305.8(a); ACL 13-83, p.11. Kasama rin sa pandaraya ang mga gawaing tinukoy bilang pandaraya sa ilalim ng batas ng estado at pederal.
  • 12. ACL 13-83, p. 3.
  • 13. ACL 13-83, p. 3.
  • 14. Id.
  • 15. Id.
  • 16. Welf. & Inst. §§ 12305.71(a), (c)(3)(B).; IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 5; ACL 13-83, at p.4.
  • 17. ACL 13-83, p 4.
  • 18. IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 10.
  • 19. Id. at 7.
  • 20. Id.
  • 21. Id. at 8.
  • 22. Id.
  • 23. Id. Kailalang ng county ng search warrant para halughugin ang iyong bahay.
  • 24. Id. at 6.
  • 25. ACL 13-83, p. 5.
  • 26. Id. at 7.
  • 27. IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 8.
  • 28. ACL 13-83, p.6.
  • 29. Welf. & Inst. § 12305.71 (c)(3)(C); IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 8.
  • 30. IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 8.
  • 31. Id.
  • 32. Id.
  • 33. Id. at 19.
  • 34. ACL 13-83, p.12.
  • 35. IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 20-21.
  • 36. Id.
  • 37. ACL 13-83, p. 13.
  • 38. IHSS Uniform Statewide Protocols, supra note 6, at 24.
  • 39. Tingnan ang Maghain ng Reklamo

 

 

Click links below for a downloadable version.