Alamin ang Iyong mga Karapatan sa California: Paggamit sa Pangangalaga ng Ospital sa Panahon ng COVID-19

Alamin ang Iyong mga Karapatan sa California: Paggamit sa Pangangalaga ng Ospital sa Panahon ng COVID-19
Sa panahon ng COVID-19, ang mga ospital ay maaaring walang sapat na kama at mga supply upang matulungan ang lahat na nangangailangan nito. Maaaring walang sapat na ventilator ang mga ospital para sa lahat ng nangangailangan nito. Maaaring kailanganin ng mga doktor na gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung sino ang makakakuha ng tulong.
Ginawa ng: Disability Rights California, Disability Rights Education and Defense Fund, Justice in Aging, Independent Living Resource Center San Francisco, at Fat Legal Advocacy, Rights, & Education
Sa panahon ng COVID-19, ang mga ospital ay maaaring walang sapat na mga higaan at supply para matulungan ang sinumang may kailangan nito. Ang mga ospital ay maaaring walang sapat na mga ventilator para sa bawat isang nangangailangan nito. Maaaring magdeisyon ang mga doktor kung sino ang makakukuha ng tulong.
Noong Hunyo 9, 2020, naghandog ang California ng dokumento para sabihan ang mga ospital kung paanong magplano para dito at subukang siguraduhin na mayroon silang sapat na mga higaan at supply. Sinasabihan ng dokumento ang mga ospital kung paano magdesisyon tungkol kung sino ang makakukuha ng tulong kung hindi walang sapat para sa bawat isa.
Walang Diskriminasyon
Sinasabi ng dokumento na kailangang sundin ng mga ospital at doktor ang mga batas ng pederal at estado laban sa diskriminasyon, kahit na may krisis. Sinasabi ng dokumento na hindi makapagdedesisyon ang mga doktor at ospital tungkol sa paglulunas sa iyo batay sa:
- Iyong edad
- Iyong lahi
- Kung mayroon kang kapansanan
- Kasama rito ang kapansanang nauugnay sa timbang, isang hindi gumagaling na medikal na kundisyon, o anumang kapansanan
- Ang iyong kasarian
- nangangahulugan ito na kung ikaw ay isang lalake o babae o nonbinary
- Ang iyong seksuwal na oryentasyon
- Kasama rito kung ikaw ay bakla, straight, lesbian, o bisexual
- Ang iyong pagkakakilanlan ng kasarian
- Kasama rito kung ikaw ay trans o transgender
- Ang iyong lahi o ang iyong bansang pinagmulan
- Kasama rito kung ikaw ay Hispanic o Latino, kung nagsasalita ka ng ibang wika, o kung ikaw o ang iyong pamilya ay nagmula sa ibang bansa.
- Kakayahang magbayad
- Ang ibig sabihin nito ay kung mababayaran mo ang bill sa ospital
- Ang iyong timbang o laki
- Kasama rito kung ikaw ay malaki, maliit, mataba, payat, maliit, o mataas
- Ang iyong katayuang socioeconomic
- Kasama rito kung gaanong karaming pera mayroon ka, saan ka nakatira, kung nakapag-college ka, o kung ano ang iyong trabaho
- Ang iyong katayuan ng insurance
- Ang ibig sabihin nito kung mayroon ka o walang health insurance
- Ang iyong nakikitang kasing-halaga o ang iyong nakikitang kalidad ng buhay
- Kasama rito kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa iyong buhay o iyong katawan
- Ang iyong kalagayan ng imigrasyon
- Kasama rito kung ikaw ay isang mamamayan o kung ikaw ay hindi isang mamamayan
- Kasama rito kung mayroon kang mga papeles para makapasok sa United States o kung wala kang mga papeles
- Ang iyong kalagayan ng pagkabilanggo
- Kasama rito kung ikaw ay nakulong, o kung ikaw ay nakulong o napiit na
- Kung ikaw ay walang tirahan
- Ang iyong nakaraan o panghinaharap na paggamit ng mga mapagkukunan
- Kasama rito kung maraming beses ka nang naospital sa nakaraan o kung maaari kang ma-ospital nang madalas sa hinaharap
Paghadlang ng Krisis
Sinasabihan ng dokumento ang mga ospital na dapat silang magtrabaho nang mabuti para makuha nila ang mga supply na kailangan nila para matulungan ang sinumang nangangailangan nito. Dapat makipag-usap ang mga ospital sa bawat-isa at magtulungan para subukang matulungan ang bawat-isa. Sa ngayon, nagagawa ng mga ospital sa California na matulungan ang bawat-isa na nangangailangan nito.
