Ano ang Adult Expansion / MAGI Medi-Cal?

Ano ang Adult Expansion / MAGI Medi-Cal?
Ang Affordable Care Act (ACA) (kilala rin bilang Obamacare) ay dinagdagan ang bilang ng mga tao na makakakuha ng Medicaid (Medi-Cal in California). “Adult Expansion Medi-Cal” o Medi-Cal para sa “childless adults” ay bahagi ng tinatawag na ngayong “MAGI” Medi-Cal sa ilalim ng ACA. Ang “MAGI” Medi-Cal ay nangangahulugan ng anumang programa ng Medi-Cal na gumagamit ng MAGI (modified adjusted gross income) para pagpasyahan ang pagkanararapat hinggil sa pananalapi para sa Medi-Cal.
Ang Affordable Care Act (ACA) (kilala rin bilang Obamacare) ay dinagdagan ang bilang ng mga tao na makakakuha ng Medicaid (Medi-Cal in California). “Adult Expansion Medi-Cal” o Medi-Cal para sa “childless adults” ay bahagi ng tinatawag na ngayong “MAGI” Medi-Cal sa ilalim ng ACA. Ang “MAGI” Medi-Cal ay nangangahulugan ng anumang programa ng Medi-Cal na gumagamit ng MAGI (modified adjusted gross income) para pagpasyahan ang pagkanararapat hinggil sa pananalapi para sa Medi-Cal.
Sino ang Karapat-dapat para sa Adult Expansion Medi-Cal?
Maaari kang makakuha ng Medi-Cal sa ilalim ng bagong programa ng Adult Expansion Medi-Cal kung:
- Ikaw ay nasa pagitan ng mga edad 19 at 64;
- Ang iyong MAGI na kita ay mababa sa 138% ng federal poverty level (lebel ng kahirapan ng pederal) (FPL)1;
- Hindi ka buntis;
- Hindi ka nakakakuha ng Medicare;
- Wala kang Medi-Cal nang wala pang Pagbabahagi ng Gastos.
Paano kong malalaman kung ang aking MAGI na kita ay mababa sa 138%2?
Hindi mo kailangang lutasin ito nang mag-isa. Maaari kang maghain ng “single streamlined application” para sa MAGI Medi-Cal sa pamamagitan ng Covered California, sa opisina ng Medi-Cal ng county, o maraming iba pang lugar. Maaari mong ihain ang aplikasyon ng single streamlined sa online sa website ng Covered California. Kung maghahain para sa mga benepisyo sa website ng Medi-Cal ng county, ituturo ka nito sa website ng Covered California para makapag-apply ka para sa MAGI Medi-Cal.
May mga tuntunin ba tungkol sa kung magkanong pera o ari-arian na maaari akong magkaroon at makakakuha pa rin ng Adult Expansion Medi-Cal?
Oo, ngunit iba sila sa pre-ACA Medi-Cal. Ang Pre-ACA Medi-Cal ay may napakahigpit na mga limit sa kung magkanong kita at kung gaanong karaming mga ari-arian ang maaaring magkaroon ka. Gumagamit ang MAGI Medi-Cal ng iba't ibang paraan para kalkulahin ang kita, at pinapayagan ang iisang tao na magkaroon nang hanggang $16,242 taon ng MAGI na kita. Iyon ay 138% ng federal poverty level. Gayunman, sa ilalim ng MAGI Medi-Cal, walang mga eksklusyon o mga babawasin bukod sa ilang babawasin na ginagamit para pagpasyahan ang halaga ng iyong MAGI. At, hindi-katulad ng pre-ACA Medi-Cal walang pagsusuri ng ari-arian para sa MAGI Medi-Cal3. Nangangahulugan ito na maaari kang magkaroon nang higit sa $2,000 kada tao/3,000 kada mga limit ng pinagkukunan ng mag-asawa ng pre-ACA Medi-Cal4.
Paano kung mayroon na ako Ngayon ng Pagbabahagi ng Gastos ng Medi-Cal? Maaari ba akong lumipat sa Adult Expansion Medi-Cal?
Oo. Maaari mong kontakin ang iyong lokal na opisina ng County Medi-Cal at hilingan sila kung karapat-dapat ka na ngayon para sa MAGI Medi-Cal nang walang pagbabahagi ng gastos. Titingnan rin ng County kung karapat-dapat ka para sa MAGI Medi-Cal sa iyong taunang muling pagpapasya. Bibigyan ka ng county ng MAGI Medi-Cal kung karapat-dapat ka para dito.
Anong mga Serbisyo ang maaari kong Makuha sa Adult Expansion Medi-Cal?
