Ang Iyong mga Karapatan sa mga Mapagpipiliang Pagpapayo at Discharge Planning sa ilalim ng MDS 3.0 Section Q

Ang Iyong mga Karapatan sa mga Mapagpipiliang Pagpapayo at Discharge Planning sa ilalim ng MDS 3.0 Section Q
Lahat ng nursing facility na tumatanggap ng pagpopondo ng Medicare o Medicaid ay dapat mangasiwa ng pagtatasa ng Minimum Data Set (MDS) sa lahat ng residente ng nursing facility (NF). Ginagamit ang MDS para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kakayahang pagganap ng residente, kilalanin ang mga problemang pangkalusugan at para tumulong sa pagpapaunlad ng mga care plan ng indibidwal, kabilang ang discharge planning.
Mga Kinakailangang Pagtatasa ng MDS
Lahat ng nursing facility na tumatanggap ng pagpopondo ng Medicare o Medicaid ay dapat mangasiwa ng pagtatasa ng Minimum Data Set (MDS) sa lahat ng residente ng nursing facility (NF). Ginagamit ang MDS para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kakayahang pagganap ng residente, kilalanin ang mga problemang pangkalusugan at para tumulong sa pagpapaunlad ng mga care plan ng indibidwal, kabilang ang discharge planning.
Ang ganap na pagtatasa ng MDS ay pinapangasiwaan nang hindi lalampas nang 14 na araw pagkatapos sa petsa ng pagpasok, kapag nagkaroon ng pagbabago sa pisikal o pag-iisip na kundisyon ng residente, taunan, at mas maikling bersyon ay pinangangasiwaan nang quarterly. Ang MDS, Section Q ay kinakailangang mapangasiwaan sa panahon ng bawat komprehensibong pagtatasa. Ang residente o kanilang kinatawan (kung ang residente ay hindi magawang tumugon) ay maaaring piliing umurong sa mga katanungan sa quarterly (hindi komprehensibo) na mga pagtatasa. Gayun man, maaaring magbago ang isipan ng mga residente at humiling ng impormasyon hinggil sa posibleng pagbabalik sa komunidad sa anumang oras, nang walang pagtatangi sa iskedyul ng pagtatasa ng MDS.
Ang discharge planning ay tumutukoy bilang Section Q (bahagi) ng proseso ng pagtatasa ng MDS. Ipinag-uutos ng MDS Section Q na ang mga nursing facility na tanungin ang mga residente kung interesado sila sa paglipat sa komunidad. Kung oo ang sagot ng residente (yan ay gusto ng residente ng marami pang impormasyon tungkol sa paglilipat sa komunidad), inuutusan ang NF na isangguni ang residente sa isang Local Contact Agency (LCA) sa loob nang 10 araw ng trabaho.
Kung interesado ang isang residente sa paglipat sa komunidad, ang tugon sa pagtatasa ng MDS ay kailangan para maisulat sa care plan, at ang care planning ay dapat pasimulan para matasahan ang posibleng pagbabagong kalagayan sa komunidad. Ito’y kadalasay nangangahulugan ng pagbisita ng social worker ng NF o discharge planner para talakayin ang discharge planning at mga opsyon sa paninirahan sa komunidad sa hinaharap. Para sa detalyadong impormasyon hinggil sa MDS Section Q, tingnan ang https://downloads.cms.gov/files/mds-3.0-rai-manual-v1.17.1_october_2019.pdf.
Lokal na Ahensya ng Pakikipag-ugnayan
Sa sandaling magawa ang pagsangguni sa isang LCA, responsable ang LCA sa pagkontak sa residente ng NF at pakikipag-usap sa residente tungkol sa discharge planning at mga serbisyo upang bigyang kakayahan ang indibidwal na manirahan sa komunidad na may suporta at mga serbisyo. Marami sa mga residente ng NF ay maaaring makabalik sa komunidad na may mga suporta at serbisyo. Responsable ang LCA at NF na magkasamang magtulungan sa pagtulong sa pagbabago ng kalagayan ng residente sa komunidad, na nagagawa naman. Maaari mong kontakin ang LCA para sa iyong county sa pamamagitan ng pagbisita sa https://www.cdph.ca.gov/Programs/CHCQ/LCP/Pages/Local-Agencies-for-MDS-3-0-Section-Q.aspx.
Paano kumuha ng impormasyon tungkol sa aking MDS, Pagtatasa ng Section Q
Maaari kang makipag-usap sa social worker ng NF na nakatalaga sa iyo para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung kailan magaganap ang iyong susunod na MDS, pagtatasa ng Section Q at para beripikahin na may tamang impormasyon ang NF tungkol sa iyong interes sa paglipat sa komunidad, sa iyong MDS, pagtatasa ng Section Q.
Ano ang gagawin kung tanggihan ka sa impormasyon ng MDS Section Q o Discharge Planning
Kung hindi ka bibigyan ng facility ng impormasyon tungkol sa iyong MDS, pagtatasa ng Section Q, maaari mong kontakin ang iyong lokal na Ombudsman sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-231-4024. Available ang Ombudsman nang 24 na oras kada araw, 7 araw kada linggo para sumagot ng mga tawag at magsangguni ng mga reklamo mula sa mga residente. Matatagpuan mo rin ang tanggapan ng lokal na Ombudsman sa iyong lugar sa pamamagitan ng pagbisita sa https://www.aging.ca.gov/Find_Services_in_My_County/.
Bilang karagdagan, maaari kang maghain ng reklamo sa California Department of Public Health. Ang California Department of Public Health ay namamahala sa paglilisensya at pag-iinspeksyon ng mga nursing home. Para maghain ng reklamo sa CDPH maaari mong kontakin ang tanggapan ng distrito ng Licensing and Certification Division sa inyong lugar. Para sa listahan ng mga lokasyon at impormasyon sa pagkontak bisitahin ang https://www.cdph.ca.gov/Programs/CHCQ/LCP/Pages/DistrictOffices.aspx.
maaari mo ring kontakin ang ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
Marami pang impormasyon tungkol sa MDS Section Q ay matatagpuan dito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/enhanced-discharge-planning-rights-for-nursing-facility-residents-under-mds-30-section.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.