Paanong Nagdedesisyon ang mga Ospital at Doktor Kung Sino ang Makakukuha ng Tulong sa isang Krisis
Sinasabin ng dokumento ang mga ospital at doktor kung paanong magdesisyon kung walang sapat na mga higaan at supply para matulungan ang sinumang nangangailangan nito. Sa sitwasyon na iyon, sinasabi ng dokumento na dapat subukan ng mga ospital at doktor na mailigtas ang karamihan. Nangangahulugan ito na dapat tulungan ng mga ospital at doktor ang tao batay sa kung sino ang malamang na mas bubuti sa paggagamot. Sinasabi ng dokumento na dapat tingnan ka ng mga doktor nang personal at tingnan ang lahat ng medikal na katotohanan para magdesisyon kung malamang na mas bubuti ka sa paggagamot.
Sinasabihan ng dokumento ang mga doktor na maaari nilang gamitin ang isang pagsusuring tinatawag na SOFA (Sequential Organ Failure Assessment) para tulungan silang makapagdesisyon. Ang pagsusuring SOFA ay susubukang sukatin kung malamang na mas bubuti ka sa paggagamot. Mas mababa ang iyong SOFA score, ay mas malamang na mas bubuti ka sa paggagamot.
Kung may kapansanan ka, maaaring pataasin ng iyong karamdaman ang iyong SOFA score. Kung mangyayari iyon, sinasabi ng dokumento na dapat babaan ng doktor ang iyong score para hindi maibilang laban sa iyo ang iyong karamdaman. Bilang halimbawa, hindi dapat maibilang laban sa iyo ito kung iyong kapansanan ay:
- Nalilimitahan kung paano ka gumalaw o magsalita;
- Nalilimitahan ang iyong paghinga, partikular kung hindi ka nakagamit ng mga kasangkapan para tulungan kang huminga;
- Nagdudulot ng mababang presyon ng dugo, o nagdudulot ng mga pagbabago sa iyong mga blood test, partikular kung walang kang access sa iyong mga gamot.
Sinasabihan ng dokumento ang mga doktor na maaari nilng ilagay ang mga taong may katulad na mga SOFA scores sa parehong “priority group” para sa tulong. Kung walang sapat na mga higaan at supply para matulungan ang bawat-isa, maaaring magdesisyon ang doktor kung sino ang tutulungan batay sa mga priority group.
Kung hindi matutulungan ng mga doktor ang bawat-isa sa parehong priority group, sinasabi ng dokumento na maaari nilang tingnan kung ang bawat-isa sa group ay may malalang kundisyon na malamang na magiging dahilan ng pagkamatay sa madaling panahon. Ang halimbawa ay cancer kung saan ang tao ay inaasahang mamamatay sa loob nang anim na buwan kahit na may paggagamot. Kung walang sapat para matulungan ang bawat-isa, sinasabi ng dokumento na maaaring magdesisyon ang mga doktor na tulungan ang mga taong walang ganoong uri ng malalang kundisyon na malamang na hindi magiging sanhi ng pagkamatay sa madaling panahon. Kung marami pa ring taong gagamutin ang mga doktor, sinasabi ng dokumento na maaari silang gumamit ng loterya para magdesisyon.
Maaaring gusto mong magtabi ng papel na may impormasyon tungkol sa iyong kapansanan. Maaaring kasama sa papel kung paanong maaaring pataasin ng iyong kapansanan ang iyong SOFA score. Maaaring kasama nito ang impormasyon tunkol sa mga gamot at kagamitan na kailangan mo para manatiling mabuti. Maaaring kasama nito kung ano sa palagay ng iyong doktor ang tungkol sa gaanong katagal ka mabubuhay. Maaring kasama nito ang impormasyon ng kontak para sa isang taong pangsuporta. Maaaring itago mo ang papel sakaling mahirap makipag-ugnayan kapag nasa ospital ka. Maaaring gusto mong magsama ng taong pangsuporta sa ospital.