Maaari mong makuha ang lahat ng available na serbisyo sa ilalim ng regular na Medi-Cal, kabilang ang nursing facility, In Home Supportive Services (IHSS), at iba pang pangmatagalang mga serbisyo ng pangangalaga, nang walang ari-arian na pagsusuri5. Bilang karagdagan, maaari kang makakuha ng mga serbisyo sa paggamit ng sustansya at kalusugan hinggil sa pag-iisip sa mga plan ng pinapangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal at mula sa kalusugan hinggil sa pag-iisip/kalusugan sa pag-uugali6 ng county. Kung gusto mo ng home and community-based waiver services (HCBS) maaari kang mag-apply para sa pre-ACA Medi-Cal sa pamamagitan ng opisina ng Medi-Cal. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagpuno sa isang SAWS 2 Plus form7.
Anu-anong Pinagkukunan ang Available kung May Marami pa akong Katanungan?
Sa ilalim ng dokumento na ito, inilista namin ang mga pinagkukunang Internet na maaaring makatulong gumawa pa ng pananaliksik. Bilang karagdagan, ang ahensyang Medi-Cal ng iyong county, http://www.dhcs.ca.gov/services/medi-cal/Pages/CountyOffices.aspx, at Covered California, www.coveredca.com, 1-800-300-1506, ay maaaring sumagot ng mga katanungan.
Ang mga sumusunod na organisasyon ay maaaring makatulong sa adbokasiya:
- Disability Rights California, www.disabilityrightsca.org, 1-800-776-5746, o
- Ang iyong lokal na organisasyon ng mga serbisyo ng legal Inililista ng Health Consumer Alliance ang mga organisasyon na ito sa http://healthconsumer.org/index.php?id=partners.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
- 1. Sumulat ang National Senior Citizens Law Center ng nakatutulong na isyu na nagtatagubilin sa paglaki ng Medicaid sa California, na inaaksyunan ang pagkanararapat ng kita. Tingnan ang http://nsclcarchives.org/wp-content/uploads/2013/11/1CA-Eligibility-Brief-4.pdf: ang formula ng “MAGI ay hindi ibinibilang ang ilang kita kabilang, bilang halimbawa, mga benepisyo ng Beterano, suporta sa anak na natatanggap, at mga scholarship, kaloob, at mga gantimpalang ginagamit para sa mga layuning pang-edukasyon. Ang paglaki ng Medi-Cal ay pahihintulutan rin ang iba pang babawasin ng kita na hindi pinahihintulutan sa ilalim ng tradisyonal na mga pagkakalkula ng kita ng Medi-Cal, kabilang bilang halimbawa, binabayarang sustento at mga kontribusyon una sa buwis para sa mga gastos tulad ng pangangalaga sa anak o pagreretiro (bagaman, pasalungat, hindi nito pahihintulutan ang karaniwang mga babawasin ng A&D FPL para sa mga premium ng health insurance.” Ang U.C. Berkeley Labor Center ay may isang-pahinang fact sheet na may simpleng paliwanag tungkol sa kung paanong kalkulahin ang MAGI. Magagamit ito dito: http://laborcenter.berkeley.edu/healthcare/MAGI_summary13.pdf. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 2. Para sa higit na impormayon sa MAGI, tingnan ang “Advocate’s Guide to MAGI” ng National Health Law Program, makukuha sa http://www.healthlaw.org/publications/agmagi “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 3. Manghihingi ang Pre-ACA Medi-Cal para sa impormasyon tungkol sa iyong mga ari-arian, at kung mayroon kang napakarami, hindi ka magiging karapat-dapat para sa Medi-Cal. Sa ilalim ng MAGI Medi-Cal hindi ka sasailalim sa pagsubok ng ari-arian na ito. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 4. http://nsclcarchives.org/wp-content/uploads/2013/11/1CA-Eligibility-Brief-4.pdf “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 5. Napaunawaan na ng California ang mga county na ang mga may sapat na gulang sa paglaki ng MAGI na kailangan ng mga serbisyo ng nursing facility ay maaari nilang matanggap ang mga iyon sa ilalim ng pagkanararapat ng pagkanararapat ng MAGI nang walang pagsubok ng ari-arian: http://www.dhcs.ca.gov/services/medi-cal/eligibility/Documents/MEDIL2014/MEDILI14-06.pdf. Napaunawaan na rin ng California ang mga county na ang mga may sapat na gulang sa paglaki ng MAGI ay mga karapat-dapat rin sa mga serbisyong pagkomunidad ng LTSS: http://www.dhcs.ca.gov/services/medi-cal/eligibility/Documents/MEDIL2014/MEDILI14-11.pdf. Bagaman walang pagpapasiya ng kapansanan para sa MAGI Medi-Cal, dapat mong matugunan ang mga medikal na pamantayan para sa mga serbisyo ng LTSS. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 6. Tingnan ang, http://www.dhcs.ca.gov/formsandpubs/laws/Documents/Pending%20SPA%2013-038%20not%20ADA.pdf; http://www.dhcs.ca.gov/formsandpubs/Documents/MMCDAPLsandPolicyLetters/APL2013/APL13-021.pdf. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”
- 7. http://www.cdss.ca.gov/cdssweb/entres/forms/English/SAWS2PLUS.pdf “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”