Mga Makatwirang Pagbabago sa mga Tuntunin ng Ospital
Sa ilalim ng batas, dapat gumawa ng mga makatwirang pagbabago ang mga ospital at doktor sa mga tuntunin para ang mga pasyente na mas matatanda o may kapansanan ay maaaring makuha ang tulong na kailangan nila. Kailangan nilang gumawa ng mga pagbabago kahit na sa panahon ng COVID-19. Nagbibigay ng ilang halimbawa ang dokumento:
- Mga pagbabago sa mga limit ng dalaw ng COVID-19 para makapagsama ka ng miyembro ng pamilya, taong personal na nangangalaga, komunikador, o ibang tagatulong sa ospital. Para sa higit na impormasyon, pumunta sa: https://www.disabilityrightsca.org/post/coronavirus-hospital-visitation
- Sinisiguro na mayroon kang mabisang komunikasyon, tulad ng sign language o pagpapaliwanag sa aktuwal na oras. Dapat ding magbigay ang mga ospital ng tulong sa wika kung kinakailangan.
- Mga pagbabago para matiyak ang pantay na paggagamot sa mga desisyon tungkol sa kung sino ang makakukuha ng tulong, tulad ng mga pagbabago sa mga SOFA score at mas mahabang panahon sa isang ventilator, para ibilang sa mga kapansanan.
Sinasabi ng dokumento na dapat mayroong nakatalagang mga kawaning tauhan ang mga ospital para masiguro na naibibigay ang mga kinakailangang pagbabago.
Mga Personal na Ventilator
Kung mayroon kang ventilator ng anumang uri, at dinala mo ang iyong personal na ventilator sa ospital, hindi maaaring kunin sa iyo ang iyong personal na ventilator at ibigay sa ibang pasyente.
Kung Hindi Ka Sumasang-ayon sa Desisyon Kung Sino ang Makatatanggap ng Paggagamot
Kung ikaw o ang iyong pamilya o tagasuporta ay hindi simasang-ayon sa desisyon tungkol sa iyong pangangalaga, gaya ng desisyon para pigilan o tanggihan ka ng ilang paggagamot, maaari kang mag-apela. Para mag-apela, ikaw o ang iyong tagapagtaguyod ay dapat sabihin sa mga doktor na hindi ka sumasang-ayon sa desisyon at sabihin kung bakit. Maaari kang mag-apela dahil sa palagay mo na ang desisyon ay binatay sa iyong edad, lahi, timbang, laki, o kapansanan. Hindi ka maaaring mag-apela dahil lang hindi sa palagay mo ay hindi dapat ang ospital ang gumagawa ng mga uri ng desisyon na ito o hindi gusto kung paanong ginagawa ng ospital ang pangkalahatang mga desisyon.
Sinasabi ng dokumento na dapat magkahiwalay na grupo ng tao ang dapat magdesisyon ng iyong apela. Ang desisyon ng health care ay dapat baguhin kung ibinase ito sa edad, lahi,laki, o kapansanan, o anumang kalidad na nasa listahan sa simula. Ang desisyon sa iyong apela ay dapat mabilis na maisagawa upang maiwasan ang pinsala sa iyo o iba pang taong naghihintay ng paggagamot.
NARITO KAMI PARA TUMULONG
Narito kami para tumulong. Kung ikaw o isang taong kilala mo na hindi makakukuha ng paggagamot sa ospital sa panahon ng COVID-19, mangyaring kontakin kami sa.
Disability Rights California
Telepono: 1-800-776-5746
https://www.disabilityrightsca.org/contact-us/how-to-get-help
Disability Rights Education and Defense Fund
Telepono: (510) 644-2555
Email: info@dredf.org
Justice in Aging
Website: https://www.justiceinaging.org/contact
Independent Living Resource Center San Francisco (para sa mga indibidwal na nasa o malapit sa San Francisco)
Telepono: 628-231-2287
Email: brandie@ilrcsf.org
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Click links below for a downloadable version.
Haga clic en enlaces a continuación para una versión completa descargable.
다운로드 가능한 전체 버전은 아래 링크를 클릭 하십시오.
点击下面的链接查看完整的可下载版本。
Nhấp vào liên kết dưới đây để có phiên bản tải về đầy đủ.
សូមចុចខាងក្រោមដើម្បីទទួលបានកំណែពេញលេញ។
Нажмите на ссылку ниже для полной загружаемой версии.
Mag-click sa ibaba para sa isang buong nada-download na bersyon.
Nyem Hauv qab rau ib daim ntawv uas muaj downloadable puv nkaus.
Սեղմեք ներքեւում, ամբողջական բեռնվող տարբերակի համար
انقر أدناه للحصول على نسخة كاملة قابلة للتنزيل
ダウンロード可能なバージョンについては、以下のリンクをクリックしてください。
نسخه کامل دانلود زیر کلیک کنید.